"SID ano'nglason ang ininom mo bago ka umalis ng bahay niyo? Alam ba 'to nina tita?—aray naman!" binatukan ko. Kung mag-exaggerate kasi.
"Shut up Mako."
"Asus. Pasalamat ka nga sa 'kin in-encourage kita kay Juno."
"Tss. Libre kita ng milkshake , tara."
Kumislap 'yong mga mata ng mokong. Lilibre ko lang naman siya para tumahimik 'yong bunganga niya. May field trip kasi ang mga second year ngayon, wala si Cannah. 'Yan tuloy dikit ng dikit sa 'kin.
Ibinigay ni Juno ang contact number niya sa 'kin. Nagdesisyon din kami na gawin ang project sa bahay nila bukas ng Sabado. Mukhang ayaw niya pa nga kaya lang no choice naman dahil bahay niya lang ang available. Iyong bahay kasi nina Mako okupado ng mga business partners ng magulang niya. Iyong sa 'kin naman magiging busy dahil uuwi 'yong tita ko this week at siguradong madaming relatives ang pupunta roon. Kaya no choice si Juno kundi pumayag na doon na lang sa bahay nila gagawa ng project.
Shit. Walang 'yang Mako. Iniwan ba naman ako. Ako kasi yung naassigned sa cleaning duty ngayon kaya nahuli ako. Nagtext lang iyong mama niya na nakauwi na si Cannah at kasalukuyang kumakain ng pizza sa bahay nila, kumaripas na ng takbo ang mokong na 'yon.
Wala na halos tao sa school. Kainis talaga. Ang dilim ng langit. Mukhang uulan na naman. Wala pa naman akong payong.
"Babe?" napalingon ako. Oh, for the love of—sa lahat ba naman ng taong pwedeng makita ko ngayon, siya pa?
"Babe? Who the fuck are you calling 'babe'? Go away, Gab. I don't want to see you."
"Come on, don't be like that. I know you still love me."
"Stop being a bitch. Who would want you after what you did to me?"
"I know you still do." She grinded her chest against my arms.
"Itigil mo na nga to Gab! You're really acting like a slut right now. Go with Shane and get a life! Stop bothering me. We're over."
Umalis na ako roon at naglakad palayo. Nakakainis. Bakit ko ba siya kailangang makita ngayon? Tss. Lesheng ulan biglang bumuhos. Tumakbo ako sa pinakamalapit na waiting shed. Hihintayin ko na lang siguro na tumila ang ulan. Ang lakas e. May bagyo kaya?
An hour had past at hindi pa rin tumitila ang ulan. Ni taxi walang dumadaan. Nastuck ako sa may shed. Ayoko namang magpabasa ulit at baka tuluyan na akong magkasakit.
"Sid? Ba't 'di ka pa nakakauwi?" I turned towards the voice and I saw an angel right before my very eyes.
"Uhm..wala akong payong." Matipid kong sagot. Ngumiti naman ang anghel sa harap ko.
"Gusto mong sumukob sa payong ko?" tanong niya at agad akong napangiti. Tumayo ako at sumukob sa payong niya. Bakit ba siya palaging nagpapakita tuwing kailangan ko siya? Destiny ba 'to? Soulmate ko ba siya?
Pwe. Teka sinabi ko ba talaga 'yon?
"Bakit ka nga pala nandito Juno?" tanong ko sa kanya.
"May binili lang ako. Tapos nakita kitang nakaupo roon. Nakakaawa ka ngang tingnan."
"Hey!"
Tumawa siya. "Biro lang."
Bathump. Bathump. Bathump.
Shet. Heto na naman. Kahit gaano kalakas ang ulan naririnig ko pa rin ang lakas ng tibok ng puso ko. 'Di ko namalayan na napahawak na pala ako sa dibdib ko. Oh, dammit. I sounded so gay.
"Sid may problema ba? Sumisikip ba ang dibdib mo?"
"O-okay lang ako. Don't worry."
Tiningnan ko siya at nakitang puno ng pag-aalala ang mukha niya. "No! Hindi ka okay. Dadalhin kita sa ospital. Halika na dali. Please." I saw how she panicked by my simple gesture. Ano'ng nangyayari? "Sid you need to get to the hospital. Lets go!"
"Juno— Juno calm down."
"What are you talking about? Halika na bago pa lumala 'yan."
"I'm okay. Wala akong sakit. Just calm down." Tiningnan niya ako ng matagal saka nabitiwan niya ang payong. Pareho kaming nabasa ng ulan.
"Are you really okay?" she asked.
"Yes, I'm okay."
"Please don't lie."
"I'm perfectly fine. And it's not a lie. Trust me." Hindi ko alam kung bakit biglaan siyang naging ganito. One moment she's laughing and the next she's panicking. She looked like a lost child.
Hindi ako nakatulog ng gabing 'yon. Hindi maalis sa isipan ko ang naging reaksyon kanina ni Juno. Its past 12 at gising na gising pa ang diwa ko. Iniabot ko ang cellphone ko at hinanap ang number ni Juno. She won't mind if I call her, right?
Riiing Riiing
"Sid?"
Napataas ang kilay ko ng marinig ang boses niya and the fact na gising din siya sa ganitong oras. Her voice sounded different.
"Did I wake you?" I asked. Baka kasi nakaabala ako.
"No. Hindi ako makatulog."
"Juno...are you—are you crying?" It's just my intuition speaking. Bago ko pa pigilan ang bunganga ko nasabi ko na. But it was proven true ng hindi siya nagsalita agad.
"...no" liar. She's surprisingly bad at lying.
"Sorry for bothering you this late."
"Okay lang. Hindi pa naman ako dinadalaw ng antok."
"I see."
"Can I ask you?"
Bigla akong nacurious. "Sure. "
"Bakit hindi mo nahalata noon na niloloko ka ng Gabbie na 'yon?"
"....um"
Paano ko ba sasagutin 'to? Tumama kasi 'yong palaso sa puso ko kaya ganoon. Nabulag ako. The hell? Like I could ever say that.
"Sorry. It's too personal. Okay lang kahit hindi mo sagutin."
"No. It's okay. Sabihin na lang natin na ang tanga ko noon. Sobrang tanga ko na hindi ko namalayang niloloko ako ng taong mahal ko samantalang nakikita 'yon ng mga taong nasa paligid ko."
"Atleast you have good intentions. You just loved the wrong person, that's all."
Napangiti ako sa sinabi niya. Juno is way different from what I imagined. Normal lang naman siya, mahilig lang talagang mag-exaggerate ang mga tao. Her normalcy amazes me. Akala ko kasi spoiled brat siya since she came from a wealthy family. The type to be called Queen Bee. But I'm wrong. She's the very opposite of what I'd imagined. She's kind and she can be really funny sometimes.
I finally understand what Cannah told us. Na takot ang mga taong lumapit sa kanya 'cause she's too perfect. Takot sila sa tinatawag na inferiority complex. At dahil doon, naiwang nag-iisa si Juno. No one wants to be compared with her. No one wants to be her friend because of that stupid reason.
"Sid?"
"Yeah? I'm still here."
"Have you moved on?"
Ngumiti ako. "No. I don't think I have to move on."
"What do you mean?"
"Sa tingin ko kasi natagpuan ko na 'yong taong pwede kong pagkatiwalaan ng puso ko."
BINABASA MO ANG
Maybe Next Time It Will Hurt Less | ✔
Teen Fiction"Siya ang klase ng babae na habol ng lahat, paborito ng lahat, palaging usapan ng lahat. Maraming babae ang naiinggit sa kanya at hindi mabilang ang mga lalaking lumilingon kapag dumaraan siya. Pero walang gustong lumapit sa kanya--palagi siyang mag...