Tatlong linggo na rin ang lumipas simula nang magtrabaho kami ni George sa resort. So far, maayos naman kaming nakapag-adjust. Hindi naman mahirap pakisamahan ang ilang empleyado dahil mababait naman sila, pero may mangilan-ngilan din ang hindi. Sa kahit anong uri ng trabaho hindi naman talaga natin maiiwasan na may ilan sa mga katrabaho mo ang hindi ka gusto.
Sa tatlong linggo din na iyon ay marami kaming natutunan. Hindi nga talaga ganon kadali ang trabaho ng isang staff sa isang hotel. I just realize how hardworking they are para lang may makain ang pamilya nila. Lahat din ng mga guest na nakakasalamuha ko ay mababait din maliban lang ngayon.
" My Ghad! Ang bagal niyong magbigay ng order. Tapos ang pangit naman ng lasa at teka, hindi naman ito ang inorder ko ha, how stupid you are!"
"I'm so sorry ma'am, but you've ordered four season drink and that is four season. Also, it is your 3rd time to change your order kaya po medyo natagalan. I am also confuse on what drink you really want to order."
Pangatlong beses na siyang nagpapalit-palit ng order tapos ngayong 4 season na ang inorder ay mali parin? Seriously? Ako ba ang ginagago ng babae na ito?
" Ahhh, so it's my mistake now na mali ang order ko? are you questioning me now that i gave a wrong order?"
Kunti nalang...nagngingit-ngit na ako sa galit sa babaeng ito.
"No ma'am, I am just explaining that you've ordered three drinks already and it seems none of the drinks that you have ordered satisfy you. So could you please identify the exact drink you really want so that I could give it to you already."
Haist, mauubos ang pasensya ko sa babaeng ito. Nandito kami ngayon sa may pool area at napansin kung may mga tao naring nakapalibot sa amin--sa lakas ba naman ng boses ng babaeng ito.
" Are you saying na it is my mistake? Oh my ghad how dare you to say that to me!"
" No ma'am I just want to-"
"What's happening here?"
Nahinto kaming dalawa sa pag didiskusyon nang may magsalita. There, stood a man wearing plain white V-neck t-shirt and blue beach short. His not-so-tan skin glows because of the sun's reflection and his eyes that reflects the ocean that was so deep and hard to swim with. Also, his dark brown coloured hair—inviting you to touch.
Naglakad siya papalapit sa amin and stop right enough distance to see him. I could tell his a six footer.
"Again, what's happening here?"
At bago pa ako makapag salita ay naunahan ako nung babae. Hindi talaga papaawat ang isang ito.
" This girl here is commanding me without respect. She even gave me an awful drink!"
"Is that true Miss?"
Sabay tingin niya sa'kin. Those blue eyes—so beautiful. Tiningnan ko rin siya at ang babaeng naghihimutok, hindi ako pwedeng maagrabiyado dito. Nasa tama ako kaya I'll stand on it. Kaya nakipag-titigan ulit ako sa babae.
"No, ilang ulit na siyang nag order at sinasabi niyang mali daw iyon, eh yon ang sinabi niya eh! Also, I'm asking it to her in a polite way, siya lang tong hindi paawat. All you have to do is to decide which drink you really like but you keep on insisting to change. Hindi mo ba alam na hindi lang ikaw ang customer dito so please wag kang perwisyo!!"
I burst out, nakaka-panggigil talaga. My patience is not that long so she better stop whining or else hindi ko talaga siya titigilan. Bago paman siya makapagsalita biglang dumating si Manager Gale with a pale face. Tiningnan niya yung lalakeng nasa harap namin at kita ko kung pa'no lumaki ang kanyang mga mata na para bang gulat na gulat.
"Si-Sir Hendrick! "
Sir? He must be the owner.
" Fix this mess and report to me after. I don't want any problems while I am here."
Bilin niya bago umalis at si Manager Gale na nga ang umayos ng problema. Buti nalang tumino ang isip ng babaeng guest at napakiusapan yun nga lang tudo irap sa akin. Pake ko naman sa kanya--hindi niya ako masisindak!
Nang makauwi na kami ay hindi mawaglit sa isip ko ang itsura ng lalake kanina and I must say he is really handsome . He could be a model of CK. Basta, hindi ko mapigilan na hindi siya isipin eh, their's something on him I can't point out. Well lets see, total matagal-tagal pa naman kaming mananatili sa lugar na ito kaya marami pang oras para makita at makilala siya.
Hendrick...who are you?
BINABASA MO ANG
CELYN MARQUEZA
General Fiction"Oh my God Celyn, drive faster!" "I know! That's what I'm doing." I don't know why they are following us, but I'm pretty sure they want us. Maybe, to kidnapped us and call our parents for a ransom money. For the past years hindi mawalawala ang ganit...