Kabanata 2
"MAGLA-LIE LOW ka muna?" Ma'am Asunta asked when I came to meet her after my shift.
"Papasok pa rin ako, Ma'am," I answered with a smile. "Kapag naaprubahan na po ang scholarship ko sa university sa bayan saka pa lang ako magla-lie low."
She smiled and nodded. "No worries, Sera. Alam ko namang matagal mo nang gustong ipagpatuloy ang pag-aaral mo."
"Opo. Sayang po kasi, isang taon na lang at matatapos na ako. Matagal nang gusto iyong ipagpatuloy, kaso may ibang priorities pa."
Tinapik niya ang likod ko. "Balitaan mo ako, ha? Gustong-gusto ko talaga ang pagiging positibo mo at responsable para sa pamilya mo."
I smiled happily. Miss Asunta Flores, the owner of the restaurant where I work, is truly a great woman.
"Sana po maging sekreto muna natin ang tungkol sa pag-aaral kong muli. Ayoko munang malaman ni Nanay."
"Oo naman." She smiled softly, then hugged me.
Nagulat ako, pero sa huli ay ngumiti rin at niyakap ko siya pabalik.
"You're like a daughter to me, Sera," she said tenderly.
"Salamat, Ma'am. Ang laki ng naitulong n'yo sa akin dahil pinapasok n'yo ako dito sa restaurant at binigyan ng trabaho."
"Walang anuman. It was an honor to help you. If only you'd allow me to help you more."
Umiling ako kaagad. "Hindi na, Ma'am. Ang dami na ng naitulong mo, sobra na ang mga iyon."
I hugged her tighter, feeling her motherly love. She is one of the kindest and sweetest people I know.
Humiwalay siya sa akin at may kinuha siyang sobre mula sa bag niya. Inilagay niya iyon sa kamay ko kaya nagitla ako.
I blinked, staring at the envelope, my lips parted. "M-Ma'am..."
"Please accept it, Sera," she said. "It will be a big help to you, sa pagpapagamot mo kay Miggy at sa tatay mo."
Tears welled up in my eyes, and I trembled as I stared at her concerned face.
"M-Ma'am... masyado nang malaki ang naitulong mo." I whispered, trying to hand the envelope back, but she shook her head.
"Tanggapin mo na, Sera. Magtatampo ako kung hindi mo 'yan tatanggapin."
My heart thumped. I gasped and quickly hugged her again to thank her.
"Study hard, Sera," she whispered. "She will be really proud of what you've become."
"P-Po?" I glanced at her, but she just shook her head and chuckled.
"N-Nothing, hija. Naalala ko lang ang kapatid ko." She smiled at me.
˚ˋঌ˖˚ˋঌ˖˚ˋঌ˖
I FETCHED MY brother when it was time for him to go home from school. Dahil may natanggap akong pera ngayon, pinasyal ko siya sa mall.
A man appeared at our house earlier and informed me that he was my bodyguard. Ang laki ng katawan niya, kaya natakot ako. Itinaboy ko siya at sinabi ko sa kanya na ako na bahalang magsabi sa boss niya na ayaw ko pala ng bantay. 'Pag nagkataon, baka pati ang mga kapitbahay namin ay matakot! And that was when I remembered that I was supposed to meet the engineer at his office.
"Ate, gusto ko sanang makipaglaro kanina sa P.E., kaso hindi ko kaya kasi mabilis akong maubusan ng hininga," reklamo ni Miggy habang magkatabi kaming kumakain ng paborito niyang spaghetti at manok.
BINABASA MO ANG
Dancing With Fire (TO BE PUBLISHED)
Fiction générale[REVISED EDITION, 2026] Lost Island Series #4: Dancing With Fire "A love that risked everything, knowing it might leave ashes behind, yet choosing to burn anyway." Money. For Serafine Veronica Mendez, money is everything. A self-proclaimed rich ki...
