Pakiramdam (3)

3.8K 134 0
                                    

Bintana

Pahayag ni Rannie…

Pagkatapos ng gabing iyon ng lamay ay naging tahimik ang ate ko.

Pareho kami na nakakita ng babae na laging katabi ni Mang Sonny. Kaya alam kong hindi gawa gawa lang ni ate ang kwento na yon. Pero sino nga ba ang maniniwala sa amin, lalo na sa ate ko na chismosa.

Hanggang sa isang araw ay may narinig akomg nag uusap sa may tapat ng bahay namin. Sumilip ako tapat ng bintana. Nakita kong kausap ni ate ang taga walis sa kalsada ng subdivision.

"Ang alam ko ay mag anak nga ang lumipat diyan at isang katulong. Madalas pa nga ay nasa tabi ni Mang Sonny yung katulong eh.", sabi ng babae.

Hindi lang kami ni ate ang nakakita!..

Pagkatapos ng pag uusap na yon ay napanatag na si ate. Hindi kami lang ang nakakita, hindi kami nanloloko lang.

Mula ng mamatay si Mang Sonny ay di ko na nakita pa uli ang babae. Hindi na rin ako masyadong natatakot dahil sa nalaman ko na may nakakita pa maliban sa amin.

Hanggang sa kumalat na nga ang ganung balita sa buong subdivision.

Hindi pare-pareho ang naging pagtanggap ng nakakarinig sa kwentong yon. May kinikilabutan dahil naniniwala at mayroon namang nagtatawa lang at nagko komento ng di maganda.

Nakarating din kay Aling Mina ang kumakalat na balita tungkol sa asawa niya. Nagkaroon ng iba't ibang opinyon ang nga nakatira sa amin.

The Untold Real Stories 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon