CHAPTER 02• The dead body(The seeking)

64 5 0
                                    

Chapter 02: Sucker

HANNAH

10:30 pm

"Naku, Where's Adi?!" nag-aalalang tanong ni Mellinah habang lumilinga-linga palibot parking lot.

Bigla ko ring na-alala na hindi pa pala siya bumabalik since nung time na bigla siyang lumabas dahil may tumatawag sa telepono niya. Ni hindi niya manlang ako napatanong.

Ano kayang nangyari 'dun???

We tried to call her more than 10 times. But look, she's not picking it up! Does she know that we are waiting for her?!! Pambihira naman oh!

"I dunno where she is---I don't have any idea! Nag-iisip ba siya?!" Nagpatuloy pa rin akong kakamot-kamot sa ulo habang lumilingon-lingon sa aming paligid. Masyadong malalim na ang gabi kaya umaakyat na ang kaba sa sistema ko.

Lasing na din si Aubrey kaya pinagtulungan namin siyang ihatid sa loob ng kotseng dala ko para maayos naming mahanap si Adriana sa bar. Sa kasamaang palad, ay hindi parin namin siya mahagilap.

Now, we are doing already is I'm the one who seeking her presence inside the bar and Mellinah's still trying to contact her. Wala naman kaming contact sa kuya niya at mas lalong wala sa parents niya.

Hindi uso saamin ang text at madalang rin lang ang tawag unless kung may emergency. Kung may contact man kami sa mga magulang niya ay paniguradong galit na tatawag sila saamin. Hindi din nila alam na pumunta kami rito and sure na papagalitan kami tungkol dito.

Oo, tatawag sila subalit sa pagkaka-alam ko ay nag-out-of-town sila ngayon and that's because may bibisitahing kamag-anak daw ata. 'Yun lang ang tanging nalalaman ko.

"Please answer. . .Shit, ayaw! Ayaw talaga! Argggghhh!" nanggigigil sa inis na usal ni Mellinah. Mukhang nawawalan na siya nang pasensya marahil pudpod na ang screen ng phone sa kapipindot niya rito para lang macontact ang nawawalang bruha na si Adriana. Base sa sinasabi ng babae sa kabilang linya ay naka-off ang phone niya, tsk!

"Please c'mon! Pick it, pick it, pick it. . . PICK IT UP!" nangangalaiting sigaw niya. Tila ba'y mababato niya ang phone nang wala sa oras samantalang ako naman ay iiling-iling na pinagmamasdan ang gawi niya.

Mas lumapit pa ako sakanya at astang titignan ang gwai nito. Mga nasa 30+ kung tutuusing umabot kung ilang beses niya ti-nry na i-contact subalit wala pa kaming natatagpuang sagot sa mga ito.

Hindi ko maiwasan ang mag-alala ng labis.

Baka kung ano na ang nangyari sa kanya!

Baka na kid-nap na siya.

Baka ginahasa.

Malay mo, pinag-piyestahan na ng mga taong di namin kilala!

Baka na'pano na siya! Huhuhuhuhu!

Hindi ko malubayang maiisip ang mga 'yan at mas lalong di kakayanin ng konsensya ko kapag may mangyaring masama sakanya ngayon din!

Kaya walang ligoy na plinano ko na ang paglibot sa iba't-ibang bahagi ng bar. "Mellinah, huwag kang aalis. Stay here!" confident na bilin ko sa kanya. Kunot noo naman ang isinukli niyang reaction saakin.

"What?! 'San ka pupunta?!" masungit na palahaw niya.

Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat. "Hahanapin ko siya! Just stay here, keep trying to contact her. Babalikan kita dito." nagmamadaling sagot ko.

ALL I EVER NEED(On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon