chapter 9

228 17 2
                                    

[XELLE's POV]

Nitong mga nakaraang araw, bumabalik na rin yung dating ako. Haha! Nakakakain na ako ng matino, thanks to my true friends,

"Haha! Ang OA mo Drew! Paano ka kaya niya magugustuhan kung pagharap palang niya, dika na makapagsalita. Haha." natatawang sabi niya dito.

"Sa ninenerbyos ako e, tulungan mo kasi ako." maktol naman nito. Inakbayan siya sabay kindat.

"Haha. Oh, yang kamay mo. Baka makita niya tayo ma-disappoint pa yun sa iyo. Haha." natatawa ulit niyang sabi. Natotorpe pala kaso ito pag kaharap na yung nililigawan.

"Hehe. Tara na nga, meryenda tayo.." yaya nito.

"Treat mo ha? Haha. Sige, may kukunin lang ako sa locker ko." paalam naman niya.

"Matakaw ka talaga. Samahan na kita." prisinta nito sabay gulo sa buhok niya.

"Huwag na. Mauna ka na sa canteen, tapos um-order ka na." tanggi ko naman. Pumayag na din ito at naghiwalay na sila ng daan.

~~~~~

Malapit na ako sa locker ko ng may makita akong dalawang tao malapit sa locker ko. They're eating each other for pete's sake! Hindi manlang nahiyang magtago! Naramdaman siguro ng mga ito ang presensya niya kaya tumigil ang mga ito sa ginagawa. Nang tumingin ang lalake sa kanya, laking gulat niya ng makita si Alexander the great! Ngumisi lang ito sa kanya. Buhay pa pala ang gago?

"Let's go somewhere else sweetie. May storbo e." sabi nito sa kahalikan. Ngumiti muna ito ng nakakaloko bago siya tuluyang tinalikuran. Sumunod naman ang babae sa kanya.

B-bakit ganun? Bakit parang may sumaksak sa puso ko? Ang sakit. Parang gusto kong sabunutan yung babae. Bakit ganito? Ano itong nararamdaman ko?

Naka-alis na ang dalawa at lahat-lahat pero heto pa rin siya sa kinatatayuan niya kaina. Hindi niya magawang gumalaw. Nagulat nalang siya ng maramdaman ang mainit na likido sa sariling mga pisngi. Umiiyak na pala siya.

"Xelle?" boses ni Belle.

"Xelle what's wrong? Anong nangyari dito? Bakit ka umiiyak?" sunod-sunod naman na tanong ni Ria. Nakatayo pa rin siya malapit sa locker niya, umiiyak.

"Ansakit." tanging sabi niya.

"Ha? Ang alin? Napano ka?" nag-aalalang tanong ni Ria

"Masakit pala sa puso. Nakita ko siya kanina... M-may... may kasamang iba. Bakit ganun?" inosenteng tanong niya.

"You're hurt because you love him.." si Belle

"Gusto ko ng umuwi..."

"No Xelle. Huwag kang magpatalo. Ipakita mo na kaya mo. Huwag mo siyang pansinin." pigil naman ni Ria sa kanya.

"P-pero..."

"No buts... Tara na sa canteen.. Kanina ka pa hinihintay doon ni Drew.." hinila na siya ng mga ito papunta sa canteen. Pero dumaan muna sila ng banyo para mag ayos daw ako ng sarili ko...

Matapos magmeryenda, hindi na siya nagpapigil na umuwi.

[XANDER's POV]

"Hoy gago!" sigaw sa kanya ng isang boses babae. Nilingon niya ang pinanggalingan nito at nakita niya si Ria, isa sa mga kaibigan ni Xelle.

"Me?"

"Ay hindi. Malamang ako? Malamang yung puno? O kaya yung hangin? May iba pa bang tao dito? Tanga lang Xander? Tanga lang?" pamimilosopo naman nito.

"What's your problem?" naiiritang tanong niya. Isang malutong na sampal sa kaliwang pisngi ang natanggap niya.

"What the F-----" hindi natuloy ang sasabihin niya dahil nasampal ulit siya sa kanang pisngi niya.

"What the hell is your problem?" sigaw niya dito. Kung hindi lang ito babae, sinapak na niya ito.

"Tanungin mo ang sarili mo!" galit na sabi nito at tinalikuran na siya ng amazona.

Babae ba talaga yun? Ang lakas ah. Ansakit nung sinampal niya. Para akong sinuntok. Tss. Alam naman niyq kung bat galit na galit yun. It's about Xelle. Hindi naman susugod yung amazonang yun kung walang kinalaman ang mga kaibigan niya e.

And speaking of Xelle. I badly miss her. Kaya nga pinuntahan ko siya kanina sa mini park e. And nakita ko nga siya doon, with Drew. Tss! Gusto kong manapak pero ayoko ng gulo kaya umalis nalang ako.

Kinabukasan....

Hindi pa rin kami nagpapansinan ni Xelle. Kahit na magkatabi sila sa klase o kaya ay nagkakasalubong. Parang wala lang. Hangin lang sila sa isa't isa. Pero mahirap yun. Gusto ko siyang yakapin pero hindi pwede.

Heto ako, pinagkakaguluhan na naman. Well, dati enjoy naman kahit papaano. But now? Tss! Gusto kong ibalibag tong mga lintang ito. Ayoko sa kanila, hindi ko sila kailangan. All I need is Xelle because she's the only girl I love.

"Hi honey." (Sabrina)

"Hello." bored na sagot niya.

"Feeling bored today? I can make your day.." pang aakit nito. Pero wala siyang pakialam.

Nakita kong lumapit si Drew kina Xelle. Then, umakbay ito kay Xelle. Bago pa siya makagawa ng bagay na pagsisisihan niya, dali-dali siyang lumabas ng classroom. Dinala siya ng mga paa niya sa gym. Sakto namang walang tao. Nagsisisigaw siya. Pinagsisipa ang bawat makita niya. Nag-basketball siya hanggang sa mapagos siya ng husto. Hanggang sa hindi na niya maramdaman ang selos na namamayani sa puso niya. Umupo siya sa sahig...

"Lo,  bakit ganun? Bakit sa kanya pa? Bakit sa taong may mahal ng iba pa ako nahulog? Bakit kay Xelle pa??Bakit siya pa ang minahal ko? Ayoko na. Parang gusto ko ng sumuko. Masaya naman siya sa iba e.." tanong niya kahit alam niyang wala siyang makukuhang sagot mula rito.

"Kung talagang mahal mo siya, bakit ka susuko? Paano ka nakakasigurong may mahal nga siyang iba? Duwag ka pala. Hindi ka pa nakakapag-simula. Sumusuko ka na agad. Tss!" 

~~~~~~~~

@jemarian

@MaryPark


When Unlike Forces CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon