Chapter 3: Loving U

135 4 3
                                    

Loving U~

Loving U U – what should I do – what should I do?

I can’t control my heart, my heart is not working

It’s to the point where I can’t focus

Baby I’m falling in love with U U

What should I do, what should I do?

I can’t lose you, I love you

Woo woo woo woo woo

Baby I’m in love with you

~PART 1, Lee Joong's POV~

Kauuwi ko lang galing sa interview este sa school, nagkaroon ako ng amnesia, yun ang mga pinagsasasabi ng mga tao roon. Naging mabait daw ako. Naging super inosente daw ako. So it means...hindi ako mabait sa kanila? Tinignan ko yung kalendaryo, malapit ng mag-October.

Ang natatandaan ko lang, nung March, medyo okay naman ako, pero ngayon, mukhang ewan nalang. Di ko na maalala in short. Basta ang alam ko lang, sinabi lang nila sa akin na naaksidente ang tita ko, namatay siya. Pero buti nalang daw, may iniwan si tita sa akin na worth $53000, $2450 galing sa kanya, at yung mga natitira, galing naman kay tito. Okay na rin yun, magagamit  ko yun, mahal talaga ako ni tita. 

Pero bigla akong napaiyak, naaalala ko pa nung bata pa ako, nandito lagi si tita sa tabi ko. Nung namatay naman sila mama at papa, naging father and mother ko siya at the same time. Sana tita, maging masaya ka na sa ikalawang buhay. 

~PART 2, JiYoon's POV~

Lee Joong, pangako, hindi na kita sasaktan pa muli. Hay! Nakakaantok! Naging popular si Lee Joong sa buong college, mukha tuloy siyang naging artista! Interview dito, interview doon. Saan ka pa! Bigla akong tinawag ni nanay.

HOY JiYoon! sigaw niya sa akin.

Bakit nanaman ma? tanong ko sa kanya.

Basta halika! May bisita ka! sabi naman niya.

Wow...bisita..... sabi ko sa sarili ko.

Bumaba na ako mula sa kwarto ko, nagulat ako nung nakita  ko si Lee Joong. Nandito siya, nakangiti, parang walang nangyari sa aming dalawa. Napapaiyak ako dahil dito. Siguro'y kapag nalaman niya na nakipagbreak ako sa kanya dati, iiyak siya. 

JiYoon! sabi niya sa akin.

Oh ano? tanong ko sa kanya.

Wala lang, wala kasi akong magawa dun sa apartment eh. Kaya eto, dito muna ako. sinabi niya ito,at bigla siyang ngumiti.

Hindi strict si mama sa kanya, siguro'y dahil niligtas niya ako. Para bilang pasasalamat siguro kaya dahil hindi siya strict kay Lee Joong. Mataas ang tiwala ni mama kay Lee Joong, kaya sana, hindi niya ito balewalain.

Dito na siya kumain, at may dala pala siyang kimchi eh, kaya ayun, nagustuhan ni mama. Haha. Nagkwentuhan din kami doon, inabot na pala kami ng isang oras, pero tutal, malapit lang naman ang apartment ni Lee Joong sa amin eh. Gusto niyong malaman kung ano yung pinag-usapan namin kanina? O wait lang...

~FLASHBACK~

 Mama: Ano'ng nangyayari sayo Lee Joong? Maganda ba?

Lee Joong: Opo naman. Parang nga hong interview yung nangyari sa akin dahil sa mga kaklase ko eh.

JiYoon: Oo ma, nagkaroon nga ng kalandian yung mga ibang babae kay Lee Joong.

Lee Joong: Kaya nga eh, pero-

Mama: Siguro'y mas maganda pa rin si JiYoon sa kanila ano?

Lee Joong: Yun na nga po eh, ganun yung mga ibang babae ngayon, kapag may ginawa kang maganda, wagas silang lumandi.

JiYoon: Di ko gets.

Lee Joong: Di ko naman kasi nilagyan ng punto eh. Bahala ka na. 

JiYoon: Ano nga kasi ang ibig sabihin nun??

Lee Joong: In short, di ko sila gusto. Yun na yun.

Mama: Weh? Talaga ba? Haha.

JiYoon: Kumain na nga tayo. Nagdaldalan lang tayo eh.

At marami pa kaming pinag--usapan ng mga walang kwenta.

~FLASHBACK ENDS~

~PART 3, SooYoung's POV~

May gusto sa akin si MinJoo? Ngayon ko lang nalaman. At yung pagtibok ng puso ko, ang bilis. Pero siguro, sana...hindi siya masaktan sa akin, ayoko ng may nasasaktang tao eh. Sana nga hindi....

Lara! tawag sa akin ng mommy ko. Half Filipino at half Korean ako eh. Ang nanay ko, half american at half filipino. Tawag sakin ni papa ay SooYoung pero tawag sakin ni mommy Lara. Siya lang ang nagtatawag sa akin ng Lara, at gusto ko na Lara ang pangalan ko. 

Bakit mommy? tanong ko sa kanya.

Nagpadala ang papa mo, isang letter, likha basahin natin! sabi niya sakin na actually ako ang dapat magbasa nun.

Siya nga pala, ang papa ko ay nasa states, alam mo na, business kasi diba? Business trip nila doon, then France, then China, then Malaysia, then Thailand, then Philippines, at kahit ano pang bansa. Basta makaalis lang siya sa Korea for a whole year.

 Dear Lara,

Hindi na kita tatawagin bilang SooYoung, ikaw na ang bahala, yan ang pinakagusto mong gift diba? Anak, happy birthday! At sana'y maging masaya ka ha. Kung may gusto kang lalake, sabihin mo sa akin. Kung maging strict ako sa mga magiging boyfriend mo, pasensya na. Sa panahon kasi ngayon, uso ang kalandian ng mga ibang babae sa mga meron ng girlfriend. Happy Birthday! Miss na kita anak! Bye.

Sincerely Yours,

Papa

Hindi lang pala si mommy ang tatawag sa akin ng Lara, hindi rin si daddy, kung hindi lahat ng tao sa mundo. Lara na ang nickname ko, at Lara na ang pangalan ko. Pero sana, hindi pa rin nila kalimutan ang SooYoung. Kung magbabago man ang pangalan ko, hindi magbabago ang personalities ko. Pangako yan.

Note:

Want to hear the song Loving U by SISTAR? See the multimedia. Maganda yan. 

Circle Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon