FRANCINE
“I am your future husband...”
As he said that, I was like, I’m trying to digest what he have said.
Leeeyk whuuut?!!!
“What??!” Bigla kong sigaw at ngumiti lang siya sakin lalong nagpaguwapo sa kaniya! Pero ang loko tinakbuhan ako kaya naman ay napamaang ako.
“Ha.. lintek, ang galing, matapos sabihing siya ang future husband ko tatakas?! Sino ba ‘yon?!” Napakamot pa ako sa ulo sabay karipas ng takbo.
Nang malapit na ako sa elevator ay na-timing-an na biglang bumukas ang pintuan nu’n at bigla akong nabunggo sa taong nasa loob nu’n.
Kaya naman ay napatingin ako sa kaniya.
“M-mom?!”
Gulat at hindi pa ako makapaniwalang nakatingin kay Mama! B-baki—
“Hey, my dear daughter.. precisely, let’s go..” diretsong sabi niya, pagkatapos ay hinila niya ako sa kamay at pumasok kami sa elevator. At saktong kaming dalawa lang.
“Mom? Why are you here?” Bored na tanong ko at pinipilit na tanggalin ang pagkakahawak niya sa braso ko.
“Why are ‘You’ here?” At tinuro pa niya ako. Kinunutan ko lang siya ng noo.
“Ma? I’m with my friends..” simpleng sagot ko kay mama na nakapamewang ngayon.
“Then? Why asking me, why I’m here?” Ngumuso lang ako.
“Hmmm.. tumawag nga pala si Herra kanina, and ang sabi niya ay may family gatherings daw, an’meron?” At biglang bumukas ang pintuan ng elevator at tumingin sa akin si mama.
“Mmm.. that’s why I’m here..” pagkatapos niya sabihin nu’n ay biglang may narinig akong nagsisigawan.
“Shut up! Rhojer!”
“You’re so loud Rhenie!”
Pagkakita ko ay ang pinsan kong nag-aaway.
“See? We’re here..” ngumiti lang si mama sa akin at pumunta na kay Tita.
“Hey there! Beautiful!” Dinig ko ang sigaw ng pinsan kong si Dexx na ngayo’y palapit sa akin.
“Ows? Hey there, lutang!” Balik na sabi ko sakaniya, at ang kaninang pag-amba niya ng akbay ay umurong.
“Hmmm yeah right, thanks..” sarcastic na sabi pa niya kaya naman ay natawa ako. Kaya naman ay kinurot niya ang pisngi ko.
“Aray ko Dexx!” Sigaw ko pa sabay hawak sa pisngi. Tawa-tawa naman siya. “‘La ka bang pisngi? O na ku-cute-an ka sa’kin?” Mayabang pang tanong ko sa kaniya at ako naman ang kumurot sa pisngi niya.
“Awww! Francine!” Sigaw niya rin kaya naman ay tumawa din ako sa kaniya ng malakas. “Ang sakit..” pabulong na sabi niya sabay akbay pa sa akin kaya naman ay tumawa lang ako at yumakap pa sa bewang niya at humarap sa kapatid niyang si Dexxi.
“Kuya? Ako ang kapatid mo hindi ‘yang bruhang ‘yan..” biro pa ni Dexxi. Kaya naman ay inirapan ko siya ng pabiro din. At maya-maya’y..
“AHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHA!” Tumawa kami sa isa’t-isa at nag-apir pa.
Ilan pang mga kamag-anak ko ang nakita ko sa parang sobrang lawak na catering area, ganu’n ang itsura at may pagka-modern ang style.
Nagpaalam muna ako kay mama at sa pinsan at tita ko na sasaglit lang ako para tawagin ang mga kaibigan ko.
Hawak-hawak ang phone ko ay agad akong pumunta sa isang gilid na may veranda at tinext ang mga loko.
“Asa’n kayo?”
-Francine“Huy! Babae! Ikaw ang nasaan?! Pucha.. bigla kang nawala ah?”
-Hibi“Edi wao, arat, akyat kayo sa 8th floor.. sa may room 1234 aabangan ko kayo..”
-Francine“Huh?! Bakit? May kasalanan ba ‘ko sa’yo?!”
-Hibi“Bopols! Iintayin ko kayo! Bilis, larga!”
-Francine“Hehehehehhehehehe mag-intay ka d’yan..”
-HibiNang hindi ko na sila tinext ay tumanaw muna ako sa puro berde at buhay na punong nasa harapan ko.
Nilaro-laro ko pa ‘yung phone ko sa kamay ko habang nakapatong ang braso ko sa railings nang biglang may sumulpot.
“Ooh? What’re you doing?”
OOOOOOH! SHEEEMS!
“WHAT THE?!” Sigaw ko matapos mahulog ‘yung phone ko!
At inis naman akong tumingin sa buwesit na nagsalita.
Laking gulat ko na lamang nang makita ko si Tukmol!
Oo! Ang lalaking nagsabi na siya ang future husband ko!
“Hoy?! Look what you’ve done!” Inis na sigaw ko sa kaniya at tiningnan pa kung saan nahulog ang phone ko. “Nakakainis ka! Makukuha mo ba ‘yon? Anak ng... lintek!” Sigaw ko pa talaga.
“Hey.. hey.. chill..” cool lang na sagot niya.
“Chill mo mukha mo! May kasalanan ka pa sa—“ hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko nang biglang may nagsalita.
“Francine! Do you already know Kraige?” Turo pa ni mama kay tukmol.
Tiningnan ko lang ng masama si Tukmol.
“Whatever..” inis pa ring sagot ko sabay talikod at parang batang nagdabog.
Bastos man tingnan ang ginawa ko, pero naiinis kasi ako! Ano bang ginagawa nu’ng baliw na ‘yon du’n?! Kakainis!
Nang bumalik ako sa loob ay natanaw ko agad si Hibi at Jhane na lumalamon ng pagkain, ng maraming pagkain.
Pupuntahan ko na sana sila nang biglang may nagtawag na naman sa akin.
Si mama..
Ulet.
Malayo si mama pero rinig ko ang boses niya, at masama ang tingin sa’kin, panigurado akong hindi niya nagustuhan ang inasta ko kanina.
Sumenyas lang siya na lumapit sa kaniya na nasa likod pa niya si Tukmol na ang sarap hambalusin!
Nang makalapit ako ay may isang mahabang table du’n na pu ro magagandang kaedaran ni mama ang nandu’n, mga katrabaho ata nila.
“Okay, so Amigas this is my daughter, my beautiful daughter, Francine Aphrodite..” nagbulung-bulungan naman ang mga babae at ngumiti sa akin, lingid man sa aking kaalaman ang nangyayari sa mundong ibabaw, ngumiti rin ako sa kanila.
“And hey! The other side! Over here! This is my Handsome gentle son, meet Kraige Tayrone Vargaz..” anang isang magandang babae na nakasilid pa ang braso sa braso ni tukmol.
Nagkatinginan naman sila ni mama at..
“And their wedding is already in February..”
WHAT?!?

YOU ARE READING
Unconsciousness
RandomNaniwala ka na ba kahit isang beses sa isang pangyayaring mahuhulog ang isang babae sa taong hindi niya inaasahang mahuhulog siya dito? And does she fall to a man she never thought she would do?