Nag aatubili akong pindutin ang asul na iyan
Pumikit ako at huminga ng malalim
Para humugot ng lakas para pindutin iyon
Ang nakasulat"your request sent"Oras oras kung tiningnan ang cellphone ko
Pero walang kompirmasyon mula sayo
Kaya minabuti kung tangalin nalang
"Cancel request" yan nalang ang ginawa koPangalawang kong ulit
Nagbabaka sakali
Baka sana mapansin mo na
Ganun pa rin walang pinagkaibaKaya hindi ko na pinansin
Hinayaan ko nalang yung friend request ko sayo
Hindi ko na inintindi iyon
Baka ayaw mo lang talagaIsang araw, nagbukas ako ng facebook ko
May isang notipikasyon
At nakasulat dito ang iyong kompirmasyon
Kaya labis akong natuwa
Na kahit papaano sa facebook langAraw-araw tinitingnan ko ang kulay berdeng bilog sa chat
Nag aalinlangan ako makipag usap sayo
Baka hindi mo pansinin
At baka iba pa ang iyong isipin
![](https://img.wattpad.com/cover/202872488-288-k212294.jpg)
BINABASA MO ANG
100 tula para sayo ginoo
Poesía𝑻𝒉𝒆𝒓𝒆'𝒔 𝒏𝒐 𝒔𝒖𝒄𝒉 𝒕𝒉𝒊𝒏𝒈 𝒂𝒔 𝒂 𝒘𝒂𝒔𝒕𝒆𝒅 𝒎𝒐𝒎𝒆𝒏𝒕, 𝒘𝒉𝒆𝒏 𝑰 𝒉𝒂𝒗𝒆 𝒂 𝒑𝒆𝒏 𝒂𝒏𝒅 𝒑𝒂𝒑𝒆𝒓.