Tula#8 Ako lang naman

88 2 0
                                    

Kamusta ginoo?
May ipapaalam lang ako sayo
Alam mo bang may isang taong umaasa sayo
May isang tao hindi maayos ang sarili
Para lang gumawa ng tula sayo

May isang taong nag aantay sa pag oonline mo
May isang tao na umaasa na magkakausap kayo
May isang taong gumagawa ng maraming tula para sayo
May isang tao na palihim na humahanga sayo

May isang tao na palihim kang pinagmamasdan
May isang tao na bumibilis ang tibok ng puso kapag kaharap kana
Napapansin mo ba yun?
O baka hindi mo lang talaga nahahalata at nararamdaman

Kasi nakakasilaw kayong pagmasdan
Ang sakit lang sa mata tingnan
Pero okay lang
Okay lang ako
Kahit nasasaktan na ng tudo

100 tula para sayo ginooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon