Kabanata 5
I GOT IN! I got in!
Oh my God!
"Kikay! Nakapasok ako!" I screamed at the top of my lungs.
"Huh? Saan?" Nagulat siya sa biglang sigaw ko at nilingon ako.
Hindi pa maapuhap ang paghinga ko nang ipakita ko sa kanya ang phone. Her eyes widened as she read the email.
"I got the scholarship, Kikay!" I exclaimed excitedly and smacked her back.
Naubo siya, pumasok ang soft drink sa ilong at parang nanilaukan pa! I panicked.
"S-Sorry!" I exclaimed.
'Di matigil ang ubo niya at no'ng pagkalma niya lang ay saka kami napabughalit ng tawa sa nangyari.
"Congrats, Sera!" she beamed.
Smiling despite tears in my eyes, nagyakapan kami. I still couldn't believe the email! I got in! Makakabalik na ako sa pag-aaral!
"Sabi ko sa 'yo makukuha mo 'yan, eh!" she said with a grin.
Nothing could ruin my mood today. Lumulutang lang ako sa saya. My long-awaited prayer was heard!
I promised myself I'd study hard so that when I graduate, I could finally afford medical treatment for Miggy and Tatay. Kapag magaling na sila, makakapag-ipon na rin ako para sa maraming bagay! I will get to buy a proper bed for my brother para 'di na masakit ang likod niya, 'di na uutang kay Aling Kipay, pampagawa ng bahay, makakabili ng lupa at malay mo'y matupad pa ang pangarap kong mansyon with indoor pool!
I'll work hard so my delusions won't stay as one! I'll make it come true!
"Ma'am?" Napatalon ako sa gulat nang lumitaw ang parang kabuteng si Lando no'ng papauwi na ako.
"Lando! Nakakagulat ka naman!"
He chuckled awkwardly, scratching his nape. "Pinasasabi po ni Engineer na pumunta na raw po kayo sa opisina," he said.
I almost slapped my forehead when I remembered that I had to go to Rai's office to sign the contract. "Sorry, I got so busy." I sighed. "Pasabi na lang kay Daddy na baka bukas—"
"Ano po?" Lando's eyes widened in surprise.
Shit...
"Uh, I mean...Pasabi kay Engineer na bukas na lang."
"Kung hindi ka raw po pupunta ngayon, susunduin ka na niya dito."
Aba, ayaw patalo talaga!
I chuckled, shaking my head. "Alright, sige, mamaya. Sabihin mo, grabe naman niya ako ma-miss! Makikita pa naman niya ako!"
"Si Ma'am talaga!" He laughed.
"Gano'n talaga kapag sobrang ganda, Lando," I joked, giggling. "Nabibighani na si Engineer."
By the time I reached our house, Lando had already vanished. I don't know where he went, para kasing kabute 'yon—basta-basta na lang lumilitaw.
Napawi nga lang ang ngiti ko nang makita ang kalat sa lapag ng bahay pagkapasok ko.
Expectantly, I saw Nanay with her friends again. Naninigarilyo at nag-iinuman.
Ngayon na nga lang umuwi, ganito pa.
I glanced at the clock and sighed in relief, realizing Miggy wouldn't be home until later in the afternoon. At least he wouldn't have to see the house like this.
"O, Divina, nandito na ang sexy mong anak!" A man with tattoos whistled, stopping me.
"Tangina mo, hindi ko 'yan anak," Nanay said coldly. Naramdaman ko ang hapdi sa dibdib pero 'di pa ba ako sanay doon?
BINABASA MO ANG
Dancing With Fire (TO BE PUBLISHED)
General Fiction[REVISED EDITION, 2026] Lost Island Series #4: Dancing With Fire "A love that risked everything, knowing it might leave ashes behind, yet choosing to burn anyway." Money. For Serafine Veronica Mendez, money is everything. A self-proclaimed rich ki...
