Chapter 10

130 4 5
                                    

"I have an announcement to make, guys."

Sabay na napatingin silang lahat kay Robi na kararating lang sa table nila sa canteen. Kasama niya sa table sila Neil, Diego at Sam at kasalukuyang nagme-merienda.

"And what's that, bro?" tanong ni Sam na naku-curious sa announcement na ihahayag ni Robi.

"Well, it's official," nakangiting sabi nito sabay tingin sa kanya. "I'm courting Kath."

Napalakas ang pagkakasabi nito kaya halos lahat ng tao sa canteen ay narinig ang anunsiyo nito. Naramdaman niyang biglang natahimik ang lugar.

"Kaya sa mga taong gusto pang ligawan si Kath, magiging kalaban niyo na ako," may paghahambog pang sabi nito.

Napatungo siya sa mesa para maitago ang hiyang kanina pa niya nararamdaman. Sa lahat pa naman ng ayaw niya ay iyong magiging sentro siya ng atensiyon. Nararamdaman na kasi niya na nasa kanya na ang atensiyon ng maraming tao.

"So, paano ba iyan, Robi?" Sabay tayo ni Neil at humarap kay Robi.

Napatingin naman siya kay Neil.

"May the best man win," anito sabay lahad nito sa kamay kay Robi upang makipagkamay. Na tinanggap naman ng huli.

Napapailing nalang siya sa ka-dramahan ng dalawang lalaki. Kahit kailan talaga, palaging may inihahandang pakulo ang magba-barkada.

"Hey," tawag-pansin ni Robi sa kanya. "I'm serious about it, Kath."

"And so am I," sabat din ni Neil.

"And I already have your permission. Tinanggap mo na ang panliligaw ko," patuloy ni Robi.

Gulat na napatingin si Neil kay Robi, saka ay sa kanya. "You agreed for Robi to court you? Pero sa akin, hindi? That's so unfair."

"What's unfair?"

Gulat na napatingin siya kay Daniel na nasa likuran na nila Neil at Robi. Hindi na nila namalayan ang pagdating nito.

"Bro, where have you been?" tanong ni Diego dito.

"Well..."

"Eh, saan pa ba? Eh di kasama na naman ang girlfriend niyang snob," si Sam na ang sumagot para dito.

Simula nang naging magkasintahan si Daniel at Julia, hindi na halos sumasabay si Daniel sa kanila. At ang dahilan... si Julia. Kako may klase pa ito, o may research pa ito, o may ibang lakad pa, kaya hindi ito nakakasama sa mga lakad nila. At ayaw din namang pilitin ni Daniel si Julia na sumama sa kanila. Kaya ayun, nabansagan tuloy na snob si Julia.

"Hayaan nalang kasi natin. Eh sa ayaw talaga sumama ni Julia sa atin," ang sabi nalang ni Diego.

"Pero teka lang, bakit napunta ang usapan kay Julia? Ano ba kasi iyong pinag-uusapan ninyong unfair?" Tanong ni Daniel.

Halos naging sabay-sabay ang pagtikhim ng mga kasama niya sa mesa. Parang ayaw nilang ipaalam kay Daniel na nanliligaw din sa kanya si Robi.

"Hoy. Ano na? What's so unfair?" pag-uulit pa nito. Saka ay tumingin kay Neil, na napakamot naman sa batok nito.

"Uhm... kasi," sabay tingin ni Neil kay Robi, na iniiwas ang tingin kay Daniel.

She can't believe this. May pa anun-anunsiyo pang nalalaman si Robi pero hindi naman pala nito kayang sabihin kay Daniel nang harap-harapan na aakyat ito ng ligaw sa kanya.

"Come on guys. Tell him," pang-eenganyo niya sa dalawang binata. Kung talagang seryoso ang mga ito sa panliligaw sa kanya, dapat ay malaman ni Daniel iyon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 25, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

If I'm Not In Love With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon