chapter 3

322 18 2
                                    

[XELLE's POV]

Nandito kami ngayon sa classroom. Nag-aaral kami ng lesson kasama si Drew. Ang iba, chismisan dito chismisan dyan.

"Good morning class." bati ng prof nila pagkapasok nito ng classroom nila. Dali-dali namang umayos ang mga classmates namin.

"Good news class." anunsyo ng prof nila.

"Wow! That's great Sir. Ano yun?" sabat naman agad ni Sabrina

"You will have a new classmate."

"Where is he/she Sir?" (Sabrina)

"Ms. Sabrina Jane Lee, stop interrupting me." sita ni prof at nagtawanan sa buong klase.

"Silence! Mr. Won, please come inside and introduce yourself." sabi ni sir at pumasok naman ang tinawag ni sir na Mr. Won. Pagkapasok palang nito nagtilian na ang mga kaklase naming mga babae at bakla.

"I said silence!" sigaw ni prof at nagsitahimikan naman sila.

"Go on, Mr. Won."

"Hello. I am Alexander James Won from  St. Claire University. And I'm sixteen years old. Thank  you."

"Okay. You can now take your sit beside Ms. Choi. Mr. Parker, please sit on the vacant chair." pagbibigay instruction ni prof.

St. Claire University? Sikat na school yun dito sa Pilipinas a. Anong pumasok sa kukute nito at nagtransfer dito? Well, maganda naman itong school namin, pero curious lang naman. Bakit kaya mas gusto niyang mag-aral dito kesa dun sa sikat na school. Baka nagsawa na siguro.

Agad namang lumipat ng upuan si Drew. So, ang ayos namin ngayon.

Belle  --- Ria  --- Ako --- Alexander --- Drew  --- Zaira

"Hi! I'm Alexander James Won. And you are?"

"Alexia Guiselle Choi." sagot naman niya. Nakita niyang masayang nag-uusap sina Drew at Zaira.

"Boyfriend mo?" pabulong na tanong nito na ang tinutukoy nito ay si Drew. Hindi niya ito pinansin.

"Psst! Babe."  sabi nito at inilapit ang upuan...

"Pwede ba? Lumayo ka nga. Tsaka, makinig ka nga sa prof. Nagdidiscuss siya oh!"

"Mas gwapo naman ako sa kanya.  Matalino din naman ako.. Tayo nalang babe." naka-smirk na sabi ni Alexander at umakbay pa ito sa kanya.

"Ano ba!"  iwinaksi niya ang kamay nito

"Tss! Pakipot pa daw ito.  Gustong-gusto mo naman. Swerte mo nga pinapansin kita e. Andaming iba dyan na nagkakandarapa para lang mapansin ko." pagmanayabang nito.

"Igijuii."

"Hindi ako mayabang. Nagsasabi lang ng totoo."

"At wala akong pake-alam. Di sila ang pansinin mo. Hindi ko kailangan ang atensyon mo."

"Okay class dismissed." anunsyo ng prof nila. Napasimangot siya. Natapos ang klase nila na wala man lang siyang naintindihan dahil sa kayabangan ng transferee na ito.

"Uy, besties. Una na ako ah. Dance Class ako ngayon e. Sa kabilang earth pa yun. Haha." paalam ni Belle at nag-fly away na.

"Ako rin e. Music next class ko." paalam din ni Ria.

"Sige. Wala na akong klase pero, baka maya-maya pa ako uuwi. Kita-kits nalang sa bahay."

Nasa iisang bubong kasi silang tatlo. Nasa ibang bansa kasi ang mga magulang namin so ayun. Napagkasunduan naming tumira nalang sa iisang bahay.

When Unlike Forces CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon