Ang salaysay ni Miguel:
Matangkad ako kumpara sa edad ko na 17. 6 footer na ako at may itatangkad pa daw sabi nila. Hindi naman sa pagyayabang pero pogi daw ako. Hindi lang si nanay ang nagsabi. Meron pang iba.
Mahiyain ako at pag may babae na ay parang nalunok ko na ang dila ko. In short, tyope ako. Hindi ako sanay manligaw, puro ligaw-tingin lang. Dahil ata sa pagka tahimik ko at pangiti-ngiti lang, (ay syanga pala may dimples ako sa magkabilang pisngi) ay mas nagugustuhan ako ng mga babae. Gentleman kasi ang dating ko sa kanila.
Dalawa ang naging girlfriend ko ng di ako ang nanligaw. Mga kaibigan ko ang bumibiro. Example
ganito ha.. May gusto nga sa iyo si Miguel kaya lang nahihiya. Kapag ba nanligaw sayo ang kaibigan namin may pag asa ba?...at may isa pang example...loveletter. Pangit ako magsulat kaya kaibigan ko rin ang sumusulat. Hindi pa uso noon ang celfon. Ngayon text na ang gamit para manligaw. Dahil na rin siguro sa hindi pa ako mahusay magdala ng relasyon ay nauwi lang sa hiwalayan ang lahat.
Naging busy na ako ng makapag trabaho. Nakakatulong na sa magulang kahit paano.
BINABASA MO ANG
The Untold Real Stories 2
HorrorAng mga kwento na inyong matutunghayan ay base sa tunay na karanasan ng mga taong nasasangkot. Sama-sama nating buksan ang nakapinid na pintuan ng kanilang kasaysayan...... Espiritu Guni-guni o isang katotohanang mahirap ipaliwanag? Alamin ang kwent...