Chapter 4

610 13 4
                                    

Maagang nagising si Kath. Kaya maaga rin siyang nakahanda para sa pagpasok sa school. Hindi siya sumabay sa kuya niya because she wanted to go to school early. Gusto niyang magmuni-muni at palipasin ang kahibangan niya para sa bestfriend niya.

Nang dumating siya sa school ay napagpasyahan niyang tumambay muna sa baseball field. She was sitting at the far end of the field kung saan hindi masyadong dinadaanan ng mga estudyante. May inilabas siyang notebook sa bag niya. It was the notebook kung saan punong-puno ang back page ng pangalan ni Daniel. Her Daniel with a heart on the "i".

She then flipped to the center page of the notebook. May nakatago siyang picture nilang dalawa ni Daniel doon. And also found on that page was her written confession for him.

Napaisip siya. Kailan ko kaya ito masasabi sa iyo, DJ? Ang tagal-tagal na niyang naisulat iyon, pero kahit kailan, hindi niya pa rin masabi-sabi dito.

Ang hirap-hirap naman kasing ma-inlove ka sa bestfriend mo. Kung bakit ba sa lahat ng tao ay sa bestfriend niya pa talaga siya na-inlove. Matagal na rin ang pinagsamahan nila. Malalim na ang nabuo nilang relasyon. Kung malaman man nito ang totoong nararamdaman niya para dito, paano kung mag-iba na ang turing nito sa kanya. She didn't want him to be weird around her because alam nitong may gusto siya dito. 

"Hoy!" May biglang gumulat sa kanya.

"Putek, DJ! Ba't ba ang hilig-hilig mong manggulat?" napasapak na sabi niya dito.

Tatawa-tawa lang itong tumabi sa kanya. And then he eyed her notebook. Kaya naman dali-dali niyang isinara ito.

Nagtatakang nagtanong ito sa kanya. "Ano iyan?"

"Wala," walang kurap na sagot niya dito.

"Anong wala? Ba't mo itinago?" duda pa ring tanong nito.

"Wala nga sabi, eh. Ang kulit mo."

 "Ah, wala pala ha?" sabi nito at sinundot ang tagiliran niya.

Sinapak niya ito sa braso. "Hoy! Ano ba?"

"Alam na alam ko kung nasaan ang kiliti mo. Kaya kung hindi mo sasabihin sa akin kung ano iyan, papatayin kita sa kiliti."

"Sige, subukan mo. Subukan mo lang!"

"Ganoon ha?" At sinundot ulit ang tagiliran niya. Kaya ayun siya, ang lakas ng halakhak dahil sa kiliti ni Daniel sa kanya. Dahil pinipilit niyang ilagan ang sundot nito ay napatayo siya. Kaya tumayo din ito.

"DJ, please, tama na! Ayoko na! Hindi na ako makahinga!" sabi niya dito.

"Sabihin mo kasi sa akin!"

"Wala nga kasi!"

"Ah, ganoon?" Hinabol siya nito at kiniliti pa rin siya. Binuhat siya nito patalikod nang patakbo ulit siya. Natumba sila sa damuhan dahil sa likot nila.

"Ouch," napahiyaw ito sa sakit. Nadaganan kasi niya ito.

"Ayan kasi! Ang kulit," patayo na sana siya nang hilahin ulit siya nito. Kung kanina ay patalikod lang siya dito, ngayon ay paharap na siya. Kaya kitang-kita niya ang gwapong mukha nito.

Napatitig siya sa mukha nito. The face of the man she loves. Nagririgodon ang puso niya sa bilis ng tibok nito. Alam niyang bestfriend niya ito at walang halong malisya. But with what he feels about him, hindi maaring hindi niya mahahaluan ng malisya.

"Kath..." Nakatitig na rin pala ito sa mukha niya. Hindi niya alam pero parang bumangon ang isang katiting na pag-asa na baka ay mahal din siya nito. Nag-eenjoy pa siya sa munting eksena nilang iyon nang may dumating na istorbo.

Sabay silang napatingin sa tumawag dito. Napatitig nalang siya kay Julia na papalapit sa kanila nang mga sandaling iyon. Saka lang niya naalala ang ayos nila ni Daniel. Dali-dali siyang tumayo. Tumayo na rin si Daniel at napatikhim.

"Julia," tawag ni Daniel dito.

"Ang sweet niyo namang mag-bestfriends," nakangiting sabi nito.

Pinapaalala pa talaga? inis na isip niya.

Inakbayan naman siya ni Daniel. "Walang halong malisya itong sa amin, 'no."

"Alam ko naman iyon. Kaya panatag lang ako," sabi naman ni Julia.

Parang girlfriend lang ang peg nito. Echosera!

Tinanggal ni Daniel ang pagka-akbay sa kanya. "Saan ka pupunta?"

"Ah, kakain sana ng breakfast. Hindi pa ako nakapag-breakfast, eh," sagot nito.

"Sige. Samahan na kita," sabi ni Daniel. Bumaling ito sa kanya, "Samahan ko lang si Julia, ha?"

Napatango lang siya.

Kinuha na nito ang bag nito at tsaka ay umalis na kasama ni Julia.

Napahawak siya sa dibdib niya.

Puso, alam kong nagdudurog ka na diyan. Pero just hold on.

__________

Naglalakad si Daniel kasama si Julia patungo sa canteen.

"Grabe pala talaga ang closeness ninyo ni Kath, ano?" biglang tanong ni Julia sa kanya.

Napatingin siya dito at nakitang nakatingin ito sa kanya. "Ah, oo. Simula mga bata pa kami, magkaibigan na kami, eh. At tsaka magkapit-bahay kami noon kaya parati kaming magkasama."

"Hindi ba awkward?"

"Awkward?" nakakunot-noong tanong niya dito.

"Yeah. I mean, lalake ka, tapos babae siya. Hindi ba kayo naiilang sa isa't-isa kasi siyempre, may different needs ang babae at lalake."

Napakamot siya ng ulo. "Ah, hindi naman. Walang halong malisya sa amin ni Kath, kaya okay lang. At tsaka alam naman namin ang limitations naming dalawa."

"Ah... Pero alam mo, kung hindi ko lang alam na mag-bestfriends kayong dalawa ni Kathryn, mapagkakamalan kong may gusto siya sa iyo."

"What? Nako. Imposible iyon."

"Hindi nga. Totoo talaga."

"Bakit mo naman nasabi iyon?"

Tumawa ito. "Myghad, by the way she stares at you, kitang-kita."

Hindi niya pa rin mawari ang sinasabi nito. Para kasing napaka-imposible niyon.

"Pero... sabi mo nga di ba, walang malisya sa inyo ni Kath, So I guess, wala lang iyon," bawi naman nito.

Tumango lang siya dito. "Huwag mo na ngang isipin iyon. Selos ka lang, 'no?"

Tumawa naman ito. "Ako? Magseselos? Nino? Ni Kath? No offense to her ha, but I think I can offer a lot than what she can."

Alam niyang nagbibiro lang ito pero sa halip na matawa ay parang nainis siya sa sinabi nito. Parang gusto niyang ipagtanggol si Kath dito at sabihing Kath still has more to offer. Hindi lang physically but also her personality.

But he kept his mouth mum. Ayaw nalang niyang pahabain pa ang issue.

If I'm Not In Love With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon