chapter 6

275 19 4
                                    

[XELLE's POV]

Nang nasa kalagitnaan sila ng panunuod., biglang tumayo si Alexander at naglakad na parang walang masakit sa kanya.

"CR lang ako." paalam nito. Pinagmasdan niya itong maglakad and guess what! Normal ang paglakad niya! Walang bahid ng sakit! I knew it! Pinagtritripan na naman ako nito. Naisahan na naman siya ng Alexander the great na unggoy!

Hinintay niya itong makabalik at nang makabalik na, tinignan niya ito ng masama.

"Masaya ka na? Satisfied?" pang-uyam niya.

"X-Xelle, let me explain." depensa naman agad nito ng mapagtanto ang nangyayari.

"Ewan ko sayo. Sana maging masaya ka sa ginawa mong panloloko at pagpapaikot sa mga tao sa paligid mo." pagkasabi nun, dali-dali na siyang lumabas ng apartment nito. Hindi niya alintana ang malakas na ulan. Mabuti nalang at waterproof ang bag niya. Basang-basa na siya kaagad pagkatapak niya sa labas.

"Xelle naman! Pag-usapan muna natin to! Bumalik muna tayo sa loob." habol ni Xander. Sumunod pala ito sa kanya.

"Leave me alone scumbag!"sigaw niya. Nakakailang hakbang palang siya ulit nang biglang kumidlat ng napakalakas. Tinamaan ang halaman sa katapat na bahay at nasunog ito.

Para siyang ipinako sa kinatatayuan niya at natuyo ang lahat ng dugo sa katawan niya. Hindi siya makakilos sa sobrang gulat.

"Xelle! Bumalik na tayo sa loob please! Magkakasakit ka lang!" sigaw ni Xander sa pagitan ng malakas na buhos ng ulan at malalakas na kulpg at kidlat. Basang-basa na sila pareho. Wala sa sariling sumunod siya ng hilahin siya nito pabalik sa loob. Pagkapasok sa loob naramdaman niyang niyakap siya nito.

"Please don't do that again." parang nag-aalalang sabi nito at mas hinigpitan pa ang pagkakayakap sa akin.

"Bitawan mo ako." pagpupumiglas niya ng mahimasmasan siya.

"Sorry."

"Sorry huh?! Plano mo naman ito di ba? Ito naman ang gusto mo di ba? Ang pagtripan ako. Ang pahirapan ako." sumbat ko. Sobra na kasi ang pantritrip niya. Nakakasakit na.

"Bakit ako pa Xander. Bakit ako pa ang napili mong pagtripan?" tanong ko ulit ng hindi siya magsalita. Napayuko naman ito.

"Dahil gusto kong..."

"Gusto mong ano? Sabihin mo! Dahil ba gusto mong nakikita akong nahihirapan! Pinagtatawanan ha?" pagpapatuloy ko sa sasabihin niya.

"God knows na hindi iyon ang intensyon ko! It's just that... Nevermind. Hintayin mo ako dito. Kukuha lang ako ng towel." pag-iwas nito. Umalis agad ito sa harapan niya bago pa siya makapagprotesta.

Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit niya ginagawa sa akin ito. Ano bang nagawa kong kasalanan sa kanya?

"Here." sabi ni Xander sabay abot ng tuwalya pagkabalik nito. Kinuha niya ang tuwalya pero hindi siya nagsalita.

"Xelle, please talk to me." pagmamakaawa nito pero sobrang nasaktan siya sa ginagawa nito sa kanya kaya hindi nalang siya umimik.

Bakit ako pa Xander? Marami namang iba diyan na gustong makuha ang atensyon mo. Bakit ako pa ang pinag-aaksayahan mo ng oras mo? Masaya ako nung wala kang nanggugulo. Maayos ang buhay estudyante ko kahit mayroong tatlong demonyita nu sumisira sa araw ko.

When Unlike Forces CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon