Chapter 03: That Body
HANNAH
Nag-aalala pa ring tinahak ko ang daan patungo sa isa sa sikat na hotel dito sa Las Pinas. Nang maiparada ko ang aking kotse sa parking lot ay agad na tinawagan si ate Kia na pumunta rito.
Pagkalipas ng seven minutes, nang maaninag ko siya ay agad na bumaba ako sa kotse. "Ate Kia!" wave ko sa kanya. Natinag naman siya.
"Oh, Hannah!" ganti niya sakin nang makalapit na siya sa kinatatayuan ko.
"'San ka galing?" inosenteng tanong niya. Hindi ko inaasahang aamuyin niya ako kaya wala sa sariling napaatras ako.Bago magsalita, nakailang tango habang nakangiwi siya sakin. "Amoy alak ka... At dahil sosyal ka, nanggaling ka sa bar 'no?" naghihinalang tanong niya. Agad kong iniwas ang paningin sa nakakaloko niyang itsura.
Makahula. Tumigil ka, Hannah eh tama ang hinala niya!
"Tsk! Tsk! Tsk! Hay!" iiling-iling na singhal niya.
Ikinainis ko yun, to be honest. "Yes, Ate Kia. Will you stop acting like you are innocent,yet ignorant!" sarkastikong tumango ako. "Yes you are."
Humalukipkip siya at mariing akong tinitigan. "Is that so...Uhm kung sisigawan mo lang naman ako, mas mabuti ng umalis nalang akis. Tinawag mo ko dahil may kelangan ka diba?" pagbabawi niya na ikinagitla ko. Iyon ang rason upang sa pilitan ko siyang hawakan sa kanang braso niya.
"S-Sorry na oh, nagjo-joke lang naman ako ah." nakasimangot kong ani. Napangiwi siya hanggang sa sungitan niya ako.
"Tseh!" marahas na binawi niya ang braso mula saakin. "Ano ba kasi 'yan?! Hindi ka ba makasolo pumasok? Utak mo talaga." angil niya.
Ngayon, mas pinili kong magpakumbaba para pagbigyan niya ako.
Go Hannah, gaga kaya mo yan sabihin mo na sa kanya. Pakipot ka pa.
Hinawakan ko siya sa kamay.
"Eh, kasi... Kasi magpapatulong sana ako na alalayan si Aubrey. She's drunk. Can you help me with that?" nahihiya kong sabi.Natural na nagulat siya.
"W-What?! Aubrey got drunk?!" aniya gulat. Samantalang napakamot lang ako sa ulo.
Inulit pa eh narinig na.
"Oo nga!" bulyaw ko. Ikinainis niya ulit. Na konsensya ako nang gawin ko iyon. "S-Sorry, 'di ko sinasadya, hehe." pagpapaawa ko.
"Please?" nagpuppy eyes ako.
"Wait, sino nga pala kasama mo doon?" dinig na dinig niya ang malakas na buntong hininga ko sa pagkabagot subalit hindi niya inalintana iyon. "Uy, Hannah umayos ka. Baka kung ano na ang mga pinanggagagawa niyong mga kalokohan ah. Baka kung anong mabalitaan ko nalang diya'an. Isusumbong talaga kita kay mamita."
The pak, speaking of the devil. Naguiguilty na naman ako. Salamat ate pinaalala mo pa, sarap mo ring batukan eh noh?
Laking pasalamat ko na hindi niya na hinintay akong sumagot.
Binuksan ko ang pinto ng sasakyan kung saan nakahiga ang sleeping Aubrey. Inalalayan naming ilabas siya na umuungol pa. Sarap buhusan ng tubig dahil ang amo amo ng mukha.
BINABASA MO ANG
ALL I EVER NEED(On-going)
Ficción General'Read at your own risk!' Written by: Paperminter_ara May 19, 2020 -ONGOING-