Ang salaysay ni Kim:
Nasa loob na naman ako ng palengke. Sa totoo lang ay hinahanap ko na ang ale. Para bang pampabuenas ko sa paninda kung makikita ko siya.
Nakailang ikot na ako sa palengke ay di ko pa rin nakita ang hinahanap ko. Kaya medyo matamlay ang mga kilos ko.
Dahil nakatikim ako ng malaking benta nung mga nakaraang mga buwan ay naliliitan na ako sa benta ko ng mga sumunod na araw. Lagi na nga akong malungkot. Pakiramdam ko di na ako kuntento. Napansin din ng Inay ko na lagi akong tahimik at parang laging nag iisip. Tinanong niya ako. Kaya naikwento ko sa kanya ang tungkol sa ale.
"Anak, walang masama kung naging inspirasyon mo ang sinabi sa iyo ng ale sa palengke. Pero kung ang sinabi niyang iyon ang gagawin mong basehan at pagkatapos ay panghihinaan ka ng loob ay di na maganda ang ganun. Nasa pagsisikap mo at gabay ng Diyos nakasalalay ang pagbabago na gusto mo.", sabi ng Inay.
Napaisip ako, tama ang Inay. Hindi tama na dumipende ako sa sinabing iyon ng ale. Tapos ngayong humina na ang benta ko ay nalulungkot na ako. Dapat ay lalo akong magsikap. Ganun talaga ang negosyo. May panahong malakas at may panahon na mahina. Hindi sapat na dahilan para tamarin na ako na magsikap. Kaya gumaan ang pakiramdam ko. Fight uli ang beauty ko!
Kaya ng mga sumunod na araw ay na rejuvenate na uli ang kasipagan ko. Kuntento na uli ako sa benta ng tindahan ko na sa totoo lang ay di naman talaga dapat problemahin. Ako lang itong umaarte.
BINABASA MO ANG
The Untold Real Stories 2
HorrorAng mga kwento na inyong matutunghayan ay base sa tunay na karanasan ng mga taong nasasangkot. Sama-sama nating buksan ang nakapinid na pintuan ng kanilang kasaysayan...... Espiritu Guni-guni o isang katotohanang mahirap ipaliwanag? Alamin ang kwent...