*Animel's POV*
"Hi guys ! Panibagong araw, panibagong kagaguhan na naman!" sigaw ko salamin habang naghahanda papasok sa skwela.
Nasa bahay pa'ko at pilit binabalik ang fighting spirit ko na nawala kagabi. Oh well! Oil! Oil! Past is past, and present it important.
Hindi dapat ako masyadong apektado sa ganito dahil di naman sila nakakatulong sa future ko. Ano ngayon kong k-kasali na ako sa gagong grupo! Edi, quit agad ako! HAHAHA easy, bakit ba di ko kaagad naisip na pwede naman akong sumali at mag ko-quit agad! Haha talino ko.
Pero maiba, ang ganda naman talaga ng babaeng kaharap ko ngayon. Dagdag pa ang makakapal na pilik mata. Di man ganun ka puti e, isa talagang magandang pilipina yeah!
Necktie. Check.
Borloloy sa pulso. Check.
Orasan sa kabilang pulso. Check.
Smile nga, boom! Catriona ang datingan.
Sinuri ko pa kabuuan ko sa salamin bago lumabas ng bahay at maglalakad papuntang skwela. Maaga pa naman at wala pang init sa daan. Bukod sa makapag exercise ka, makaka tipid ka pa! Oh diba.
Pakanta-kanta ako habang naglalakad sa daan. Tapos ko ng kantahin ang 10,000 reasons kaya iba naman.
"Parang Neneng B ang kanyang katawan, ang sarap mong titigaan, rosas kaba? Kasi sa spaceship e sasakay kita. 🎶 Boom!"
Kanta ko kahit wala namang nai-intindihan sa lyrics, uso kasi ito ngayon sa mga computeran namin at nasaulo ko nalang bigla tsk.
Five minutes from walking ay tanaw ko na ang aking school ko. Hehe. Today is thursday at eksayted na'ako bukas kasi Flyday! Este Fridaay!
Pero time first.
Kunot noong bumaling ako sa likod dahil piling ko kasi may sumusunod sa'akin. Actually, kanina ko pa na feel kaya minabilis kong maglakad at nabunutan lang ng tinik sa dibdib ng matanaw na ang school.
Goodness. Uso pa naman yung puting van na nangunguha ngayon. I must careful.
Ngunit nanlamig nalang ako bigla ng kasabay ko na sa paglalakad ang puting Van na kanina lang nasa isip ko.
*LUNOOOK!*
Pasimple kong nilingon ang van na kapansin pansin ang mabagal na pagpapatakbo nito. Bumaling ako sa likod at dahil maaga pa wala pa ganoong tao. Mas lalo akong nanlamig dahil ako lang mag-isa sa daan, malaki ang porsyento na maaaring may-mangyari sa'kin!
Tinted ang bintana ng sasakyan na mas lalo kong ikinatakot. Nag tumblingan na din ang puso ko sa loob.
Rinig ko ang pagbukas ng pinto ng sasakyan at nanlaki na malalaki kong mata.
RUN! TENENENENENENEN.
"Hey wait--"
May narinig akong nagsalita ngunit hindi ko na mapigilan ang mga paa ko na kating-kati na sa pagtakbo at sa halip na may 2 minutes pa na lalakarin papuntang school ay nakaabot agad ako.
Habol hininga sabay hawak sa dibdib at sa poste.
"HUFF! HUFF!" hingal ko. Tangina, aga-aga hagardzo bersosa agad ako.
Ramdam ko ang pag heart heart ng ilong ko dahil sa pagod.
"Okay ka lang miss?"
Inangat ko ang paningin ko kay kuya guard.
Lumunok muna ako ng laway bago nag thumbs up sa kanya at pumasok na sa loob ng school.
"Oh, anyare sayo fren." si Ashian. Kong early bird ako mas early bird ang isang to.

BINABASA MO ANG
Accidentally a Gangster
AléatoireVin D. Nyla Isang hamak na studyante lamang sa isang pampublikong paaralan. Pangarap lang naman nito ang makapagtapos sa pag-aaral at magkaroon ng magandang buhay. Isang araw, may nagpadala ng sulat sa kanyang munting tahanan at nabalitaang may maga...