Four.

841 57 16
  • Dedicated kay Tin Victoriano
                                    

 

"WOOAAHHH!"

Napanganga kaming dalawa ni Mako habang nakatayo sa harapan ng bahay ni Juno.

"Shit dude, ang laki. Bigla yatang nawala ang confidence ko sa bahay namin."

"Oh, shut—Achoo!" Aggh.  Dahil sa ulan kahapon sinipon ako. Buti na lang at sipon lang. Nagdoorbell na kami. 10 am kasi ang usapan namin na pumunta sa bahay nina Juno. 11 na nga o, one hour late na kami.

Ilang ding dongs ang narinig namin bago bumukas ang malaking pintuan ng bahay at..

"Wha—mo..morning Juno" I said while staring at her. Really stared at her. Namilog ang mga mata ko at alam kong ganoon din si Mako.

Who would have thought that the perfect girl from our school would be wearing a plain sweatshirt and jersey at home? Her hair was a mess at halatang kakagising niya lang.

"Morning guys. Pasok ka—hachoo! Aggh. Sorry may sipon ako e." I strained my laugh pero etong kasama ko..

"Hahahahaha! Juno? Hahahahaha! Pasensya—hahahaha! Sorry 'di ko mapigilan—puahahaha! Nakakatuwa ka pala talaga!"

Tiningnan naman kami ni Juno at parang may lumitaw na malaking question mark sa ibabaw ng ulo niya.

"Just treat him like an air. Nagiging matino lang kasi siya kapag kasama niya ang girlfriend niya," sabi ko kay Juno habang papasok kami sa bahay nila.

"Ang sama mo talaga," hirit naman ni Mako.

"Sorry kagigising—hachoo! Aggh! Nakakainis na sipon!" natawa ako sa kalagayan ni Juno. I never thought she's like this. Parang na-alien ako sa nadiskubre kong side niya ngayon. "Magbibihis lang ako."

"No," I said. Err.. ewan bakit ko siya pinigilan. "It's okay. Hindi naman kami ganoon kaarte e. Gagawa lang naman tayo ng project." Tiningnan ako ni Mako at nagsmirk. The looks of 'you enjoyed seeing this side of her, don't you?' was clearly written across his face. Lokong 'to.

"Okay." Sumang-ayon naman sa 'kin si Juno. "Akyat lang ako sa kwarto. Kukunin ko lang ang ilang references para marami tayong pagkuhanan ng infos."

Tumango naman kaming dalawa.

Napasampa ako sa sofa at napabuntong-hininga. "I guess the princess was not a princess afterall. Hoy Sid, itago mo nga 'yang mukha mo. Para kang makopa. Daig mo pa ang babae," pang-iinis sa 'kin ni Mako.

"Shut up. Hindi lang ako nag-expect na meron siyang side na ganito. And I like her more this way. She's—she's way beautiful this way."

Nailagay ni Mako ang kamay niya sa ilalim ng bibig niya na animo'y naamused sa sinabi ko. "Gagu tol, lakas ng tama niya sayo a."

"Tsk." Kinuha ko ang isang cushion at itinapon sa mukha niya. "Shut up."

After ilang minutes bumalik si Juno na may dalang maraming libro. Mukhang brainbleed 'yong aabutin namin dito.

"Hindi ko na kaya. Hindi na nagfafunction ang mga neurons ko," reklamo nitong si Mako. Mahigit dalawang oras na kasi kaming nagsosolve ng mga problems sa trigonometry. We need 50 problems at kami ang magpoprovide ng solution. Kailangan din naming ng actual data na pinagkuhanan ng problem kaya paniguradong nakamamatay ng utak.

"I'll get the hot chocolate. Maganda ang matatamis para sa utak," pagvovolunteer ni Juno. Nakapagtataka lang kasi ang laki-laki ng bahay nila pero wala akong nakikitang ni isang katulong. Nasaan na ang mga magulang niya? Tsaka ba't mag-isa lang siya sa ganitong klaseng bahay?

"Umm, Juno?" tanong ko nang makabalik na siya at nilalagay sa harapan namin ang tig-isang mug ng hot chocolate.

"Hm? Bakit?"

"Mag-isa ka lang ba rito?" panandaliang nawala ang ngiti niya at nang tumango siya, halatang pilit na ngiti ang ibinigay niya sa 'kin.

"Salamat sa chocolate Junskie. By the way, nasa trabaho ba 'yong mga parents mo?" this time, si Mako naman ang nagtanong. At kinareer niya na talaga ang pagtawag niya kay Juno ng 'Junskie'.

Umiling naman si Juno sa tanong ni Mako at itinuro ng hintuturo niya ang itaas.

"Nasa second floor? Natutulog ba sila?" curious kong tanong.

Umiling siya ulit. "Wala sila sa second floor. Wala sila rito sa bahay." Bigla kong naramdaman ang paglapat ng kamay ni Mako sa balikat ko. Tumingin ako sa kanya at nabigla ako ng makita ang reaksyon sa mukha niya.

"Sorry Junskie. Hindi namin sinasadya."

 "Okay lang 'yon." Tumingin ako kay Juno. "They've been gone for three months now. Kaya ako na lang mag-isa rito sa bahay."

Napatingin ako sa kanya ng matagal. Kaya pala. Her parents died.

"Did..did one of them had a heart disease.. or something?" hindi ko napigilang hindi itanong. Umiwas ng tingin sa 'kin si Juno pero sinagot niya ang tanong ko.

"Yeah. My dad. But he never told us. Nalaman lang namin noong naadmit siya sa ospital. And it was too late. Hindi na siya naagapan. Kahit gumastos kami ng milyun-milyon para sa transplant wala pa ring magbabago. After he left us, my.. my mom got shot. Ligaw na bala 'yon. She was withdrawing some cash and may mga hold-uppers kaya—"

"Juno.." I grip her shoulders hard. "You don't have to continue. It's okay. Everything's alright. It's okay, don't worry." Hinagod ko agad ang likod niya ng mapansin ang namumuong luha sa mga mata niya. "It's okay.."

After that day, hindi na namin inopen up ang topic tungkol sa mga magulang niya. She's been alone all this time. Tapos ganoon pa ang trato ng ibang mga estudyante sa school sa kanya. Hanga ako kay Juno. Matatag siyang babae. Nakaya niya 'yon kahit nag-iisa siya. I don't know where her other relatives are at iniwan siyang mag-isa. But Juno is undoubtedly a tough girl. Way tougher than any girl I know.

Maybe Next Time It Will Hurt Less | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon