Bintana (1)

6.4K 185 0
                                    

Ang salaysay ni Rannie:

Inis na inis ako sa ate Inday ko. Hindi ko alam kung panu nakakatiis ang bayaw ko sa ugali niya. Bukod sa napaka selosa at inggitera ay numero uno pa itong chismosa. Madalas ay napapa away ito sa mga kapitbahay. Gaya ngayon...., may kaaway na naman sa labas. Hindi naman ako makapag reklamo dahil nakikitira lang ako sa kanya.

Taga Mindoro ang mga magulang namin. Mula pa noong mag aral ako ng college ay kay ate na ako tumira. Nagpapadala lang ng pang tuition at allowance ko ang mga magulang namin.

Walang problema sa bayaw ko, mabait siya sa akin. Kapag umandar ang bunganga ng ate ko ay siya pa ang nagtatanggol sa akin. Kasundo ko si bayaw...kay ate pa nga ako nahihirapan makisama.

Nang maka graduate ako ng kolehiyo ay nagkaroon ako ng pagkakakitaan. Isa akong cartoonist. Gaya ng sabi ng iba na may sariling mundo daw kaming mga artist ay masasabi kong in some ways ay totoo nga siguro. Kasi once na nakaramdam ako ng aura ay tiyak na ballpen at sketch pad na agad ang hawak ko. Mas gusto ko sa mga tahimik na lugar at kapaligiran. Kapag kasi tahimik ay tuluy-tuloy ang pasok ng mga ideas at gana ko sa pag guhit.

Di kagaya ngayon na napaka ingay ng bunganga ni ate. Nakaalis na ang kalaban ay diretso pa rin siya sa katatalak. Di ko na tuloy maituloy ang ginagawa ko. Wala eh, sira na ung momentum..

The Untold Real Stories 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon