Chapter 3

663 16 5
                                    

Kasalukuyang nasa klase si Kath at nagdo-doodle sa notebook niya. It was her History class in the afternoon. Hindi siya nakikinig sa teacher niyang nagdi-discuss tungkol sa history ng voyage ni Ferdinand Magellan at ng kung sino pang explorer ng mundo.

She was busy writing Daniel's name on a paper with a heart on the "i" when she felt like someone was watching her. Paglingon niya sa katabi niya ay nagulat na lamang siya nang mapagtantong si Julia na pala ang katabi niya. Dali-dali naman niyang isinara ang notebook niya.

"Ano iyan?" tanong nito, referring to her notebook.

"Ah... Notebook ko," sagot niya dito.

Bigla naman itong tumawa na ikinagulat niya. "Palabiro ka pala, ano? Ang ibig kong sabihin, ano iyong sinusulat mo sa notebook mo kanina? Para kasing nakita ko ang name ni Daniel, eh."

Kinabahan naman siya. Nakita pala nito iyon. Siyete! Lagot ako neto!

"Ahm, wala lang iyon. Si ano... Si Daniel Radcliffe. Oo, iyon. Tama. Iyong nasa Twilight. Iyon," pangatwiran niya dito.

"Ha? Hindi naman siya sa Twilight, eh. Sa Harry Potter si Daniel Radcliffe," nakakunot-noong sabi nito sa kanya.

Kulang nalang talaga ay umusok na ang bumbunan niya sa kahihiyan. Nangatwiran na nga siya, mali pa.

"Ah. Oo. Iyon nga. Binibiro lang kita," pilit na tawang sabi niya dito.

Tumawa naman ito. "Palabiro ka talaga."

"Ah, thank you," sabi niya, unsure kung compliment ba iyon o ano.

Natahimik na ito kaya ay pinilit nalang niya ang sariling ituon ang atensiyon sa lecture ng teacher nila. Mamaya nalang niya papangarapin si DJ. Delikado na at baka mabuking pa siya ng ibang tao. Mahirap iyon.

"So... Ah, pwedeng magtanong?" Nagsalita naman ito ilang saglit lang.

"Ah, ako ba ang kinakausap mo?" tanong niya dito.

Hindi niya alam kung imagination lang ba niya iyon. But she swear, she saw Julia rolling her eyes. Pero ngumiti naman agad ito sa kanya nang napakatamis. Parang candy lang.

"Oo, Kath. Ikaw ang kinakausap ko," sagot lang nito.

"Ah... Ano iyong tatanungin mo?"

"Eh, kasi I know that you and DJ have been friends since mga bata pa kayo, right? So talagang close na talaga kayo. If you don't mind me asking, paano kayo nagkakilala?" curious na tanong nito.

Dahil sa tanong nito, nag-flashback sa utak niya ang nakaraan. Naalala niya tuloy noong unang nagkakilala sila ni DJ.

Naglalaro ang sampung taong gulang na si Kath sa park ng tinitirhang subdivision. Dahil bago pa silang lipat doon, wala pa siyang kakilala. Kaya naman, hayun at mag-isa siyang naglalaro sa monkey bar.

"Hoy, bata!" Biglang may tumawag sa kanya sa kalagitnaan ng kanyang paglalaro.

Nilingon niya ang tumawag sa kanya at nakita niya ang grupo ng batang lalaki. Sa tantiya na ay magkasing-edad lang ang mga ito sa kanya.

"Bakit?" tanong niya sa mga ito.

"Puwesto namin iyan. Kung ayaw mong masaktan, umalis ka na diyan," maangas na sabi ng isang batang mataba na siguro ay ang umaaktong lider ng grupo.

The natural fighter she was, hindi siya nagpatalo sa mga ito. "Bakit? May pangalan bang nakalagay dito na nagsasabing sa inyo ito?"

"Aba, naghahamon ka ba ha?"

Bumaba siya ng monkey bar at hinarap ang mga ito. "Ano? Suntukan tayo?"

Hindi naman kumibo ang mga ito. Dahilan para matawa siya.

"Mga bakla naman pala kayo, eh. Hahamon-hamon ng away, hindi naman lumalaban."

Doon tila nagalit ang lider-lideran ng grupo. "Hoy, kahit babae ka, papatulan pa rin kita."

If I'm Not In Love With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon