A/N
Just sit back, relax and. . .Smile. Whehehehe(♡˙︶˙♡)
yours truly,
-Paperminter_Ara------------------------------------------------------
Chapter 05: Dangerous Woman
KEIRA
Sofia Maxima University(SMU)
"Dios mio." bulalas ko sa gulat matapos kong tignan ang clock display sa cellphone ko.
8:30 ang time namin eh 8:36 na. Shems! Paniguradong panay sabon na naman ako nito kay sir!
"Oh, bakit Keira?" alalang tanong ni Gigi sa kabilang linya. Alam niyang narito ako sa restroom ng school namin subalit ang hindi niya batid na late na ako sa klase.
Dahil nga time na, bilang nalang sa daliri ang mga students na nais gumamit ng mga CR. Hindi ko inalintana ang kung sinomang makarinig sa aking tinig sa labas.
"M-May ipis kasi. Wala 'to---D-Don't mind it." pagdadahilan ko. Sabay nag fake laugh.
"Kaya kita tinawagan ngayon, Gigi. Kung hindi ko ba naman kasi nakalimutan, lintek." inayos ko ang aking palda.
"Ang problema eh paano ko siya makakausap eh ni hindi ko nga mahagilap ang babaeng 'yun." si Gladiola ang tinutukoy ko.
" 'Sang lupalop ko ba naman 'yun hahanapin? Arrrggh, gusto ko talagang iparanas sa kanya ang mismong ginawa niya kay mommy!" desperadang sabi ko.
"Remember, justice is not like that." bakas ang inis sa pananalita niya. Sa tingin ko, kung sakaling magkausap kami sa iisang lugar, posibleng nabatukan niya na'ko dahil sa aking kapraningan. Hindi malabong mangyari iyon.
Well, Gigi kailangan mong magtimpi, hehe.
Nanlumo akong napatingin sa kisame at pababa sa tiles na sahig. "Ugh, I know but I'm just being fair!" gigil kong giit.
Nakakagigil naman talaga kasi!
"But what are you planning to do, huh, Keira? Revenge? Seriously? Eh mga tanga lang ang gumagawa niyan. Stupido!" histerya niya. Natulala ako sa halos mansapak niyang tono ng pananalita.
Ang sakit niyang magsalita, legit.
"Gigi, watch your words." pagtitimpi ko.
Ang sakit eh! Sukat pagsabihan ako ng stupido, eh sinong hindi maiinis 'nun?!
Napabuntong-hininga siya, kinakalma ang sarili.
Nakakabagot kapag may gusto kang gawin biglang may aangal, nakakayamot! 'Yung shi-nare mo lang nga sa kaniya, Ayun siya pa nakikialam, nagfe-feeling magaling, feeling alam lahat. Edi ikaw na gurl!
Feel me? Tanong ko lang naman.
Na-aamoy ko talagang ganyan ang magiging reakction niya, syempre hindi siya sang-ayon. Natural eh hero siya---este, police tapos ilegal ang plano ko at siya naman kulang nalang patayuan ng sariling santo.
BINABASA MO ANG
ALL I EVER NEED(On-going)
General Fiction'Read at your own risk!' Written by: Paperminter_ara May 19, 2020 -ONGOING-