Kabanata 16

184K 6.7K 3.6K
                                        

Kabanata 16

"HINDI MO 'YON kawalan, Sera," alo ni Kikay.

"I just thought there was something between us," bulong ko.

Huminga ako nang malalim, pilit na hinahawi ang mga luha.

"Don't cry, he doesn't deserve your tears." She embraced me. I hugged her back and sniffled.

"G-Galing mo mag-advice," I tried to joke and pulled away.

"Hayop ka, Serafine." Natawa siya kahit ang mata'y naluluha na rin. "Napapa-English tuloy ako! Shit, dudugo na 'yong ilong ko! Makapag-Tagalog na nga lang!"

Umiling ako at niyakap siya pabalik. She held me quietly, comforting me.

"Huwag kang papaapekto. Huwag kang iiyak sa ganyang klaseng lalaki," she said firmly.

I nodded, biting my lip.

"I-I'm Serafine Mendez, sino ba siya?" I murmured, trying to sound brave. "He's nothing, too."

"Tama!" she exclaimed. "Tama 'yan, Sera. Ikaw pa ba?"

"I'm strong... sino ba siya, ha? He's just a stupid, ugly piece of shit." I gritted my teeth.

"Ugly... sure ka, 'te?" ani Kikay sabay silip sa akin.

Kumunot ang noo ko, tinulak ko ang noo niya, kaya humalakhak siya.

"Joke lang, Sera. Kung pangit siya, e 'di pangit! Aanhin mo ang kagwapuhan kung manloloko, 'di ba?"

Tumango ako at natahimik.

"Ano'ng balak mo? Mag-quit ka ba sa internship? Aalis sa firm?" Kikay asked.

"Hindi." I shrugged, already thinking it through. "Bakit ako aalis?"

"Kasi nasaktan ka?" takang tanong niya.

Umiling ako, binasa ang labi ko.

"Hindi ako aalis dahil hindi siya ang pinunta ko ro'n, Kikay," I murmured. "Bago pa siya dumating sa buhay ko, gusto ko nang maging Engineer. May pangarap na ako bago pa siya. If he hurt me, it doesn't mean my dreams will end with him."

Her mouth formed an O, then she clapped.

"Miss Universe!" she exclaimed. I smiled, shaking my head.

"I'm just being practical. Kung aalis ako, saan ako mag-iintern? An internship at his company will make a big difference in my credentials. Kapag naka-graduate ako, magkakaroon ako ng magagandang offer. Makakatulong 'yon para sa akin, para sa pamilya ko. Ano ngayon kung sinaktan niya ako? Hindi ako papayag na masaktan no'n ang pangarap ko."

"E, paano mo siya pakikitunguhan?" she asked curiously. "Like normal?"

"I don't think I can act normal with him around, Kikay," I confessed. "Hindi ko kayang pakisamahan siya kagaya ng dati."

"So... anong gagawin mo?"

I let out a sigh. "Act casual, like how an intern treats her boss. Bahala siyang mag-isip kung anong problema sa akin. Wala akong pakialam sa kanya."

"At ang card na binigay niya sa 'yo?" she raised her brow.

"Gagamitin ko. Akin 'yon," tuso kong sagot. "It has my name there, so I have the right to take it."

Ngumisi siya at siniko ako.

"Tama! Ganyan ang Sera na kilala ko, palaban!" she laughed.

"Kung tuso siya, mas tuso ako. He fooled me, and I'll fool him too. Ano ngayon kung gastusin ko? I'm a gold digger anyway." Sarkastiko at tuso kong sinabi.

Dancing With Fire (TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon