"Good morning po." panimulang bati ni Serin sa ginang. Medyo nanginginig ang kanyang boses pati rin ang kanyang katawan.
Umaasa siyang mabuti parin ang pakikitungo sa kanya ng ginang, kung paano siya nito e–nentertain tulad 'nung una nilang pagkikita. Nakatingin sa kanya si Mrs. Cavallo ng seryoso at parang sinusuyod ang kanyang kabuoan.
"Is that really you my darling?"
Kung gulat na gulat ang Ina ng kanyang asawa dahil sa kanyang pagbabalik, siya naman ay gulat na gulat rin sa naging reaksiyon nito.
"Ako nga po ito Mrs. Cavallo."
"Tuloy po kayo." binuksan niya ng tuluyan ang pintuan para maluwag na makapasok ang ginang. Tumuloy ito sa sala at doon na upo.
Sumunod naman siya sa salas para kausapin ang ginang. Ayaw naman niyang magmukhang bastos kapag iwan niya lang itong mag-isa.
"Kamusta kana matagal tagal rin tayong hindi nagkita huh. Buti't nakabalik kana."
"Ahh. Opo... Pasensya na po kung umalis ako ng hindi nagpapa-alam sana po ay patawarin niyo ako at sa nagawa ko sa anak n---."
"Don't say sorry darling, Ang mahalaga ay nakasama mo 'yung mga magulang mo."
Biglang nag-iba ang reaksiyon ni Serin ngunit hindi niya ito pinahalata.
"Ano hung ibig niyong sabihin Mrs. Cavallo." puno ng kuryusisad ang kanyang boses.
"Ano kaba dapat mommy na ang tawag mo sa akin. Tsaka na sabi sa akin nitong si Czack na umuwi ka daw sa inyo kasi inatake ng high blood ang tatay mo, and he explained to me also kaya hindi sila nakarating sa kasal niyo kasi nga may iniindang karamdaman."
Hindi parin sumasagap ang lahat ng kanyang narinig. On the process.
"Sayang nga eh! at hindi ko nakilala ang mga magulang mo. I also got mad to Czack nung nalaman kung hindi ka niya sinamahan sa inyo pag-uwi. Pero ikaw na daw ang nagsabing huwag na. Kaya okay narin."
"Ahh. Oo-hho. Pasensya na po kung umabot pa ng isang taon bago ako makabalik." buong puso niyang paghingi ng kapatawaran.
"Isang taon ba? Parang kailangan lang naman yun. Nga pala kamusta na ang tatay mo?"
"Patay na po. Matagal na." sa pag–aakalang ang tinutukoy na matagal ay nitong isang taon lang kaya napa-oo niya ang ginang at hindi na muling nag-usisa pa.
"Wala ho dito si Czack, Mo---mmy." nahihiya pa siyang banggitin ang salitang mommy. Sa kapal ba naman ng kanyang mukha ay nagawa pa niya itong tawaging mommy.
Pero lubos niyang ikinabahala ang mga pagtatanggol sa kanya ni Czack. Lahat ng naging excuses niya sa Ina ay lahat kapani-paniwala. Napabilib siya kahit paano dahil sa kakaibang galing ng binata sa paghahabi ng mga kuwento.
Ngunit ramdam naman niyang parang hinatulan siya ng habang buhay na pagkabilango at multang aabot sa sampung milyong piso dahil sa ginawa ng asawa para sa kanya.
But above all, gusto rin niyang malaman kung bakit ito ang sinabi ng asawa sa ginang. Imbis na isiwalat ang katotohanan na isa siyang mandurugas at magnanakaw.
"Ahh. Oo.. kaya nga ako bumusita dito kasi balak ko sanang surpresahin sa pamamaraang linisan ang buo niyang kabahayan pero ako ata ang na surprise dahil nandito kana pala."
"matagal na po akong nakabalik."
"Kaya pala hindi na dumadalaw sa akin yung batang 'yun. Tsaka hindi man lang nagsabi na nakarating kana pala."
Bahagya na lamang siya napatawa dahil sa nalaman. Sabik talaga ang ginang sa magkaroon ng anak na babae kaya siya itong mapalad na maging manugang niya ang ginang. Pero kabaliktaran naman ito sa ginang, hindi sila mapalad na meron sa kanilang pamilya ang hindi tapat sa asawa. At siya yun. She already admitted it.
"Kumain kana ba?" Malapit ng mananghalian. " muling tanong ng ginang. Nagpunta ito sa kusina at nagtingin tingin sa kung may nakahain na siguro.
"Naku! mommy pasensya na hindi pa kasi ako nakapaghain ng pananghalian akala ko kasi ako lang ang kakakain ngayon."
"Tamang tama aayain kita sa labas doon na tayo mananghalian.
Hindi na niya tinanggihan ang alok ng ginang. Mabilis pa sa alas kwatro ang pag-akyat niya sa taas para makapagbihis. Ayaw rin niyang may masabi pa ang ginang dahil sa kabagalan niya. Ang iba kasi ay sasabihing ang tagal mag-ayos eh may asawa naman.
Lumabas siya ng bahay at andoon naghihintay ang ginang sa loob ng sasakyang nakaparada na mismo sa kalsada sa harap ng kanilang bahay. Dali dali siyang sumakay at agad namang umalis ang sasakyan.
Pagkatapos nilang kumain ay nag-ayang muli ang ginang sa mall para daw magkaroon naman sila ng mahabang bonding at dahil sa wala naman siyang ginagawa sa bahay at matagal na niyang gustong gumala para naman makapag libang ng kahit minsan kaya pumayag na siya.
Naging mahaba haba rin ang kanilang napag-usapan kasama ang ginang. Hindi na niya sinabi ang totoong nangyari, na ang lahat ng kanyang nalaman ay tanging kasinungalingan lamang at ito'y isang kwentong hinabi ng may masusing pag-iingat ng kanyang sariling anak.
"Dumalaw po sa bahay niyo ang mommy niyo Mr. Cavallo. Kasama ang asawa niyo umalis sila ng bahay. Kumain sila sa labas at nagmall. Mukhang okay naman sila."
Naagaw ang kanyang atensiyon sa nakapatong niyang telepono sa mesa. He read the message from one of his people . Inaasahan naman niyang isang araw ay talagang magtatagpung muli ang landas ng kanyang ina at kanyang asawa. He knows his mother very well. Madali lang itong pakisamahan.
Mas pinili niyang huwag sabihin ang katotohan ng pag-alis ng asawa sa Ina niya dahil ayaw niyang malungkot ito ng bahagya.
Dahil nasa oras pa siya ng komperensya sa Texas, agad niyang pinatay ang telepono at nagfocus sa isang speaker roon.
Sa mga sumunod pang mga araw ay hindi na muling bumisita ang Ina ng kanyang asawa. Kampanti siyang naging mas mabuti na ang kanilang samahan. Muling naibalik na ito tulad ng dati makalipas ang isang taon.
Ngayong araw na ang balik ni Czack ng bansa. Pero hindi niya alam kung anong oras ito makaka-uwi. Ngayon araw rin ang huli niyang check up sa buwang ito. Kikitain niya muna si Dra. Castillo para muling suriin ang kanyang kalagayan.
She left the house early para sakaling hindi siya maabutan sa labas ng asawa bago pa ito makauwi.
To be continued...
BINABASA MO ANG
Debt To A Billionaire
RandomSerin Sanchez met a self-made billionaire in town, because of her charisma Czack Cavallo obsessed on her. Their first encounter made them to their lustful desire. Czack was mentally retarded to Serin and Serin took that opportunity to be with Czack...