CHAPTER 5
PEPSI'S POV
"ANO itong nababalitaan ko na naubos daw yung baon mo dahil lang sa kakabili mo ng pulbo?"
Kahit nasa kabilang linya ng telepono ay mafe-feel ko yung pag meet ng makakapal na kilay ng kuya kong si Sprite Lhouie.
"Kuya naman, naniniwala ka ba kay lola? If I know, siya 'din yung nakakaubos non kasi minsan ay pinagkakamalan niya itong asin." sabi ko nalang habang nag me-makeup- este pulbo at nag-aayos ako ng school uniform using my other hand. Parang nasany na ako sa sarap ng feeling ng pagkapit ng pulbo sa'kin after ko maglagay ng foundation.
"Ikaw talagang bata ka. Pangit ka na nga, mas pinapapangit mo pa yung mukha mo. Di ko alam kung anong trip mo sa buhay."
"Wow kuya, pakyu ka ha? Makalait eh, mala Enrique Gil 'yung mukha."
Actually, kamukha nga nya si Enrique. Payat nga lang at mas matangkad.
"Pepsi Marie! tigilan mo nga yang pakyu-pakyu mo na yan! 'Di magandang pakinggan galling sa isang babae." Menopausal ba si kuya? He badly needs a girldfriend na talaga.
"Opo kuya Sprite Lhouie! Pero may tanong ako." I bit my lip to stop myself from giggling.
"ANO!"
Whoah! Para naman akong tatangayin sa boses niya. Abot hanggang dito yung talsik ng laway niya. Ang sarap niya talagang asarin.
"Pag palagi ba akong nagsasabi ng pakyu, pakgirl na ba ako?"tumahimik yung kabilang linya. Ramdam ko ang paglabas ng usok mula sa ilong niya. Napabungisngis na lang ako and decided to stop making asar asr to him. Mahirap na at baka di ako mabigyan ng allowance, at maglilintaya na naman ito ng pagkahaba-haba about teenage pregnancy and HIV at lahat ng may connect sa pre-marital sex.
"Joke lang, kuya. Ang gwapo mo po talaga! Artistahin! Hollywood star! Woo!"
"Anong kailangan mo Pepsi Marie?" See? Alam na alam niya talaga pag may kailangan ako.
"May project nga po pala kami next week sa Finance ha? 1500 pesos yung share. Paki dagdag nalang sa allowance ko. Thank you! Ingat ka palagi dyan pogi, labyu!"
Pinutol ko na ang Viber call bago pa s'ya makatanggi. Haayy! Pag makapagtrabaho na ako, babawi talaga ako ng bongang-bonga kay kuya.
I looked at myself in the mirror. Mukhang ang sexy masyado ng outfit ko. Black skinny jeans at black long sleeve shirt na may drawing na pusa sa gitna. As usual ay magulo ang mahaba at itim ang buhok ko. Siguro ay nagtataka kayo kung ano ang sexy doon? It's the jeans the. Bihira ako mag jeans kasi ayaw kong pagpantasyahan ng mga lalaki ynug magandang hubog ng puwet at legs ko. At hindi ako kompotable pag masyado akong pinagpapapansin. I'm more comfortable at being a wallflower.
Pero bakit mo isinuot ngayon Pepsi? May pinapagandahan ka ba? Hayy nako!
Napatigil ako sa tanong ng bwisit kong subconscious. Sa totoo lang, hindi ko alam feel ko lang.
"Apo! Ano ba ang nangyayari sa'yo at sinisigawan mo ang salamin? Anong kasalanan si iyo, Ineng? Di ka pa ba malelate?"
Napatingin ako sa lola kong mabagal na lumalapit sa akin gamit ang baston nito. Parang maabutan ata ako ng 19 years and 69 days bago pa siya makalapit sa akin kaya ako lang mismo yung lumapit sa kanya para halikan siya sa pisngi at magpaalam.
Nang marating ko ang school ay bumilis na naman ang pantig ng puso ko. Parang ngayon lang ata nangyari sa'kin to. I don't know why I'm kind of excited na nervous na ewan. At parang may hinahanap ang mga mata ko. In the midst of all the students scatteredaround, natatanaw ko si Jace na masayang nakikipagkwentuhan kasama ang popular circle niya malapit sa etrance ng building naming. Si Angel ay nakayakap sa katawan niya habang nakikinig silang dalawa on whatever Zeus is talking about, samantalang si Marcus ay parang kinikilig na may kausap sa phone na ito.
YOU ARE READING
The Witch and The Playboy
FantasyJace Snyder. The most popular guy at St. Patrick's University. He is the ultimate playboy who doesn't believe in love. He just wants to have some fun and feed his ego. Lahat na 'ata ng klase ng babae ay nagging girlfriend na niya. Mapa - good girl...