Kabanata 17

200K 7.4K 3.8K
                                        

Kabanata 17

"KUMUSTA ANG INTERNSHIP, anak?" ani Tatay nang makasabaya ko siya isang agahan.

Nakaalis na sina Miggy para pumasok, at iyon din ang pagdating ni Tatay matapos kumpunihin ang jeep.

"Ayos lang po," tipid kong sagot, hindi rin sigurado paano siya pakikitunguhan.

Natigilan lang ako nang mapansin kong kakaiba ang kanyang paghinga at nang nilingon ko'y humawak siya sa dibdib at bahagyang ipinikit ang mata.

"'Tay..." I called worriedly. "Umiinom ka naman ng gamot mo, 'di ba?"

He opened his eyes and forced a smile.

"Oo, anak." He nodded. "Ang dami ko ngang supply, salamat. Paano ka nakakakuha ng pambayad?"

Sa black card ko, I wanted to say, but I didn't.

"Hayaan mo na, ang importante ay maging maayos ka. Saka kailangan nating pumunta sa doktor para mapa-check-up ka. No'ng nakaraan pa ako nagsasabi sa 'yo, 'di ba?"

"Hindi, anak. Huwag mo 'kong isipin. Ayos ako. Sa halip na pang check-up, mag-focus na lang tayo kay Miggy. Dagdag din iyon sa pang-maintenance niya," dahilan pa niya.

I sighed. Kahit ano atang sabihin ko, hindi makikinig si Tatay.

"Nasa mga Miranda ka pa rin ba?" Dagdag niya kaya tumitig ako't tumango.

"Opo."

"Wala bang ibang firm d'yan, anak? Alam mo, may mga kilala ako at gusto ka nilang kunin."

"Ayos lang ako, 'Tay." I stared at him, noticing his discomfort. "Maganda ang kompanyang 'yon, at magiging maganda rin sa credentials ko kung sakali."

"Ang... mga tao roon? Kumusta naman? M-May sinasabi ba sila?" He asked. I can't but notice the spike of discomfort in his voice.

"Wala naman," I said, staring at him. "Mayro'n po ba dapat?"

"W-Wala naman." He cleared his throat. "Bakit hindi ka na lang umalis, anak?"

"'Tay..." I held his gaze. "Iniisip ko ang credentials. Maganda iyon para sa resume ko kapag nakatapos ako."

"P-Pero, hija, marami ring magagandang firm. Ako, tutulungan kita—"

"Bakit, parang takot na takot ka, 'Tay? May tinataguan ka ba?" Hindi ko na napigilan ang magtanong. He sighed and looked away. "'Tay."

"Umalis ka lang sa firm na iyon, Sera." Sa halip ay sagot niya, ipinipikit ang mata.

"Bakit po?"

"Basta," he insisted, glancing at me again. "Hindi maganda ang firm na 'yon—"

"May pinagtataguan ba kayo, 'Tay?" I asked again. I noticed his breath quickening and when he looked at me, I knew he was defensive.

"Ano'ng sinasabi mo—"

"A-Are you... involved in the death of Akisha Santos?" Kompronta ko sa kabila ng panginginig ng boses.

Deep inside, I wanted him to deny but when his mouth parted and tears fell, it confirmed everything I was terrified about. Nahulog ang puso ko.

"S-Sorry..." With that confirmation, I failed to stop the tears any longer. Kumawala na iyon,

"W-Why..." I whispered. "Bakit, 'Tay? Bakit?"

"H-Hindi ko ginusto... w-wala na akong naisip na paraan," he cried.

Still stunned, I watched him. My tears fell harder as he sobbed and slowly took my hand on the table.

Dancing With Fire (TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon