chapter 1

1.5K 31 3
  • Dedicated kay Jaquelyn Racca
                                    

 ~~~~~~~####~~~~~~

This is a work of fiction. Names, characters, places and incidents  are product of the author's imagination or are used fictitiously and are not to be construed as real. Any resemblance to actual events, locales, organizations, or persons, living or dead, is entirely coincidental.

~~~~~~####~~~~~

[XELLE's POV]

"Okay class. That's all for today. See you next meeting.." sabi ni Ms. Helen Zaragoza pagkarinig nilang lahat sa tunog ng bell. Siya ang batam-batang instructor namin sa accounting.

"Goodbye and thank you ma'am." paalam naman namin.

"Xelle, sabay ka ba sa amin mag-lunch?" tanong ni Ria, Zaria Fatima -- isa sa mga kaibigan ko.

"Mauna nalang kao. Mag-aaral pa kami ni Drew. Sunod nalang kami mamaya." tanggi ko naman. Yun lang at umalis na ang mga ito.

"Gwaenchanh-ayo.." [okay]

"Lets go?" tanong ni Drew sa kanya. Tumango nalang siya. Sabay silang naglakad palabas ng classroom nila. Tahimik lang sila naglakad papuntang library.

Gaya ng dati, hindi maiiwasan ang mga bulong-bulongan. Kesyo magkasama na naman daw ang mga NERD which me and Drew. Kesyo pasikat daw kami sa mga prof.

Hindi naman talaga kami NERD. Masipag lang mag-aral para sa aming kinabukasan. Kahit ito lang kasi ang maisukli sa mga sakripisyo ng mga magulang natin. Huminga siya ng malalim.

I'm Alexia Guiselle Choi, pure korean pero dito sa Pilipinas lumaki. 16 years of age, first year college. Mga kababata at parang kapatid ko na rin sina Ria [Zaria Fatima Ryoo] at si Belle [Ariane Belle Moon].

May HF ako kay Drew [Charles Andrew Parker]. Kaya mas nadadagdagan yung pagpupursigi kong mag-aral dahil nakakasama ko siya sa pagrereview. Inspiration kumbaga.

Nang nasa library na kami, pinaghila niya ako ng upuan gaya ng nakagawian niya bago umupo sa sariling upuan. Gentleman talaga siya. Siya yung ideal guy ng sinumang matinong babae. Matalino, gwapo, mabait, maalaga, bunos na rin yung estado ng pamumuhay nito. Mayaman kasi sila, well hindi naman sobrang yaman pero may kaya.

"Xelle, mag-aral na tayo para makakain tayo ng lunch." sabi ni Drew. Ang gwapo pati boses niya kahit malumanay. Parang musika sa pandinig.

"Sige." sagot nalang niya para hindi mahalatang nagpapantasya siya. Concentrate naman ako pero pasulyap-sulyap ako minsan kay Drew. Hindi naman ako lumalandi, ang hirap lang talagang hindi siya tignan pag kaharap ko.

Bigla itong nag-angat ng tingin at nagtama ang kanilang mga tingin. Hindi maikakaila ang panlalaki ng sariling mga mata.

"Why?" takang tanong ni Drew

"H-ha? Um, w-wala naman." nauutal niyang sagot.

"Are you hungry? Tara na at kumain." inayos na nito ang mga gamit nila. Ito na rin ang nagdala ng mga libro niya.

"Anong gusto mo?" - Drew

"Kahit ano nalang." - Xelle

"Sige, upo ka na. Ako nalang ang mag-oorder.." ngumiti ito.

Tumango nalang siya bago yumuko. Naramdaman niya kasing nag-init ang kanyang mga pisngi. Nang makalayo na ito, sinundan nalang niya ito ng tingin hanggang sa hindi na niya ito makita dahil naharangan ng ibang estudyante.

Naiinip na siya kakahintay. Thirty minutes na siyang naghihintay pero hindi pa bumabalik si Drew. Imposibleng basta nalang siyang iwan nito dahil nasa table nila yung mga gamit nito. Tanging ang wallet lang ni Drew ang dala at hindi nito gawaing mang-iwan ng walang paalam. Napagpasyahan niyang sundan nalang ito.

When Unlike Forces CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon