Chapter 5

676 20 2
                                    

Mag-isang naglalakad si Kath sa hallway papuntang canteen. It turned out that the engineering department was suspending their classes kasi may urgent meeting ang faculties nila.

She was on her way to the canteen. Nagugutom na kasi siya. Sanay na siyang nalilipasan ng gutom but she wanted to changed her habits. Para naman din kasi iyon sa ikabubuti ng kalagayan niya, right?

Naka-order na siya ng pagkain nang ma-realize niyang wala siyang dalang extra money pambili ng pagkain.

"Damn," she muttered to herself.

Napatingin siya sa pagkaing in-order niya. Napahawak naman siya sa kumakalam na tiyan na.

Gutom na talaga ako. Kung nandoon lang sana si Daniel, pwede sana siyang umutang dito para makabili siya ng pagkain.

She grunted. Kahit na gustong-gusto niya, wala siyang magawa kundi ang ibalik ang pagkain. She didn't have the money to pay for the food.

Ibabalik na sana niya ang pagkain sa tindera ng stall nang may tumawag sa kanyang pansin.

"Kathryn? Ikaw ba iyan?"

Hinarap niya ito. Nakauniporme ito parehas ng uniporme ng mga lalake sa school nila. Hindi niya ito kilala pero parang namumukhaan niya ito. Saan ba niya ito nakita?

"And you are...?"

"Brad Pitt," nakangiting sagot nito.

Kumunot ang noo niya. "Hoy, Mister! Wala akong panahon makipaglokohan sa iyo. At tsaka, nagugutom ako ngayon. You don't mess with me when I'm hungry."

Itinaas nito ang mga kamay nito. "Hey! Hey! Do you greet your old friends like that?"

"Anong old friends-old friends ang pinagsasabi mo diyan? Hindi kita kilala, 'no."

"Talaga? Hindi mo ako kilala?" na-amused na tanong nito.

"Ano ba ang sinabi ko? Bingi ka ba?"

Natawa ito. Aba't tinawanan pa talaga ako, ha?

"Aba! Pinagtatawanan mo pa ako, ha? Ano? Gusto mong suntukan tayo? Ano? Akala mo hindi kita papatulan?" maangas na sabi niya dito.

Mas lalong lumakas ang tawa nito. Napapalatak pa ito pagkatapos. "Kath, kath, kath. Hindi ka talaga nagbabago, ano? You are just the same, old Kathryn Chandria that I knew."

Tumaas ang kilay niya. Mukhang kilala talaga ako ng mokong ito, ah.

"Kath," may narinig siyang nagsalita sa likuran niya.

Napalingon siya sa likod niya at nakita sina Neil at Diego.

"May problema ba dito?" tanong ni Neil.

"Ah, wala naman, pare. Binabati ko lang si Kathryn," sagot naman ng lalaking kanina pa niya kinaiinisan.

"Magkakilala kayo?" tanong pa ni Diego.

"Matagal na kaming magkakilala - " sagot pa rin ng lalake pero pinigilan ni Neil.

"Ikaw ba ang kinakausap namin?" maangas na sabi ni Neil.

Lihim siyang napatawa. Kahit kailan, napaka-bully talaga nila Neil at Diego. Tumahimik naman ang lalaki.

"That's right. Hindi ikaw ang kinakausap namin. So you better shut your mouth up bago ka namin ipa-dampot sa mga ka-frat namin sa labas ng school gate," pananakot ni Diego.

Mukhang natakot naman ito. "I'm sorry, bro. Ayoko ng gulo. I just wanted to meet an old friend. But I guess wrong timing pa ngayon. So, Kath, mamaya nalang kita kakausapin," paalam ng lalake bago dali-daling umalis.

If I'm Not In Love With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon