One.

2K 69 35
  • Dedicated kay Anjelly D. Sumagaysay
                                    

This is an unedited version. 

--

I WAS in my 3rd year of high school when I met this girl. She's a transfer student mula sa isang all-girls school. Mahaba ang buhok niya at 'di maipagkakailang maganda siya. Makinis ang kutis, kulay rosas ang mga pisngi niya kahit walang blush-on, manipis ang mga labi, at 5 ft ang height. Mayaman din ang pamilya niya, anak ng business tycoon na nasa Thailand ngayon. Bukod doon, matalino rin siya. Nasa kanya na yata lahat.


Siya ang klase ng babae na habol ng lahat, paborito ng lahat, palaging usapan ng lahat. Maraming babae ang naiinggit sa kanya at hindi mabilang ang mga lalaking lumilingon kapag dumaraan siya.


Pero walang gustong lumapit sa kanya. Palagi siyang nag-iisa. Sa canteen, sa library, sa bench, tuwing PE, tuwing lunchtime, tuwing pumapasok sa eskwelahan—palagi siyang mag-isa.


"Bakit kaya?" Nasabi ko na lang nang dumaan siya sa harapan namin. Break kasi kaya nakatambay kami ngayon ng bestfriend kong si Mako sa harap ng classroom. Kasama namin ang kababata niyang si Cannah na sabi niya raw ay girlfriend niya na ngayon. Nabigla nga ako na hindi pa pala sila noon, e halos magkasama na sila araw-araw. Kulang na nga lang magkapalit sila ng mga mukha.


"Anong binubulong mo riyan?" tanong sa 'kin ni Mako habang umiinom ng milkshake niya.


"You know, 'yong transferee na classmate natin. Iyong si Juno. I'm just wondering kung bakit palagi siyang walang kasama. Hindi naman siya emo o ano, loner na loner kasi e."


Tumingin sa 'kin si Mako sa mga mata habang nafreeze yata ang straw sa bibig niya. "Don't tell me.."


"No," inunahan ko na siya. "I'm just your curious buddy. That's all."


Sasabihiin niya na naman kasing nainlove ako kay Juno. Palagi kasi siyang ganoon. Kapag may itinanong akong babae sa kanya sasabihin niya agad na inlove ako. Mokong na 'to. Lahat na lang ina-assume.


"I think that's just the problem with perfect people," sabi naman nitong si Cannah na nagdodoodle sa notebook ni Mako.


"Ha? Ano'ng ibig mong sabihin?" tanong ni Mako sa kanya.


"It's just that they're too perfect kaya hindi lumalapit ang mga tao sa kanila. They can't mingle with other normal people. Kapag kasi lumapit sila sa perpektong taong 'yon, feeling nila napaka-inferior nila kumpara sa kanya. Parang ganoon."


"E 'di ba dapat opposite ang nangyayari?" curious kong tanong. "Perfect 'yong tao kaya nilalapitan siya ng karamihan."


"Oo nga. Sasang-ayon ako kay Sid. Parang baliktad naman yata 'yong sinabi mo Cannah," pahiwatig ni Mako.


Bigla niyang tiniklop ang notebook at hinarap kaming dalawa. "Ngayon hindi na ako nagtataka kung bakit naging bestfriends kayong dalawa. Ang slow niyo. Mag-aral nga kayo ng Psychology. Balik na ako ng room. Babush." She concluded at umalis na roon.


"Wha—Oy!" tawag ni Mako sa kanya pero hindi na siya lumingon. Rinig na lang namin ang chuckle niya na nagpatawa sa kumag na katabi ko ngayon. "Did you just see that?" Tawag-pansing tanong sa 'kin ni Mako. "She's amazing, right? Mula noon hanggang ngayon ang cute niya pa rin."

Maybe Next Time It Will Hurt Less | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon