Chapter 1: Amnesia

191 6 2
                                    

Hello! Ako nga pala si JiYoon! Wala kayong pake kung ano ang apelyido ko. 17 years old. From Busan. I'm now on what you called college life right now actually, pero as usual, wala kayong pake kung matalino ako or not. Meron akong first boyfriend, kaya lang 1 week lang kaming nagtagal, iyan! Natrauma ako dahil diyan! Kaya after 5 years na ulit akong nagkaroon ng boyfriend! Siya si Lee Joong, ewan ko kung bakit Lee ang pangalan niya, actually, wala na siyang pamilya, namatay daw sa isang aksidente. Kawawa nga eh, mag-isa lang tuloy, buti nalang inaalagaan siya ng kanyang tita, pero nasa ibang bansa ang tita niya kaya nagpapadala nalang ito ng pera. Kaso, troublemaker siya.

Annyeonghaseyo! Ako nga pala si Chang Lee Joong, mag-isa lang namumuhay dito sa Seoul, may gf na, isa pa lang. As if, isang buwan ko palang yun gf no'. Pero okay din naman siya eh, ayos nga siya eh. Sa katunayan, magkaklase kaming dalawa. As if, kaming dalawa lang lagi ang nag-uusap dun. Ang ganda nga eh, nagkakita pala kami sa isang coffee shop. Waiter kasi ako doon eh, siya costumer, hindi pa kami magkakilala nun. Summer job ko kasi yun, alam mo na, para may ipon. Others think I'm a trouble maker, but the truth is sila yun, hindi ako.

CHAPTER 1 ~

~ AMNESIA ~

Sa isang park, nagkita ang dalawang magkarelasyon.

Lee Joong! Nakipag-away ka nanaman ba?! Ilang beses ka nanaman bang makikipag-away ha!? Akala ko ba magbabago ka para sa akin? Pero hindi pala! inis na pagsigaw ni JiYoon kay Lee Joong. Ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi ako ang nag-uumpisa? Sila yun! mahinahong sabi ni Lee Joong. Alam mo?! Ayoko na, ayoko na sayo. Ang hilig mong mang-away! galit na sabi ni  JiYoon. 

Sorry na. Hindi ko na uulitin. Promise.

Anong hindi mo na uulitin? Promise?!! Promise promise ka pa, hindi mo naman naigagawa! Lahat ng pangako mo, napapako! sigaw ni JiYoon sa kanya.

Walang nasabi si Lee Joong, gulat na gulat siya, kahit ilang beses na siyang pinapatay ng mga sigaw ni JiYoon sa kanya, ngayon niya lang naramdaman ang galit sa sarili. Guilty.

BREAK NA TAYO.

Ang mga huling salita niya kay Lee Joong. Gulat na gulat siya. Umiiyak. Hindi niya alam ang gagawin, lalo na siya ang nag-iisa niyang best friend at mahal. 

Iniwan siya ni JiYoon sa parke. Biglang umulan ng malakas, hindi pa rin sumisilong si Lee Joong sa kahit saang pwedeng masisilungan. Para kay JiYoon, masakit din yun. Dahil pangalawang boyfriend niya si Lee Joong, ngunit hindi pa rin niya matanggap kung bakit kailangan pa niyang makipaghiwalay kay Lee Joong. Nakauwi na si JiYoon, wala pa ring tigil ang buhos ng napakalakas na ulan. Worried siya kay Lee Joong, dahil siya ang una niyang girlfriend. At magdadalawang buwan pa lang sila. Akala niya'y aabot sila ng isang taon, ngunit hindi....hindi...

~PART 2, JiYoon's POV~

JiYoon! JiYoon! sabi ng nanay. Ano? tanong ko naman sa kanya. Kamusta naman kayong dalawa? Dalawang beses palang siyang pumupunta dito. ang mga pinagsasasabi ng nanay ko. Ma....hindi na kami. Nakipagbreak ako sa kanya. Pero ma...tanong ko lang....bakit gusto mo siya kaysa kay ChungSuk, este...hindi mo naman gusto si ChungSuk para sa akin. Dahil ba, 13 palang ako nun? Dahil ba bata pa ako nun? Ganun ba ma? tanong ko sa kanya, sincere ako dun ha! Oo anak, pero hindi lang dahil dun, alam ko na hindi siya magiging mabait sayo. Mukha pa nga lang eh...halata ng basagulero. sabi ng nanay. Pero basagulero din naman si Lee Joong diba ma? tanong ko sa kanya. Alam mo anak, dapat sinasabi mo ito sa sarili mo, dapat tinatanong mo sa sarili mo na, mabait ba sa akin si Lee Joong, magbabago ba siya para sa akin? Dapat ganun. Atsaka, hindi ka naman nandun sa mga away niya eh. sabi ng nanay. 

Napaisip ako. Mabait nga siya sa akin eh. Sobrang bait niya. Pantay lang ang bait niya sa akin. Oo nga, tama nga si nanay, hindi ko alam ang mga nangyayari. Nababalitaan ko lang sa mga kaklase ko kung may nangyayaring away na nandun si Lee Joong. Feeling ko...sobrang sama ko sa kanya. Wow ha..maggagabi na pala? Ngayon ko lang nalaman. Tumigil na rin pala ang ulan. Tatlong oras na may ulan. Malakas na ulan. Ang hirap nun.

Circle Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon