Chapter 17: Forget Or Forgive?

66 3 2
                                    

~Part 1, JiYoon's POV~

Sana pumunta siya mamaya. Kung magkakaroon lang ako ng pagkakataon baguhin ang nangyari na, sana nagawa ko na dati pa eh. 

 Pumunta na agad ako sa Aomori Park kahit 11AM palang ng umaga. Nagdala ako ng isang letter na sinulat ko para sa kanya. Sana basahin niya. Sana hindi niya iyon sunugin o kahit anuman. Kasi alam kong gagawin niya iyon. 20/100 lang ang chance na maunawaan niya ako. Naglakad-lakad muna ako dahil bored na bored ako. Mga hapon ko nga pala siya pinapunta. 2PM pa. Ang tagal ng sinabi ko. Hays....

Konti lang ang mga tao doon dahil alam mo naman, sino ba naman ang pupunta sa park ng ganitong oras? Isang matanda, isang couple. At isang mag-asawang matanda na ang nandun. Tinignan ko ang couple, ang sweet nila sa isa’t isa, parang kami lang ni Lee Joong. Gusto kong umiyak dahil doon. Napakasweet talaga nila. Pero sad story na kapag magbebreak sila dahil sa isang katangahang nangyari.

Yung mag-asawang matanda na sa kabila, sinasabi nila na “Mamahalin pa rin kita kahit maputi na ang buhok ko.” It’s so meaningful right? Yung isang matanda naman doon, kailangan niya ata ng kasama. Syempre, malungkot siya. Siguro, may nangyaring hindi maganda sa buhay niya. Ano kaya? Romance?

Nilapitan ko yung matanda.

“Hello po.” sabi ko sa matanda.

“Ah iha, may maitutulong ba ako sayo?” tanong ng matanda.

“Wala po. Gusto ko lang pong malaman kung bakit mag-isa ka lang po.”

“Ah. Ganun ba? Gusto mo ba talagang malaman iha?”

“Opo. Gustong-gusto ko po.”

~Part 2, Old Lady’s POV~

1938. 17 taong gulang ako. Ako ay isang entertainer sa isang Angel’s Club. Maraming tao dun. Karaniwan ay mga sundalong hapones. Ako ay parang hostess sa aking ginagawa. Habang ginagawa ko ang aking performance, may isang lalaking pumunta sa stage at biglang sinabi, “Binibini,hindi mo kailangang gawin iyan!”

Nagulat ako. Nagulat ako dahil may isang taong gusting itigil ang aking ginagawa            . At iyon na pala ang lalaking magpapatibok sa aking puso. At dahil dun, pinaalis siya ng mga sundalong hapones dahil sa mga ginagawa niya. SInundan ko siya. Gusto kong magpasalamat sa ginawa niya sa akin. At dahil doon, naging magkaibigan kami.

“Ako nga pala si JinWoo. Ikaw, anong pangalan mo?”

“AeRi. Han AeRi.”

“Apelyido ko ay Jung. Jung JinWoo.”

“Ah. Nice meeting you nga pala. Salamat na rin. Bakit mo nga pala iyon ginawa?”

“Walang anuman. Ginawa ko yun dahil, mali ang ginagawa mo. Bakit ka kasi ganyan?”

“Kailangan kong mabuhay. Ako nalang ang mag-isa, kailangan kong mag-ipon para makapunta sa Japan.”

“Bakit sa Japan? Anong gagawin mo doon?”

“Hindi mo na kailangang malaman. Ngayon lang kita nakilala pero makapagtanong ka wagas.”

“Sige. Paalam.” Sabi niya sabay alis.

“Iyon ang simula ng love story niyo po?” tanong ng babae.

“Oo. Doon ko nalaman kung ano ang kahulugan ng pag-ibig.” Sagot ko.

1939. Pagkatapos ng mga  taong paghihirap. Bagsak na lahat ng ekonomiya ng bansa. Pero buti nalang ay may pera.

akong naipon. At napalitan na rin ang walang mga halagang pera na ipinakalt ng mga hapones. Bumagsak ang Angel’s Club na pinapasukan ko kaya wala akong mahahanap na trabaho. Buti nalang ay bumangon agad agad ang Pilipinas. Bumangon ang lahat ng pagmamay-ari ng Pilipinas.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 29, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Circle Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon