chapter 4

339 19 3
                                    

[XELLE's POV]

[CANTEEN]

"Anong meron kahapon?" makahulugang tanong ni Ria. Nagtataka naman siyang tumingin dito.

"Drop that innocent look Xelle. Haha. Nakita kita kahapon. Dumaan kayo sa tapat ng dance studio, magka-holding hands kayo ni Alexander. Ikaw ha, naglilihim ka na sa amin." nanunuksong sabi ni Belle na parang kinikilig.

"Oo nga. Share ka naman. Kaya pala ang close niyo kahapon sa classroom ha. Tapos, ang sweet niyo pa dun sa silong ng puno. Haha." si Ria.

Hindi na sila nakapag-usap kagabi sa bahay kaya naman umabot na naman dito sa school ang chismisan. Paano nalang pag may nakarinig? Nakakahiya!

"Hi girls." si Dale. Nakahinga siya ng maluwag. Makakaiwas siya sa mga tanong nila.

"Hi Dale." bati nila ni Belle.

"Hi hon." si Ria.

"Ano pinag-uusapan niyo? Pwede bang malaman?" tanong ni Dale sabay upo sa tabi ni Ria.

"Ah kasi Hon... etong si Xelle nakita namin kahapon na----"

"Hi Drew!" bati niya kay Drew ng makita niya. Way ko na rin yun para putulin ang sasabibin ni Ria.

"Hi. Ano yung narinig kong nakita niyo si Xelle kahapon? Bakit anong nangyari?" tanong naman ni Drew. Napasimangot siya. Akala niya matatapos na yung usapan eh. Binigyan niya ng death glare sina Ria at Belle.

"Ah w-wala yun. Haha. Order ka na ng food mo para sabay-sabay na tayong kumain." pag-iiba niya sa usapan. Nagpatianod nalang din si Drew. Nang makalayo na ito sa kanila, tumawa sina Belle at Ria. Sinamaan niya ang mga ito ng tingin.

"Hmm. I smell something fishy. Haha." Dale. Binigyan niya ito ng shut up look. Nginitian lang siya nito ng nakakaloko.

~~~~~~~~~~~~~~~~~

[CLASSROOM]

Pagkapasok palang nila sa lopb ng classroom, nakita na nilang pinagkukumpulan ng mga babae si Alexander the great.

"Xander baby. Di ba wala ka pang official girlfriend? Ako nalang." (girl1)

"Anong wala. I'm his girlfriend." (girl2)

"Excuse me! Huwag nga kayong feelingera. He's mine. Only mine! So back off flirts! Intiende?" maarteng sabi ni sabrina sabay pulupot ng mga braso kay Alexander the great na parang ahas.

"Tama! Kaya tumabi-tabi kayo." pagtataboy naman ni Leira sa iba.

"Hey girls easy. Huwag kayong mag-away-away. I love you all, okay?" pambobola naman ni Alexander.

"Talaga?" parang nag-heart heart naman ang mga matang tanong ng mga babaeng nagkakandarapa sa kaniya.

"Later nalang ha? Nandyan na si prof eh" paalam ni Xander with matching kindat pa. Bago pa ito makaalis sa kinatatayuan, hinalikan siya ni Sabrina sa labi.

"Enough of that!" sita ng prof nila. Bumalik na ang lahat sa mga upuan nila.

"Pst!" tawag ni Alexaer sa akin pero hindi ko siya pinansin.

"Uy babe." sabay kalabit sa akin. No pansin pa rin ako. Bahala siya sa buhay niya!

"Hoy bat hindi mo ako pinapansin? Uy!" inilapit nito ang upuan niya.

When Unlike Forces CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon