FRANCINE
“What?! Hell no!” Sigaw ko na ikinagulat ni Mama at ng mga babaeng may mga suot na marangyang damit kasuotan. Teka nga! Ano bang kasal ang pinagsinasabi niya?
“Francine!”
“Mom! I’m not going to marry that man!” Turo ko pa kay tukmol. Tumikhim naman ang babaeng katabi ni tukmol na hawig niya, ang mama niya ata.
“This man, has a name hija. He’s Kraige.” Nakangiti lang siya pero sumimangot ako. Nakita ko naman ang mukha ni tukmol na gulat din sa pangyayari. Pero nanatiling ganon ang noo ko.
“I don’t care. Whatever his name is, I don’t care, and I don’t wanna marry that kind of man.” Prangka ko pang sabi at pumihit na patalikod. Sakto namang nakita ko si Jhane at Hibi na nakatayo at iniintay ako. Nilagpasan ko na sila at naramdaman ko namang sumunod na sila sa akin.
Sobrang bastos man pero may mas babastos pa ba sa sinabi ni Mama? I’m sorry then, but, Mom, I will not let you choose who I am going to marry.
Nakita ko ang iba ko pang pinsan at tinawag nila ako pero hindi ko na sila pinansin. I freaking wanna go out in this place.
Nasa may parking lot na kami ng building at buti na lang dala ni Hibi ang susi ng kotse niya. Naka pasok na ang dalawa kaya naman nang papasok na ako ay nagulat ako nang mag humablot ng kamay ko.
“Hey, can I talk with you for a moment?” Biglang lumitaw si Kraige sa harapan ko. His looks can make my heart beats fast. Teka, ang bilis naman ata?
Sinimangutan ko lang siya at marahas na inagaw ang kamay ko. Yes his good looking but I would not like to get marry with him. Lalo na para siyang mananakit ng babae. He has the looks but— damn! I don’t know! Basta ayoko! Ayoko sa kaniya!
“Ano? Papayag ka? Papayag ka sa sinabi nila? Ha!” Natawa naman ako ng sarcastic. “I know that I’m damn beautiful! But! The hell! Sino ka ba? Bakit ba gusto nila ng ganito?” Biglang kumunot ang kilay nya.
“Wait what? Hell, no. I don’t want fix marriage, either.” Ouch!
Para akong nasampal sa sinabi nya. Napahiya ako, man!
Kaya naman napaiwas ako ng tingin at umubo pa kunwari. Napatingin naman ako kila Jhane na impit ang tawanan. Mga buang na sila!
“At wala akong ideya na ganito ang mangyayari.” He said. Bigla siyang yumuko. “Whether you believe or not, I was just pranking you, awhile ago. I do no have any intentions.” Marami pa siyang sinabi pero hindi ko naman magawang pakinggan. His making me confused!
“Why are you saying these things to me? Wala akong paki alam sayo okay? What matters now is we need to stop this bullshit!” Nag dikit naman ang kilay nya.
“Are you out of your mind? Hindi puwede yon! Hindi mabilis ang proseso sa pagpigil dito sa fix relationship na to.” Tiningnan nya naman ako ng head to toe. “And I don’t want you too. May kasalanan ka pa sakin.” Ako naman ang kumunot ang kilay.
“At anong naging kasalanan ko aber?” At inabangan ko pa ang pag sagot niya.
Nagbuntung-hininga pa muna sya. “Pinahiya mo ako kanina. You told the crowd that you don’t wanna marry me, right? I don’t wanna marry you too.” Napasinghal ako sa mukha nya.
“Wala pa rin akong paki.” Walang emosyong sabi ko at pumasok na sa back seat.
“You don’t want me? And I don’t want you. We don’t wanna be together. Edi mas mabilis. Mabilis ang proseso. Ayaw natin sa isa’t-isa. You tell your mom and I’ll tell my mom too.” Kinalabit ko na si Hibi na paandarin na ang sasakyan niya. Nag-alinlangan pa sya bago tumango.
Nang makalayo na kami. Napatingin sakin si Jhane.
“Alam mo ang harsh mo? Wala ka bang konsensya? Kung makapagsalita ka dun sa tao akala mo may ginawang masama!” Napasinghal naman ako sa kaniya at nag cross ng arms.
“Heh! If I know what only matters to you is his looks.” Nang aasar ko lang sabi. “Atsaka may atraso siya sakin!”
“Ano naman yon?” Si Hibi naman habang nakatingin sakin sa rear-view mirror.
“Nahulog ang phone ko! At siya ang dahilan!” Inis na sigaw ko sa loob ng sasakyan.
“Teh, ano ba? Keyaman-yaman mo anong gusto mong gawin sa pera mo sa bangko? Itengga? Tsk!” Si Hibi napanguso na lang ako. At tinuro niya pa kami at tukingin sa amin kaya pinuna pa siya ni Jhane na baka maaksidente kami. “Ginawa niyo akong driver nyo! Mga baliw!” Sigaw nya kaya tinawanan lang ni Jhane.
Napatingin na lang ako sa labas ng bintana habang iniisip ang tukmol na yon kahit na maraming sinasabi at side comments ang mga kaibigan ko.
YOU ARE READING
Unconsciousness
RandomNaniwala ka na ba kahit isang beses sa isang pangyayaring mahuhulog ang isang babae sa taong hindi niya inaasahang mahuhulog siya dito? And does she fall to a man she never thought she would do?