*Third Person's POV*
Agad nagsilapitan ang bawat grupo ngayon sa tinatawag nilang battle ground. Dahil sa gaganaping gangfigth, bawat grupo ay handa sa magiging madugong labanan.
Ang Blue Flower Dragon Gang sa kabilang bahagi ay kinikilala bilang isa sa malalakas na grupo sa gangster world. Kapansin-pansin ang kanilang kulay ng damit na pareho naka kulay itim bilang kanilang palatandaan.
Sa kabilang grupo naman ang Oranggokyut Gang na kabilang sa Lower rank No.6 sa Gangster world. Kapansin-pansin rin ang mga bitbit nilang nasilakihang mga armas at handa rin sa madugong labanan.
Agad nagkalapit ang grupo isang dipa ang layo mula sa isa't isa na parehong dala-dala ang kanilang nagsisi-tigasan at nasisi-astigang mga aura.
"Handa na ba kayong matalo." si X, kinikilalang leader ng Oranggokyut Gang.
"Tss, coming from you, are ready to die." si Lion, kinikilalang leader ng Blue Flower Dragong Gang.
Sa gilid ng isang mabangis na leader ng Blue Flower Dragon Gang ay isang maamong timang na si Animel. Halos di maipinta ang mukha nito. Samot saring pakiramdam ang nararamdaman niya sa sandaling iyon.
Kaba..
Takot..
At kagustuhang matulog..
Nag-ngisihan ang bawat leader ng grupo bago sabay binigkas ang mga katagang..
"Let the fight begin.."
At nagsimula ang rambulan...
*Animel's POV*
Suntukan
Sipaan
Hampasan
Tadyakan
Ang tumambad sa akin sa kinatatayuan ko. Hindi ako makagalaw. Di maproseso sa utak ko ang nangyayari ngayon mismo sa harap ko. Tila lahat sila sa paningin ko'y nag e-slow motion..
*LUNOK*
Lumingon ako sa gilid, ngunit suntukan at sipaan ang tumambad sa akin. Bumaling ako sa kabilang gilid ngunit hampasan at tadyakan naman ang sumalubong sa akin.
Wew..
Napalunok ako at napapikit. Iminulat ko ang aking mga mata sa harap at isang suntok ang papunta ngayon sa mukha ko na siyang ikinabigla ko.
Ewan ko lang, sa sobrang bilis ng pangyayari, naging mabagal naman ang paglapit ng kamao papunta sa mukha. Tanging nagawa ko lang ah palakihin ang malaking mata.
Tiyak kung masakit yan sa mukha pag dumapo yan--
*BOGSH!*
Before it end up to my face, may sumangga na ng suntok na iyon na para sana sa mukha ko.
"HEY! WHAT THE HELL ARE YOU DOING!" saka ako nabalik sa reyalidad.
"B-Boss.." mahinang sabi ko ng tuluyan akong napaharap sa kanya. Ramdam ko ang pangingilid ng mga luha ko sa aking mata. Pati katawan ko ay nanginginig.
Oo! Takot ako! Duwag ako sa ganito dahil alam ko kung gaano kasakit masaktan! Sharot.
Ang mala Lion na mukha niya na handang patumbahin lahat ng kalaban sa kanyang harapan ay biglang lumambot. Siguro dahil sa sitwasyon ko.
"I won't leave you behind and I won't let anyone hurt you kitten."
Kitten daw. Tinitigan ko lang ang kanyang nanghihigop na mga mata at sinasaulo ang kalma nitong boses.

BINABASA MO ANG
Accidentally a Gangster
RandomVin D. Nyla Isang hamak na studyante lamang sa isang pampublikong paaralan. Pangarap lang naman nito ang makapagtapos sa pag-aaral at magkaroon ng magandang buhay. Isang araw, may nagpadala ng sulat sa kanyang munting tahanan at nabalitaang may maga...