A 0.1

91 28 15
                                    

FRANCINE

"AI! OO na 'teh! Para namang ang tagal nating hindi nagkita 'no?" Kahit kailan ay napakalakas ng boses nitong si Hibi! Kahit ngayong nasa telepono kami at magkausap.

"Sige-- sige, ang ingay-ingay mo na naman. Could you please lessen your voice?" Iritadong tanong ko habang nakapikit pa ang mata, dahil pambihira talaga 'tong si Hibi! Madaling araw ba naman ako tawagan at sabihin lang na mag-shopping? Kung hindi nga naman sira ang tuktok mo e 'no?

"Yaaas! Finally! Ahaha! Mamaya ah? Ahaha! Wala ka talagang magagawa sa isang Hibi Valeree Zamora, no choice ka, kun'di mapa-oo ka na lang! Ahihihi!" Sobrang lakas pa ng boses at Oa na Oa pang pagkakasabi niya.

"Oh e, ano namang kinalaman ng pangalan mo sa pag-ayon ko? Bwiset ka talaga Hibi,umagang-umaga a.." paniguradong nakangiti na naman 'to.

Ano naman kayang ginawa nito kagabi at tinopak ngayon? Tsk.

At dahil sa hindi na ako nakatulog ay tumayo na lang ako at lumabas sa kuwarto ko pumunta akong kusina at nagtimpla ng mainit na gatas.

Habang hinahalo ay umupo ako sa couch at kinuha ang phone ko, agad namang may nag notif sa akin sa Facebook, agad na bumuluga ang pangalan na pinaka ayoko ring makita.

Mhellany Rhea Tuázon

Inikot ko naman ang mata ko, umagang-umaga, iritadong-iritado ako buwesit.

Siya naman ang pinaka-kikay sa campus sa school na pinapasukan ko ngayon. Sa VBS The Varsity of Basketball and Science. Siya rin ang pinakamaraming dine-date na lalaki. At dahil hindi niya dine-date at walang rumor sa kanila about sa crush ko ay may kaunting bait at walang pake ako sa kaniya.

Bigla tuloy gumaan at napangiti ako ng hindi oras. Naalala ko kasi si Brent Froi Delo Santos ang Team Captain ng basketball dito sa VBS, ang pinaka-charming, pinaka-mabait, pinaka-matalino, at pinaka-maginoo sa lahat ng lalaki na nakilala ko, paano ko nasabi? Well, classmate ko kasi siya simula highschool hanggang sa mag college na rin ako dito.

Kaya naman napasimsim muna ako sa gatas ko at inilagay 'yun sa coffee table na nasa harap ko at tiningnan ang post ni Mhellany.

Mhell Tuázon
updated her status, 25 minutes ago

At may picture siya na kasama ang mga kaibigan niyang katulad niya, lahat sila ay may kasamang lalaki na kung sa titingnan ko ay nasa bar sila dahil sa ilaw at mga tao sa likod nila.

Napa-ikot na lang ulit ang mata ko at hindi 'yun pinansin. Tiningnan ko na lang ang oras. 4:35 am.

Seriously? Ang lakas naman talaga ng babaeng 'yon? Lumabas sila ng ganitong oras? Well- ano bang pakialam ko? Psh.

At dahil sa pumasok sa isip ko si Hibi ay tinawagan ko ang isa ko pang baliw na kaibigan.

And when she answer..

"Jhane is now asleep, she wants you to die now, whoever you are-" pinutol ko ang sinasabi niya.

"Si Hibi ang patayin natin, Del Luna, siya ang may kagagawan nito, we will punch that biatch." Sabi ko pa at rinig na rinig ko naman ang boses niyang kagigising lang.

"Ano ba kasi 'yon? Why the hell did you called me?" Napaikot ang mata ko.

"That biatch Hibi just said that she invited us to go with her, you know her shopping thing, and that's not my thing! The hell!"

"Shhrk! Oh yeah! I'm on my way!" Agad kong narinig ang masigla niyang boses, bakit ko ba nakalimutan? Na isa din itong si-gala? My god!

Napailing-iling na lang ako sa isipin na siguro ay nagmamadali na ito ngayon sa pag ligo. I wish I could go from the past so I won't say to her that Hibi Biatch just invited us to go with her, so now she wouldn't rush and hurry for that shopping thing.

That Jhane Bernadeth Del Luna! The heck!

Natulog na lang ulit ako dahil sa kinain na rin ako ng antok.

NANG MAGISING ako ay hinagilap ko agad 'yung phone ko at tiningnan kung anong oras na. 6:04 am.

Nakita kong ang dami na namang text at missed call galing kay Jhane at Hibi. Mga excited siguro 'tong magsi-gala.

Tamang-tama pagtayo ko ay narinig kong nagring muli ang phone ko. Okay Francine! Here comes the hyper!

"Bakit na naman? Masyado kayong excited eh no?" Panimula ko at tumawa naman ang nasa kabilang linya.

"Hoy panget na kagigising lang! Alam mo bang kanina pa kaming 5:25 dito sa labas ng condo mo? And were almost die here! My goodness!" Napasinghal na lang ako. Andito sila?

"Eh ba't parang kasalanan ko pa? Eh kayo 'tong mga excited eh, so don't blame me!" Pagkakasabi ko pa nu'n ay napakamot pa ako sa ulo habang papunta sa pintuan para mapapasok na 'yung dalawang maingay.

Nang mabuksan ko, "Finally! Ugh! Oh my god, Hibi! How many hours did we waste just for her? Oh my goodness! Espinosa! You're getting into my nerves.." pinatay ko naman ang telepono. At napabulong.

"Ang dami namang alam nitong babaeng 'to.." napanguso na lang ako at kitang-kita kong bihis na bihis nga ang dalawang baliw.

Hindi ko na muna sila pinansin kundi ay napunta ang atensyon ko kay Herra ang makulit kong pinsan na tumawag. Ano na namang kailangan nito?

"Hello? Herra? Umagang-umaga.. what do you want?-" Hindi ko pa natatapos nang magsalita siya.

"Mom says that we will go to a place wherein our family will gather.. something like that. Just- get yourself ready." Pagkatapos nu'n ay ibinaba niya ka agad na ikinagulat ko, kadalasan kasi ay ako ang tumatapos sa usapan at hindi siya tumatawag ng ganitong kaaga.

Napakibit-balikat lang ako at napatingin sa dalawang baliw na ngayo'y naghahalungkat na ng pagkain sa ref.

"You would replace something if you would eat something on my refrigerator." Napabuntong-hininga naman si Hibi at tumingin sa akin habang may hawak-hawak.

"I would replace this damn thing." Parang wirdo naman siya sa aking tumingin. "Grabe! Your ref is full of yakult! Different colors! What the-? And I don't know if you're still eating.." napatingin naman siya sa akin habang si Jhane ay masayang nahagilap ang chocolate na Twix at nguma-ngata na ngayon. "Did Tita Ellena have any idea on your- uhh.. drinks on your refrigerator? Buti buhay ka pa ngayon?" Inikot ko lang ang mata ko at pinabayaan silang dalawa at pumasok sa banyo para maligo.

At nang makaligo nga ako ay naka-park pala ang kotse ni Hibi at si Jhane naman ay tinatamad daw mag-drive kaya hindi niya dinala ang sasakyan niya. Nakarating naman kami sa pupuntahan.

UnconsciousnessWhere stories live. Discover now