PAGKATAPOS ng nangyari kanina pinapunta kami sa Guidance Office. Nagkarecord si Juno. Nainis nga ako kasi hindi niya naman kasalanan. Pero wala naman kaming magawa.
Nang makaalis kami doon dumiretso kami sa library. Although I don't know kung makakagawa pa kami ng project sa sitwasyon namin ngayon. Mahigit isang oras ng hindi nagsasalita si Juno. Tumatango lang siya kanina sa guidance councelor.
Magkaharap kami ngayon pero walang umiimik sa 'min. Nagsusulat siya ng mga formula sa notebook niya habang ako kunwaring finiflip iyong libro pero ang totoo hinihintay ko siyang tumingin sa 'kin para magkaconfidence rin akong magsalita. Feeling ko kasi parang hangin ako ngayon.
Pero after ilang minutes, aggh. That's it!
"Juno come with me!"
Hindi ko na siya hinintay pa na sumagot. Kinuha ko ang mga gamit namin at kinaladkad ko siya palabas ng school. May two periods pa kaming natitira pero bahala na. Hindi siya nagreklamo at hinayaan niya lang akong hilahin siya sa kung saan. Pumuslit kami sa guard. Buti na lang at hindi niya kami nakita. Successful kaming nakalabas. Tinext ko ang driver namin at ilang minutes lang ay dumating na siya. Pinasakay ko si Juno.
"Kuya same place tayo."
"Pero 'di ba may klase pa kayo, sir?" Shit. Baka isumbong ako nito kay daddy.
"Wala manong. Wala si maam. Nanganak."
Nabigla ako ng makita ang repleksyon ni Juno sa salamin ng sasakyan. Nakangiti siyang nakatingin sa window. Dahil doon parang gumaan din ang pakiramdam ko. Salamat nagkaroon din ng emosyon ang mukha niya.
After minutes of driving nakarating din kami sa beach house na pagmamay-ari ng ate ko at ng asawa niya. Nasa abroad kasi sila ngayon at ang sabi niya malaya raw akong pumunta rito anytime ko gustuhin.
Hinila ko ang kamay ni Juno at nagsimulang maglakad sa tabing-dagat. Pinaupo ko siya sa isang malaking bato at kinuha ko ang sapatos at ang kneesocks niya. Hindi naman siya nagreklamo. Pagkatapos ay pinatayo ko siya sa gilid ng dagat. I let her face the sunset. Pumwesto ako sa likod niya at hinawakan ang dalawa niyang balikat.
"Now you can shout whatever you want. Walang sisita sa 'yo. Walang mang-iistorbo. Just let your feelings out. 'Wag mong kimkimin 'yan sa loob mo, okay? I'm just right behind you." Naramdaman kong nagbuntong-hininga siya. "I'm just right here."
I took two steps behind nang lumingon siya sa 'kin at ngumiti. Ibinalik ko rin ang ngiting 'yon. Then she looked at the skies at huminga ng malalim.
"I LIKE YOU SIIIIIID!!"
Napa-jawdrop ako. Ha?! Naramdaman ko ang pag-init ng mga mukha ko. Shet. Shet. SHET. Bathump. Bathump. Bathump. What?
"I LIKE YOU SO MUCH! SALAMAT SA LAHAT. SA LAHAT-LAHAT NG GINAWA MO SA 'KIN. THANK YOU FOR STICKING WITH ME TILL THE END! YOU BECAME MY FRIEND KAHIT WALANG KUMAKAUSAP SA 'KIN NOON. THANK YOU!" huminga muna siya ng malalim at nagready na magsalita ulit. "Don't worry, mom..dad. I'm okay. I've found a friend and I know you're up there and guiding me. Thank you. Kakayanin namin 'to ni kuya. Hindi kami magpapatalo. Watch us. We'll make you both proud."
"Do you wanna know?"
"Hm?" hindi ko magawang tumingin sa kanya dahil sa sinabi niya kanina. Sht. Natotorpe yata ako. Nakaupo na kami ngayon sa malaking bato at nakatingin sa lumulubog na araw.
"May dad died at iniwan ang napakalaking utang sa kompanya. Dahil doon nagalit sina lolo. The last time na nakita ko ang mga relatives ko ay noong burial ng daddy ko. Hindi sila umattend ng libing ni mommy dahil hindi siya tanggap ng pamilya ni dad." She narrated habang yakap-yakap ang mga tuhod niya. "But my dad chose her mistress kaysa sa legal niyang asawa. Kami ang pinili ni daddy kaya mas lalong uminit ang dugo nina lolo. And when he left, naiwan kami ni mommy."
"Juno you don't have to—"
"No, please let me. I want you to know more about me. Let me, Sid." Wala na akong nagawa kundi ang tumango at nanatiling tahimik at nakinig sa kanya. "Mayroon akong kuya at nasa Thailand siya ngayon. Siya ang nag-aayos ng mga utang na iniwan ni dad. He took over the company kahit 27 years old pa lang siya."
Napansin kong panay ang ngiti niya habang kinikwento ang kuya niya.
"Iba si kuya sa kanilang lahat. He never hold grudges sa amin ni mommy. Lihim niya akong sinusuportahan kahit nasa Thailand siya ngayon. Siya ang nagpapaaral sa 'kin. Siya rin ang bumili ng bahay na tinitirhan ko. Si kuya na lang ang natitirang nagmamahal sa 'kin."
"That's not true Juno."
Tumingin siya sa 'kin at ngumiti.
"Let's go home, Sid." Tumayo siya at sa puntong 'yon siya naman ang humila sa 'kin. Tahimik kami sa sasakyan. Hindi siya kumikibo at lalo rin ako. Ang awkward tuloy ng atmosphere. Hindi kasi maalis sa isipan ko ang sinabi niya kanina. She said she likes me. Okay lang bang umasa? More importantly, may pag-asa ba ako?
Nakakainis. Nandito na kami ngayon sa bahay niya. Ang dilim ng paligid. Paano niya kayang natitiis na tumira sa ganito kalaking bahay ng nag-iisa? And then again, humanga na naman ako sa katatagan ng babaeng 'to.
"Thank you ulit Sid." Tumango ako at tiningnan siya ng maigi. Okay lang kaya kung tanungin ko siya kung pwede akong manligaw? Papayag kaya siya?
One way to find out.
"Juno, can I—" Biglang niyang inilagay ang palad niya sa bibig ko. Lumapit siya sa 'kin at niyakap ako. It was a tight hug. I'm just hoping na hindi niya marinig ang drums sa puso ko.
"Goodnight Sid. Thank you for everything. Goodbye and take care."
Hindi ko na siya napigilan. Pumasok na siya sa malaking pinto ng bahay niya at naiwan akong nakatayo roon habang tinatanaw ang anino niyang paakyat ng hagdan.
Hindi na 'to simpleng crush lang. I really am in love with her.
Nang sumunod na araw napansin ko na maraming nagbubulungan sa loob ng classroom. Ang ingay nga e. Hinanap ng mata ko si Juno pero hindi ko siya mahagilap. Absent kaya siya?
The noise died nang pumasok si Sir. Naramdaman ko namang biglang tumubo na parang mushroom 'tong si Mako sa tabi ko.
"Shit. Buti na lang umabot ako." Hingal niyang sabi. "Hoy, Sid. Alam mo na ba?"
"Alam ang alin?"
"Iyong tungkol kay—" hindi niya natapos ang sasabihin niya dahil biglang nagsalita si sir.
"I have an announcement class," biglang tumahimik ang buong klase. "Ariano dropped out of school. She left for Thailand this morning. "
Nanigas ako sa narinig ko. What?
"Goodnight Sid. Thank you for everything. Goodbye and take care."
"...Thank you for everything. Goodbye and take care."
"...Goodbye and take care."
"...take care."
I never thought na iyong gabing 'yon na ang magiging huli naming pagkikita. Wala akong kaalam-alam na iyong paalam niya kagabi ay permanente. Hindi ko alam.
BINABASA MO ANG
Maybe Next Time It Will Hurt Less | ✔
Fiksi Remaja"Siya ang klase ng babae na habol ng lahat, paborito ng lahat, palaging usapan ng lahat. Maraming babae ang naiinggit sa kanya at hindi mabilang ang mga lalaking lumilingon kapag dumaraan siya. Pero walang gustong lumapit sa kanya--palagi siyang mag...