Seven. (Final Chapter)

1K 73 27
                                    

"Kamusta ang proposal mo sa bagong project na ginagawa mo, Sid? Pumayag ba ang mga board members?" tanong ni Mako sa 'kin habang kagat-kagat ang sandwich niya.

"Ewan. But I think I'll fail this one. Bakas kasi sa mukha ni Director Tan na 'di siya sang-ayon," sagot ko habang nakapanlumbaba.

"Sucks to be you, dude. Gumawa ka kasi ng project na mapapanganga sila para makagawa na rin ako ng program ko."

"Well, I did. Pero hindi pa sapat 'yon. Ang hirap ng buhay. Pakshet."

Ininom ko ang orange juice na kanina pa sa kamay ko. Break time kasi namin ngayon at sabay kaming naglalunch ni Mako. Believe it or not magkasama pa rin kami. Nauumay na nga ako sa mukha nito. Nag-aral kami sa iisang highschool at sa iisang college, ngayon naman nagtatrabaho kami sa iisang kumpanya. Naku.

"Oy leshe! Sid I need to go!" nabigla ako sa naging reaksyon ni Mako ng basahin ang text message niya.

"Wha—bakit?! Anyare?! Papagalitan ka na naman ni Arthur 'pag wala ka sa meeting mamaya!"

"Bahala siya! Magiging tatay na ako! Manganganak na si Cannah!" at saka siya kumaripas ng takbo. Sht. Napatawa ako ng malakas. Akalain mo 'yon? Magiging tatay na ang kumag kong kaibigan.

"Sid? Okay ka lang?" napalingon ako at nakita si Carms, ang office mate ko, na may dalang maraming papeles. "Anong nangyari sa 'yo? Tumatawa kang mag-isa riyan?"

"Wala lang. Iyong asawa kasi ni Mako manganganak na. Masaya lang ako para sa kanya."

"Talaga?! Kaya pala daig pa ang LRT kung makatakbo. E ikaw Sid? Kailan ka kaya magiging tatay?" nawala ang ngiti sa mukha ko.

"Hindi pa ako ready Carms," sabi ko at napakamot ng ulo.

"Asus. Ang sabihin mo hinihintay mo pa rin iyong si Juno na palaging bukambibig mo noong mag-apply ka rito. Naku Sid. Ilang taon na ba ang nakakalipas simula noong umalis siya? Eight? Nine?" she said at umupo sa inuupuan ni Mako kanina.

"It was eight years ago. She left bago ang graduation namin."

"See? Ano pang aasahan mo r'on? Ni hindi mo nga alam kung may asawa 'yon o wala. Baka nga hindi na mabilang ang mga anak n'on e. Tapos ni communication wala kayo. Bakit ang lakas pa rin ng confidence mo na babalik siya?"

"She will. Malakas ang kutob ko na babalik siya."

It's because she emailed me after ng graduation namin.

There's something that I wanted to tell you, Sid. Lets meet again someday.

Iyon lang ang nasa email niya pero pinanghawakan ko 'yon sa loob ng walong taon. Nagfocus ako sa pag-aaral. At ito ang inabot ko ngayon. Isang project leader ng malaking kumpanya.

"Madaming pwedeng mangyari sa loob ng walong taon, Sid. Madami. Hay naku. By the way, sabi ni sir Arthur dalhin mo raw muna 'tong mga papeles sa main branch sa Manila. Kailangan na raw to ng CEO mamayang gabi.  Two hours na pagdadrive. Makakaabot ka pa sa meeting mamaya."

I sighed. "Bakit ako na lang palagi ang inuutusan ni sir Arthur na dalhin 'to sa main branch? Mukha ba akong delivery man?"

Tumawa si Carms. "Come on. Ikaw kaya ang paborito n'on. Sige na, Mauna na rin ako. Susunduin ko pa ang mga anak ko e. See you around, Sid."

"Take care, Carms."

Kinuha ko ang susi ng company car namin at nagsimulang magdrive. Kung hindi ko lang talaga mahal ang trabaho ko.

Maybe Next Time It Will Hurt Less | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon