CHAPTER 4

6 1 0
                                        

Celyn

Nagising akong masakit ang buo kung katawan. Hindi ko masyadong maigalaw ang mga binti ko at medyo mahapdi ang sa may gilid ng tiyan ko.

Ano bang nangyari?

And it hit me...we had an accident!!

Bigla akong napabalikwas nang bangon sa hinihigaan ko at kumirot ang sugat ko sa may tiyan. Nilibot ko ang tingin sa paligid at napagtantong nasa isang kuwarto ako.

Kanino to?

Biglang bumukas ang pintuan ng kuwarto at pumasok ang isang matandang babae na sa tansiya ko ay nasa mga 50 na ang edad. Nakangiti niya akong nilapitan at umupo sa upuang nasa gilid lamang ng kama na hindi ko namalayan na meron pala.

"Buti at gising kana ineng, naku! ano ba ang nangyari at naaksidente kayo?"

Sabay hawak niya sa kamay na nagpapahiwatig nang pag-aalala.

"Ahm..asan po yung kasama ko?"

At dahan-dahan akong tumayo. Inalalayan naman niya ako.

"Ah! Oo, nasa baba. Halika at makakain kana para may laman yang tiyan mo. Tatlong araw ka pa namang walang malay."

Sabay kaming bumaba habang inaalalayan ako. Naglakad kami papunta sa may sala nila at duon ko nakita si George na nakaupo at kausap si Mang Tope.

Tumingin sila sa direksyon namin at kaagad na tumayo si george at tumakbo papalapit sa'kin.

"CELYN!!!"

Sigaw niya at niyakap ako nang mahigpit. Buti naman at ligtas din siya. Yumakap din ako pabalik at para akong maiiyak sa sandaling ito.

"Thank God! your awake already. Hindi ko alam ang gagawin pag hindi ka pa nagigising. You've made me worried!!"

"Sorry, kung pinag-alala kita."

She just smile and held my hand. I am so happy that she's safe--my George.

"It's ok, as long as your ok now."

Itinuon ko ang atensyon ko kay Mang Tope ang sa babaeng kasama niya na paniguradong asaw nito. Kung hindi dahil sa kanila baka kung ano na ang nangyari sa'min.

"Maraming salamat po sa pagligtas sa amin. Utang po namin ang buhay namin sa inyo."

Si Mang Tope ang sumagot at sinabing handa raw sila na tulungan kami ni George sa abot nang kanilang makakaya. I never thought na meron pa rin pa lang mabubuting tao sa panahon ngayon. Sana marami pa sila ang ganyan.

Napag-alaman ko rin na Rossy pala ang pangalan ng babae na kasama niya at awasa niya nga talaga ito. Tawagin lang daw namin siyang Manang Rossy.Napaka-bait nito at maasikaso. Sila lang daw dalawa ang magkasama kasi nasa ibang bansa raw ang panganay nilang anak habang nasa Dumaguete naman ang bunso nilang nag-aaral ng kolehiyo.

Ipinaliwanag na rin pala sa kanila ni George kung ano ang dahilan kung bakit kami na aksidente. Tinawag kami ni Manang Rossy para sa pananghalian, tatlong araw na pala akong tulog kaya siguro paggising ko ay subrang hina ng katawan ko at gutom pa.

"Ano na ang gagawin niyo ngayon Celyn, eh sa lagay niyong yan mahihirapan pa kayong makauwi."

Tanong sa'kin ni Manang Rossy. Yun din ang iniisip ko. Anong gagawin namin ngayon, 'coz I'm pretty sure na nandiyan lang sa tabi-tabi ang taong sumusunod sa'min. Pero bago pa ako makasagot naunahan na ako ni George.

"Dito na lang siguro po kami pansamantala. Para na rin po siguro makapag-pagaling pa si Celyn nang mabuti. Tutal nasa bakasyon pa rin naman kami. Tatawagan nalang ho namin yung mga magulang namin."

Sabay abot niya ng kamay ko at hinawakan ito nang mahigpit. Tiningnan niya ako, giving me a smile that it's ok and nothing to worry about. Tumango bilang pagsang-ayon sa sinabi niya at saka tiningnan ang mag-asawa.

"Aba'y kung'yan ang gusto niyo eh, walang problema. Kay'sa naman umalis kayo kaagad na hindi pa kayo magaling."

Pagsang-ayon ni Mang Tope. Wala din namang problema kay Manang Rossy, buti nga raw at may makaka-sama sila dito sa bahay. Nag-suggest din si Manang Rossy na habang nandirito pa kami ay pwede daw namin siyang samahan sa paglalako ng mga kakanin para may mapaglibangan kami. Sumang-ayon kami ruon ni George tutal mukhang matatagalan pa kami dito. Sinabihan din namin sila na ibang pangalan ang sasabihin nila pag may nagtanong kung sino kami.

Sa sumunod na araw tinuruan kami ni Manang Rossy sa paggawa ng kakanin. And I must say, it's very tiring but worth it. Si Mang Tope naman ay nagtatrabaho sa resort kung saan kami nag stay ni George ng dalawang linggo.

Ang sabi ni Manang Rossy ay isa daw ang resort na iyon sa pinaka dinarayo sa lugar. Dahil mas malaki daw ito sa ibang resort na nandirito. Dahil din sa resort na iyon ay napag tapos nila ng pag-aaral ang panganay nilang anak.

Malaki nga raw talaga ang naitulong ng resort na iyon sa kanila. Pagmamay-ari daw iyon ng mga Davis na tinaguriang pinaka-mayamang angkan sa buong Zambales. Hinahangaan at nirerespeto daw ito ng mga tao, lalong-lalo na ang mga taong na tulungan nila at isa na nga raw sina Mang Tope at Manang Rossy duon.

"Mukhang malaki nga talaga ang naitulong sa inyo ng mga Davis."

"Oo, ipinagdarasal ko na hindi sila huminto sa pagtulong sa amin dito. Oh siya, tara na at maglalako pa tayo. Para naman makalibut din kayo sa lugar."

At umalis na nga kaming tatlo. Bit-bit ko ang isang bilao ng Biko habanh kay George naman ay isang bilao din ng cassava cake. Si Manang Rossy naman ay isang tray ng bananaque. This would be my very first time na maglalako, mukhang tama nga siguro si George magiging memorable ang bakasyon na ito.



**********

Author's Note:

I am very sorry sa matagal kung pag-update. Very busy lang po talaga sa school, now that I'm a college student. I hope you understand. I'll try my best na maka update pa talaga.

Just ask or message me for some questions. I would really appreciate it.😊😘

CELYN MARQUEZATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon