Chapter 01: Voice behind
(Where it all started)ADRIANA
"Here we go, girls!!!" malakas na hiyaw ni Hannah sabay itinaas pa ang kanyang kaliwang kamay kasabay ng paghinto niya sa pagdrive ng kotse niya.Lahat kami excited, nakaupo ako sa passenger's seat kaya naman, I unclasped my seatbelts and open the cardoor drastically dahil nagmamadaling makasabay si Hannah.
Katabi kong maglakad si Hannah at nasa likuran namin si Aubrey and Mellinah---ang mga friends ko. Pinapaikot-ikot ni Hannah ang carkey sa hintuturo niya habang nakataas ang kanyang kilay.
Huminto siya.
"Mellinah?"may accent na tawag niya at lumingon naman si Mellinah sa kanya.
"Ikaw na ang dapat mauna because you already knew this place than us... Ikaw ang madalas nan'rito, kaya---dali! Dali!" mataray na suggest ni Hannah. At ayon nga, nauna na samin si Mellinah maglakad. Baka kasi maligaw pa kami't di malabong pagtripan, di'ba? Hehe.
Naglakad kami ulit hanggang makapasok sa bar. Bakit kami nasa bar?---Maghahanap lang naman ng mga hotguys at if nakatyamba ang charisma, syempre syo-syotain agad hahaha! Just kidding! Huminto kami sa drinks area, then isa-isa kaming naupo.
"Aubrey, kung gusto mo na talagang makalimutan 'yung ex mong gago, why not mingle again? Eh tama lang na sumama ka sa'min, right, Hannah?" nanlilisik na matang sabi ko at saka nakakalokong ngumisi na tumingin kay Aubrey na sawi. Nanlulumo pa siyang ngumiti na para bang bakas pa ang lungkot sa mga mata niya.
"Sana nga." nalulumong sabi niya.
"WOW! 'Yan nga! Tama yan! Tama yan, Aubrey!" palakpak ni Hannah sa bilib.
"Sheesh! Akala niya siya lang ang marunong kumalimot? Duh, nagkakamali siya kung ganun!" pangangatuwiran ni Hannah habang nakacross-arm.
"Girls?!!!" Patanong na sigaw naman ni Mellinah na mukhang nainis. Sabay namin siyang nilingon.
"Ano??" jinks naming tatlong nabulalas.
"Anong ano ano?!---Chismisan nalang ba ang gagawin ninyo diya'an? BILIS!" gitil na sabi ni Mellinah. Excited na excited na sa dancefloor ang babaeng 'to, 'lam na this!
"Aba! Aba! Aba! Huh, 'san naman tayo pupunta? Cge nga?" paghahamon ni Hannah habang nakataas ang kiyang kaliwang kilay na matatalim ang titig kay Mellinah.
"Ha! Anu pa? Syempre sa dancefloor, gaga!" pagalit na sagot ni Mellinah.
"Mellinah, ano ka ba naman? Hintayin mong may magyaya! Engot ka ba?!" si Hannah again.
"Tama na nga 'yan! Nagbabangayan pa kayo, eh pwede naman kasing hinaan ang boses!---Nakakarindi sa tenga...IINGAY NIYO!" pumagitna na striktong awat ko sa kanilang dalawa. Kaya natigilan sila. Nakakarindi sa ingay ang mga 'to! My ghad!
Inirapan nila ang isa't-isa nang wala ng umimik pa. Frankly, first time ko palang pumunta sa bar kaya nabibingi ako masyado sa lakas ng sound system rito. Kung pwede ko lang talagang pagtakpan ng kamay ang mga tenga ko, gagawin ko!
Si Hannah Arines. Ang leader ng aming grupo. Siya ang nauuna palagi magyaya na gumimick sa aming apat.
Siya rin yung pinakashowy at may attitude minsan. Ayaw niyang nasasapawan ng ibang emosyon tulad ng mga drama-drama kapag masaya kami, like dito! Diba dapat happy happy lang dito? Tapos ako ang nagsimulang dumamay damay kay Aubrey.
Ayun, eh ayaw ni Hannah ng mga ganon kaya pampa-good vibes ang way ng pananalita niya nang kinausap niya si Aubrey. Minsan nga, ang sarap sabunutan lang pero sana all marunong magkondisyon ng feelings, haha!
BINABASA MO ANG
ALL I EVER NEED(On-going)
Художественная проза'Read at your own risk!' Written by: Paperminter_ara May 19, 2020 -ONGOING-