Mataas ang sikat ng araw. Tumunog ang kanyang sikmura dahilan para magising siya sa mahimbing na pagkakatulog.
Maingay ang labas ng bawat kabahayan. Agad siyang nakahanap ng mauupahang bahay sa dakong kamaynilaan. Isang gusaling tila'y hindi pa tapos ngunit ginawa na lamang paupahang bahay.
Pagkatapos niyang kumain ng simpling agahan. Naghanda siya para sa pagpasok sa bago nitong trabaho.
Sa tulong ng isang baguhang kaibigan ay nakapaghanap agad siya ng matinong trabaho.
Nagtratrabaho siya bilang isang baguhang crew ng restaurant. May kaliitan ang suweldo pero ayos narin ito para sa kanya, ang importante may pinagkukunan siya ng hanapbuhay.
Ito ang kanyang unang araw sa trabaho. Nakasuot na sila ng kanilang uniporme bago tuluyang lumabas at magbukas ang kanilang pinagtratrabahuan.
Hanggang sumapit ang gabi ay may mga taong doon mas piniling maghapunan.
Pabalik balik ang lahat ng mga empleado para magsilbi sa kanilang mga costumers. Inilapag niya ang dalawang pagkain sa harap ng mag-asawang matanda. Bago siya tuluyang umalis inilibot niya ang kanyang paningin sa loob ng pinagtratrabahuang restaurant.
A familiar figure that caught her attention. It's just a meters away from her. Hindi siya pwedeng magkamali, ito ang lalaking kanyang tinakasan, ang kanyang asawa. Ilang minuto ang kanyang itinagal bago niya alisin ang titig nito na nangingilatis. He is here, alone.
Mabilis siyang kumilos at muling bumalik sa trabaho. Nagpanggap siyang hindi niya ito nakita.
Habang hinihintay ni Czack ang kaniyang order ay inilibot niya ang kanyang paningin sa loob ng restaurant. Maraming tao ang naroon, karamihan ay may mga kasamang kumakain. Iilan lamang ang wala tulad niya.
Dumapo ang kanyang paningin sa isang babaeng crew ng restaurant na pabalik-balik na nagseserbe sa mga kostumer. Isang babaing may ka-eksian ang buhok aabot hanggang balikat nito at may makinis na balat mula sa ibaba dahil sa suot nitong skirt.
Hindi niya pa gaanong nakikita ang babae pero bigla nalang bumilis ang tibok na kanyang puso. Tibok na para bang katatapos lang niya tumakbo sa mahabang karera.
Unti-unting papalapit ang dalaga sa may hindi kalayuang upuan mula sa kanya. Inilapag niya ang dalang pagkain sa harap ng mag-asawang matanda. Kung kanina ay parang pamilyar sa kanya ang bulto ng babae. Ngayon ay masasabi niyang ito na nga babaeng minsan na niyang naging asawa.
Pinutol niya ang tingin dahil parang igigiya naman nito ang kanyang mga mata sa loob ng restaurant, at hindi naman siya nagkamali. Kahit nakababa ang kanyang mga tingin at nasa pagkain ang kanyang pansin, ang kanyang mga mata naman ay nakapukos sa dating asawa.
Ramdam niya na nakatingin sa kanya ang dalaga. Bahagya siyang napangisi dahil bakas ang gulat nito. Sino ba namang mag-aakalang pagkalipas ng isang taon ay muli silang magkikita sa ganitong lugar. Kung sabihin niyang hindi maganda ang dating asawa, ay nag sisinungaling siya. Mas naging maganda ito ngayon kesa ng dati.
Mabilis na naglakad pabalik ang dati nitong asawa sa counter na siyang sinundan naman ng kanyang mga titig.
Hindi matatapos ang gabing ito ng hindi tayo naghaharap.
Iyon ang sambit ni Czack sa hangin. Hindi siya makakapayag na palampasin ang gabing ito.
Hinanap ni Serin ang dating asawa sa kinauupuan nito kung saan niya ito nakita ngunit wala na doon ang hinanap ng kanyang mga mata. Mata nga lang ba? O pati ang puso niya?
She felt relieved about that at the same time disappointed, hoping that Czack was still there waiting for her. Mali pala, hindi na siya nitong pwedeng hintayin pa dahil hindi na sila. Hindi tulad ng dati. She left.
Kanina pa siya hindi mapalagay ng maayos pati trabaho niya ay naaapektuhan na rin dahil sa palagi niyang pag-iwas sa asawa.
Kahit wala naman iyon doon. Hindi parin siya panatag, baka nasa labas at sinusubay bayan lang ang kanyang mga galaw.
Pero hindi niya nga ulit nakita. Paulit ulit na debate ng kanyang isipan.
"Ohhhh." pagpakawala niya ng hangin.
"Sana hindi niya ako nakita."
Munting sambit ni Serin habang inaayos ang sarili dahil tapos na ang kanilang trabaho. Ang hindi nga talaga alam ng dating asawa ay nakita siya nito at hinayaan lamang ni Czack dahil hindi iyon ang nasa plano niya.
Isang mobil ng mga pulis ang pumarada sa harap ng kanilang pinagtratrabahuang restaurant. Hindi buo ang pagkakasara ng pangunahing pinto at may naka-antabay paring isang guwardiya roon.
"Good evening po sir." panimula ng isang pulis.
"Magandang gabi rin naman mga sir, ano po ba ang maipaglilingkod ko sa inyo?" pahayag ng guwardiya.
"May kailangan lang kami sa loob. May nakapagsabi kasing narito daw ang babaing hinahanap namin"
Nag-atubili namang pinapasok ng guwardiya ang mga pulis sa loob ng restaurant. Wala ng mga kostomer, tanging iilang mga empleado na lang ang naroon at abala sa paglilinis.
Lumapit ang mga pulis sa nagkukumpulang mga trabahador.
"Hinanap namin si Mrs. Serin Cavallo ?" ma-awtoridad na pahayag ng pulis.
Nagbulong-bulong naman ang lahat at tilay kilala naman ng iilan ang hinahanap ng mga pulis. Sa ilang saglit ay lumabas si Serin buhat sa locker room nila dahil sa kakaibang pangyayari at upang maki-usisa na rin. Wala siyang kaalam alam na siya na pala ang hinanap ng mga ito.
"Siya po yung hinanap niyo." pagsuplong ng isa niyang kasamahan. Labis ang pagkagulat ng dalaga sa mga pangyayari. Muli niyang inalaala kung meron siyang nagawang labag sa batas pero ni isa walang sumagi sa kanyang isipan.
"Inaanyahahan ka namin Mrs. Cavallo sa presento para harapin ang taong nagrereklamo sayo."
"Ano po ba ang ginawa ko." magalang niyang tanong sa mga opisyal ng pulisya.
"Sa presento nalang po natin ito pag-usapan, nandoon rin ang nagrereklamo sayo."
Wala siyang nagawa kundi ang sumunod nalang sa mga pulis. Isinakay siya sa mobil ng mga ito. Labis ang kanyang kaba dahil sa hindi mawaring puno't dulo nito.
Bumaba sila ng sasakyan at agad na pumasok ng presento. Naging malikot ang kanyang mga mata sa loob ng pulisya. Pilit niyang hinahanap ang taong nagrereklamo sa kanya sa hindi niya malamang kadahilanan. Ngunit wala siyang nakita roon, tanging mga pulis na may kaharap na mga kliyente ang naroon at pilit na pinag-aayos ang mga kani-kanilang mga gusot.
"Maupo ka muna." alok ng isang pulis sa kanya sa kaharap na bakanteng upuan.
Umupo siya habang may bantang panginginig ang kanyang katawan.
"Nasaan na ba yung nagrereklamo sa akin para naman ay maka-alis na ako rito. Maaga pa ang trabaho ko bukas." inip niyang tanong sa pulis.
Hindi siya kinausap ng mga ito. Nag-usap ang dalawang pulis bago siya kinibo.
"Hintayin lang natin Mrs. Umalis lang daw kasi yung lalaki pero babalik na yun."
Lalaki. Sino namang lalaki ang gusto siyang ireklamo.
To be continued...
BINABASA MO ANG
Debt To A Billionaire
RandomSerin Sanchez met a self-made billionaire in town, because of her charisma Czack Cavallo obsessed on her. Their first encounter made them to their lustful desire. Czack was mentally retarded to Serin and Serin took that opportunity to be with Czack...