Tula#6 Sigaw ng Damdamin

159 2 0
                                    

Ako lang ba yung nakakaramdam na meron
O ako lang talaga yung nag iilusyon
Sa bawat paglapit mo
Kay bilis ng tibok ng puso ko

Mga tingin mo
Na halos matunaw na ako
Mga tingin mo may pinapakitang motibo
Ito naman ako aasa sayo

Kapag kinakausap mo ako
Di ako makapagsalita nauutal ako
Minsan nagkukunwaring walang pakialam sayo
Para naman hindi mo mahalata na ako'y may pagtingin sayo

Gusto ko sana isigaw na ikaw ang hinahangaan ko
Pero di ko kaya kasi maraming may gusto sayo
Ikaw ang sinisigaw ng aking damdamin
Ikaw ang hinihiling na maging akin
Pero isisigaw nalang ito sa hangin
Kaya mananahimik nalang ako sa isang gilid
Magpapanggap na walang nararamdaman at naririnig

Ngingiti nalang at tatawa
Kapag tinutukso ka sa iba
Diba ang saya?
Ang saya tingnan yung taong pinapangarap ko ay pangarap din ng iba
Mananahimik nalang sa isang tabi
Magpapangap nalang na pipi at bingi

100 tula para sayo ginooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon