CHAPTER 5

11 1 0
                                    

                         Celyn

Sa buong durasyon ng paglalako namin nina Manang Rossy, marami ang nagtatanong kung sino kami ni Geprge. Tanging sinasabi niya lang ay mga pamangkin kami ni Mang Tope mula sa Cebu na nagbabakasyon.

Minsan din ay nagpapakilala kami gamit ang pekeng pangalan na mismo si Manang Rossy ang nakapag-isip. Pinagamit din ni Mang Tope ang mga apelyedo ng iilan sa mga kapated niya para mas kapani-paniwala.

"Ay Rossy! Sino itong mga dalaga na kasama mo?"

Tanong na naman ng isa sa mga kakilala ni Manang Rossy. Inayos ko ang salamin na suot na si George mismo ang nagpa suot sa'kin. Para daw mas kompleto ang 'disguise' naming dalawa, siya rin mismo ay nagsalamin at hindi ko alam kung saang lupalop niya ito kinuha.

"Ah! Sila ay mga pamangkin ni Tope mula sa Cebu, dito naisipang magbakasyon. Ito nga pala sina Ninay at Jossi."

At magalang kami na nagmano sa kanya. Ito na ang ika dalawampung tao na  nagtanong patungkol sa'min. Kada madadaanan kasi namin ay may nagtatanong, kaya minsan nagkukusa na lang kami ni George na magpa-kilala para hindi na mahirapan si Manang Rossy.

"Kuh! Kay gagalang ng mga bata na ito. Pagpalain kayo ng Diyos. Naway masiyahan kayo sa inyong bakasyon dito."

Nag pasalamat kami sa kanya at ipinag-patuloy na ang paglalako. Pasado alas dose na kami natapos at ubos lahat ng paninda ni Manang Rossy.

"Maraming salamat sa pagsama sa akin sa paglalako Celyn at George, ngayon na lang ulit ako nakaubos ng mga paninda ko.

"Your welcome po, Manang Rosy. Tulong na rin ho namin ito no George sa pagpapatira niyo sa'min dito."

She held my hand and smiled at me.

"Hindi niyo naman kailangang tulongan kami. Sapat na sa amin ng Tatay Tope niyo na ligtas kayong dalawa. At simula ngayon, tawagin niyo nalang akong Nanay at Tatay na rin kay Tope. Kami na mo na ni Tope ang magsisilbing mga magulang niyo habang nandirito kayo."

I felt relieved as to what she had said. She's indeed a kind hearted person. Kailangan ng mga taong kagaya niya ang mundo ngayon na puno ng mga taong gahaman at walang pake sa kapwa nila.

After that talk, saktong dumating si Tatay Tope na may dalang panang-halian na galing pang resort na agad naming pinagsaluhan. At nang gumabi ay masaya din naming pinagsaluhan ang hapunan.

Masasabi kong isa sa magandang hapunan ang naranasan ko dito. Isang magandang ala-ala na kay sarap maranasan at balik-balikan. Bago ko ipikit ang mga mata ko ay bigla kung naalala sina Mom.

Are they ok? I bet they are.

Isang buntong hininga ang pinakawalan ko. I just hope they've receive the message already. For now, I'll just let myself enjoy first, total, paniguradong magtatagal pa kami dito.

Kinabukasan, ganon parin ang ginawa namin nila Nanay. Gagawa ng kakanin, ilalako at mauubos din. Pag nasa bahay na ang lahat, sabay na mag-tatanghalian at mag kukwentuhan sa sala ng bahay. Ang gaan lng ng pakiramdam kasi feeling mo simpleng tao ka lang. Surely, I'm gonna miss this kind of life.

Sa sumunod na araw, biglang lumapit sa akin si Tatay Tope at tinanong ako kung papayag ba kami ni George na mag trabaho sa resort, para daw mas may pagka-abalahan kami kaysa sa paglalako ng kakanin.

Then I said yes and George agreed too. Though, sana wala na yung mga sumusunod sa'min. Kinabukasan din ay isinama kami ni Tatay sa resort. This place has a nice view of the ocean that I really love the most. Nung mga panahon na nandito kami ay dito ako sa dalampasigan didiretso ang at titingnan ang view ng dagat at nanam-namin ang hangin na hanggang 'di mo na mamalayan ay nakatulog ka na pala.

Ipina-kilala kami ni Tatay sa Manager ng resort at sinabihan kami na magpasa ng Bio-Data at pwede na kaming mag simula bukas. Tamang-tama lang daw dahil marami ang mga guest ngayon sa resort at kailangan nila ng extra na mga trabahante.

Pasasamahan na lang daw kami bukas sa isa sa mga nagtatrabaho dito para I orient kami sa mga dapat na gagawin. Walang kaso sa'min ni George basta ang alam lang namin ay magiging busy kami sa mga susunod na araw.

CELYN MARQUEZATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon