Chapter 8

651 16 3
                                    

Kath was on her way to the football field. May usapan kasi sila ni Neil sa araw na iyon. Hindi dahil ina-acknowledge na niya ang panliligaw nito sa kanya. Isang malaking joke pa rin iyon sa kanya. Pero hindi pa rin ito nagpapigil. Hindi niya alam kung bakit at ginagawa nito iyon kaya wala na rin siyang magawa.

Nang paakyat na siya sa bleachers ay nakita niya ang taong isang linggo na rin niyang hindi nakita.

"Daniel."

As if on cue, napalingon ito sa kanya. Ngumiti naman agad ito nang nakita siya nito. Nilapitan naman niya ito.

"DJ, anong ginagawa mo dito?" tanong niya dito.

"Nagpapahangin lang," sagot nito.

Umupo siya sa tabi nito. Napatingin siya mukha nitong nakatanaw lang sa field. "May problema ka ba?"

Nagbuntong-hininga ito pero umiling lang.

"DJ, ano ka ba? Matagal na tayong magkaibigan. Sabihin mo na sa akin."

Lumingon ito sa kanya. "May nami-miss kasi akong tao, eh."

Her heart suddenly fluttered. Siya ba ang tinutukoy nito? "At... at sino naman ang ang taong iyon?"

"Isang linggo na rin akong iniiwasan ng taong ito. Nami-miss ko na siya sobra."

"Sus. Ito talagang si DJ. Nagpapaligoy-ligoy pa, eh. Sabihin mo nalang kasi sa akin ng diretsahan!" natatawang sabi niya dito.

"Paano ko ba siya maibabalik sa akin?" tanong pa nito.

"Maibabalik?"

"Iniwan niya kasi ako kasi I had been a jerk. And I'm really sorry for that," malungkot na sabi nito.

Lihim siyang napangiti. Ibig sabihin nito, naiintindihan na nito kung ano ang nararamdaman niya. At kahit na he's been a big jerk, hindi niya pa rin magawang hindi ito patawarin.

"DJ, huwag ka nang malungkot. Alam mo namang hindi kita matitiis, eh. And yes, I for - "

"DJ." Naputol ang sasabihin niya nang may tumawag naman dito.

Sabay silang napalingon sa kung sino man ang taong iyon at kumunot ang noo niya nang makita si Julia.

"Julia," sabi nito. Napatayo ito at lumapit dito.

"DJ, am I in a bad timing?" tanong nito.

Napatingin si DJ sa kanya saka ay ibinalik ang tingin kay Julia. "No. You're timing is not bad. Nag-uusap lang kami ni Kath."

Mahinang tumango ito saka ay tiningnan si DJ sa mga mata. Kitang-kita niya ang pagkislap ng mga mata ng dalawa na mas lalong nakabasag sa basag na na puso niya.

"DJ, I'm sorry," ang sabi ni Julia dito bago nito niyakap ang binata.

Niyakap din ni Daniel si Julia. "What for?"

Kumalas sa pagkakayakap si Julia dito. "I'm sorry I've been ignoring you this past week. Nainis lang kasi talaga ako sa iyo, eh. But now, I realized, hindi ko pala kayang bale-walain lang kita."

"Shh, Julia don't say that. Ako nga ang dapat humingi ng tawad sa iyo. I'm sorry. It was my fault. I've been unattentive to you lately. Marami lang kasi akong iniisip, eh."

"Like what? Pwede mo naman sabihin sa akin kung ano ang iniisip mo."

"No. Wala iyon. Insignificant na iyon. Kaya sorry talaga."

Tumango-tango lang ito. "It's okay, DJ. And I'm sorry, too."

"Don't worry about it."

"So, we're okay now?"

If I'm Not In Love With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon