Pakiramdam (2)

3.9K 143 3
                                    

Espiritu

Pahayag ni Miguel…

Nang matapos ang pagdarasal ng mga nanay ko ay naglabas na siya ng merienda .

Pinaupo ng nanay ang tatay ni Aling Lydia at inabutan ng merienda. Kumain naman ito.

Nag alisan na ang mga nagdasal maliban kay Aling Lydia at tatay niya. Pinalapit ako ng nanay sa matanda. Kahit kinakabahan ay lumapit pa rin ako. Ipinakwento niya ang nangyari sa akin kung bakit ako umuungol. Napatingin ako sa nanay ko. At ng tumango siya bilang pagsang ayon ay nagsalita na ako. Wala akong inilihim. Sinabi ko lahat lahat..

"Huwag kang matakot, wala na sila..", sabi ng matanda..

Minsan naiisip ko, di kaya nasobrahan lang ako ng pagod?

At dahil natakot ako sa tatay ni Aling Lydia ay nakapanaginip ako ng ganun?

Ayoko ng isipin, ke ano pa ang dahilan. Ang importante heto pa ako. 49 years old na at may matibay na paniniwalang walang mas hihigit pa sa kapangyarihan ng DIYOS...

The Untold Real Stories 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon