Bintana (10)

4K 149 0
                                    

Ang salaysay ni Rannie:

Sasandali pa lang akong nakakahiga ay napabangon akong bigla. Nagkakagulo sa labas...

Sumilip ako sa bintana... nakita ko ang ate ko kasama ng iba pa na nakikiusyoso sa katapat naming bahay.

May ambulansiya na nakahinto sa tapat ng gate nila. Naririnig ko ang tunog ng makina kaya sigurado ako na on call ito.

Hindi na ako umalis sa bintana at pinanuod kung ano ang nangyayari. In short, naki usyoso na rin ako.

Naglaro ang imahinasyon ko.... siguro kagabi ay may ''ginawa'' ang amo sa katulong at nahuli ni misis… sa sobrang galit ay pinagsasaksak ni misis ang dalawa…at ng lumiwanag na ay natagpuan ang bangkay ng mga ito… pakiramdam ko ay para akong si detective conan, at naka solve ng krimen. Tinawag ko pa itong Crime of Passion.

Natahimik ako ng makita kong pinag tutulungang buhatin ang among lalaki ng ilang tanod at unipormadong sakay ng ambulansya.. Nang maisakay na ang walang malay na lalaki ay sumakay na rin ang asawa niya. Matulin ng umandar ang ambulansya ,kasabay ng pag sirena.

The Untold Real Stories 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon