Laro tayo
Alam mo kung anong laro?
Tagu taguan,
Taguan taguan tayo ng nararamdaman
pagbilang ko ng lima nakatago ka na
Isa
Isang araw na dumating ka sa buhay ko na nagbigay sigla sakin ng hindi ko inaasahan
Pangalawa
Pangalawang araw sa klase na tayo ay unang nagtawanan at nagngitian
Pangatlo
Pangatlong araw na unang nagtugma ang ating mga mata
Pangapat
Pangapat na araw na hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman
Panglima
Panglimang araw na ikaw ay aking naging pangarap
Taguan ng nararamdaman ang ating nilalaro
Maraming tanong at takot sa aking isipan kung tama ba ito o mali
Kung aamin ba o hindi
maraming pero at maraming paano
Pero kung iba pala gusto mo?
Paano kung masaktan lang ako?
Sa isang laro
May isang talo
At may isang panalo
Panalong uuwi ng masaya
habang uuwi ng luhaan yung isa
BINABASA MO ANG
100 tula para sayo ginoo
Poetry𝑻𝒉𝒆𝒓𝒆'𝒔 𝒏𝒐 𝒔𝒖𝒄𝒉 𝒕𝒉𝒊𝒏𝒈 𝒂𝒔 𝒂 𝒘𝒂𝒔𝒕𝒆𝒅 𝒎𝒐𝒎𝒆𝒏𝒕, 𝒘𝒉𝒆𝒏 𝑰 𝒉𝒂𝒗𝒆 𝒂 𝒑𝒆𝒏 𝒂𝒏𝒅 𝒑𝒂𝒑𝒆𝒓.