Tula#4 WALONG LETRA SA TATLONG SALITA

356 4 0
                                    

Ilang tula pa ba ang aking gagawin
Mga salita na magkakatugma
Mga damdamin na di matugma-tugma
Malayang tugmaan
Pero di kayang isigaw ang tunay na nararamdaman

Mga salita
Sa bawat pahina
Na ikaw ang naging paksa
Sa paggawa ko ng mga tula

Mga salita na di mabigkas-bigkas
Mga pahina na hindi mabilang-bilang
Mga nararamdaman na hindi mapigil-pigilan
Di masigaw-sigaw ang tunay na nararamdaman

Ikaw ang aking hinahangaan ginoo
Kahit iba ang binibini mo
Mag susulat parin ako para sayo
Dahil ikaw ang naging inspirasyon ko

Ginoo sana maramdaman mo itong nais ko
Ikaw ang pinapangarap ko
Sana ganun ka din sa akin ginoo
Kahit sa isang panaginip lang ang nais ko na ikaw at ako

Walong letra sa tatlong salit
Na nais kong marinig mula sayo sinta
Ballpen at papel nalang ang nagiging sandigan
Sa aking nararamdaman na di ko alam kung panandalian

100 tula para sayo ginooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon