Chapter 15: Shattering

63 4 6
                                    

~Part 1, JiYoon's POV~

Love is great they say, it will be fun they say. Kaya lang fun pala yun kapag hindi ka nasasaktan. Kailangan magsuot ng helmet, pag ika'y nadisgrasya lagot ka.

Naglalakad pauwi sa amin. Umuulan pa rin. Magkakasakit talaga ako ng sobra sobra rito. Malamig na malamig na talaga ang sibol ng hangin at ulan. Kasi diba, papalapit na ang pagpatak ng mga snow. 

Anong date na kasi ngayon? One month after magkaroon ng amnesia si Lee Joong. At ngayon break na kami? Ang sakit pala sa heart noh? Second time ko na to. 

Naglalakad ako, hindi ko namalayan na tumatawid na pala ako sa intersection. Yan tuloy, pinagalitan ng bonggang bongga ng isang driver dahil muntikan na akong masagasaan. Onga naman, makukulong pa sila eh. Baka ang kaso nila ay reckless driving. 

Buti nalang hindi ako naaksidente, kundi magluluksa ng bonggang-bongga si mama. At ayokong makita naman ang pangalan ko sa dyaryo. November 18, 2012. Isang babae, patay dahil nasagasaan ng isang kotse.

Diba parang kadiri naman yun? Mamamatay ka na nga lang, kadiri pa ang mangyayari sa katawan mo. Kasi kapag nasagasaan ako nun, patay agad ako, tapos may trak pa palang dumadaan dun sa intersection na yun, muntikan na ngang mabunggo yung kotse ng muntikan ng makabunggo sa akin eh, buti nalang nagising. Kung nasagasaan ako nun, malamang kaderder na ang body ko. Ayoko pa namang ganun ang mangyari sa akin. Panigurado cremation ang abot ko dahil dun. Eer eer kaya.

Nakauwi na ako ng bahay. Buti nalang tulog si mama, at hindi akong nakitang basang-basa sa ulan. Kaya agad nalang ako naligo, at para hindi mahalatang nagpaulan ako, binabad ko yung suot ko kanina. Pagkatapos kong maligo, hindi ko namalayan na gising na pala siya.

Bakit ka nga pala umalis ng hindi nagpapaalam ha? tanong ni mama sa akin.

Oo nga pala. Hindi ako nakapagpaalam. Kasi si..wag na lang. 

Ah..eh kasi mama, nakalimutan ko eh. sabi ko nalang kay mama.

Osige. Sa susunod magdala ng payong na hindi ka mababasa okay? sabi niya.

Alam pala ni mama na nagpabasa ako. Yan! Sayang tuloy effort ko sa pagtago ng katotohanan. Hayss..

~Part 2, JaeJi's POV~

So, ayaw akong palabasin ng mama ko dahil umuulan ng malakas kanina pa. Kasi naman eh, sino ba ang nagsummon ng lecheng ulan na yan?!! Nakakainsulto na ang mga ulan ngayon ha. 

Dahil wala akong magawa sa bahay, naglaro nalang ako ng mga online games sa laptop ko. Kahit matanda na ako, naglalaro pa rin ako ng mga ganyan! Bakit ba, sa facebook nga kahit matanda naglalaro ng SimCity Social, Farmville, CityVille...teka...may CityVille 2 at Farmville 2 na right? Grabe naman, wag na nilang gawing 3 yan ha! Ang panget ng 2! 

Thanks for the Online games. Pang-entertainment ang mga iyan kapag bored to death ka. 

Isang oras na akong naglalaro ng online games, tinamad na ako. Kaya nagbasa nalang ako ng mga books. Isang oras na uli ang nakakalipas, 4PM na pala ha! Pero pagkakita ko, may ulan pa rin! Nakakainis na yan ha! Walang tigil? -.- 

 Nakinig nalang ako sa mga kanta. Ayoko ng western, local gusto ko. Kaya mga OST nalang ng Big, Nice Guy, Gentleman's Dignity, etc. nalang ang pinapakinggan ko. Pero minsan naman, may mga KPOP dito. Syempre, I love my own country. 

Ilang sandali ay natapos na rin sa wakas ang ulan! GO AWAY you BITCH! Okay, nagaya na talaga ako sa kaibigan kong mura ng mura. Western music kasi ang gusto niya. 

Pinayagan na rin ako sa wakas ng mommy ko na umalis papuntang mall! Yay! Thank Goodness! 

5:30PM na ako nakapunta ng mall. Actually, wala akong gagawin sa mall pero hindi ko alam kung bakit pa ako pumunta roon? Para ba magpalamig? Grabe naman, anglamig na nga sa Incheon eh!

~Part 3, Lee Joong's POV~

Ewan ko ba kung bakit ako nakipagbreak sa kanya. Para ba makapaghiganti sa ginawa niya, o dahil ginawa niya rin yun sa akin dati? Pero hindi ko alam kung bakit pati ako nasasaktan sa ginawa ko. Siguro kung ano ang nararamdaman niya, ganun din ang nararamdaman ko ngayon. Ah basta, hindi muna ako makakapagkita sa kanya. Pero sa Monday, makikita ko rin naman siya. Ang tanga ko. 

Pumunta nalang muna ako sa isang bar. Konti lang ang tao dun, buti nalang 19 na ako at pwede na ako sa mga bar. Uminom ako ng napakarami, pero dahil baka maubusan ako ng pera, tumigil na ako. Dahil medyo nahihilo na ako, gusto ko sanang tawagan si JiYoon, pero bigla kong naalalang break na kami, kaya si April nalang ang natawagan ko.

So...bakit ka nga pala uminom? tanong ni April sa akin habang naglalakad kami.

Ang tanga tanga ko! sigaw ko sa kanya.

Marami pa kaming pinag-usapan habang lasing ako. 

Yan ang mga ginawa ko kagabi?!! sabi ko kay April.

YUP. Kulang pa nga yan eh! sagot ni April. Tumawa nalang siya, at umalis dahil may klase pa pala kami. 8:30AM ang pasok namin, 8:20AM na pala. 

Circle Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon