Kabanata 29

253K 8.4K 6K
                                        

Kabanata 29

NAKAPAMAYWANG AKO HABANG nakatingin sa limang lalaki sa harapan ko.

Buti na lang, tulog na si Migs. Si Nanay ay nasa kwarto na rin kaya makakausap ang lima.

Kanina ko pa sila hinila palabas ng barangay hall. Ayaw sanang pumayag ni Intoy, pero nakiusap akong ako na ang bahala kaya hinayaan na lang niya ako.

"Bakit gabi kayo nandito?" tanong ko.

Tahimik ang lima. Si Caspian ay nakangiti pa rin, samantalang sina War, Warren, at Wave ay nananahimik.

"Susuyo lang, eh," ungol ni Miranda, nakanguso.

"Talagang dinamay mo pa ang mga pinsan mo?" taas-kilay kong sabi.

"H-Hindi..." Isang tingin ko lang ay natahimik din siya.

"May curfew dito sa amin kaya bawal tumambay sa labas ng ganitong oras." Tumingin ako sa orasan. "It's two in the morning. Sinong nakaisip na mangharana ng ala-una?"

Kaagad na nagsituruan ang magpipinsan kay Rai.

"It's not romantic to serenade when the sun is still out—"

"Ano? Bakit hindi? Hindi mo ba naisip na tulog na ako?" singhal ko.

"Sorry..." Ngumuso siya.

"At bakit nadamay pa ang mga pinsan mo sa kalokohan mo?"

"They were at fault, too!" Turo niya kay Caspian. "Birthday ni Riu no'n—"

"Hoy, huwag mong idamay anak ko," singhal ni Caspian bago tumingin sa akin. "Inosente 'ko, Sera. Si Vioxx na lang ang awayin mo, nadawit lang kami! Hostage!"

I sighed.

"Sorry na..." alo ni Rai. "Nilasing kasi nila ako. Hindi ko rin na-send ang message ko kasi nakatulog na ako sa upuan."

"War..." tawag ko, sabay na tumingin sa akin sina Warren at Warrion kaya napatigil ako.

"I'm War," ani Warrion, nakasimangot habang nakatitig kay Warren na nakangisi.

"I'm War, too," sagot ni Warren.

"I'm War!" singhal ni Warrion. "Win calls me that, kaya ako si War!"

"War din tawag sa akin ni Win." Nakangisi si Warren.

"Winter! Ako lang ang p'wedeng tumawag ng Win sa asawa ko," giit ni Warrion.

Nagtagisan sila ng tingin, habang tumatawa na sina Caspian at Wave sa bangayan ng dalawa. Si Rai naman ay nananatiling nakasimangot, nakatitig sa akin.

"Ako rin—"

"Gusto mong pasabugin kita—"

"Enough, tama na." Pinatigil ko silang dalawa. "I was actually referring to Warrion."

"See?" singhal ni Warrion, saka ngumisi. "Ako si War, tangina mo."

"Alright, my darling," biglang asar ni Warren. Nanlaki ang mata ko nang yakapin niya ang baywang ni Warrion at ipatong ang ulo sa balikat nito. "If you say so. Alam mo namang sa 'yo lang ako kakalampag..."

"What—fuck! Get off!" sigaw ni Warrion, habang tumatawa si Caspian, kinukuhanan pa ng video ang dalawa.

Pakiramdam ko daycare teacher ako sa mga batang pasaway! Nang kumalma na ang dalawa, nagsalita na 'ko.

"Ano'ng oras nag-start ang party ni Riu?"

"Eight, Sera," sagot ni Caspian.

Tumango ako, saka tumingin nang may pagdududa kay Rai na naka-pout pa rin, naka-cross arms.

Dancing With Fire (TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon